Tinatamad ako. Eto yong mga araw na mabigat itipa ang mga daliri sa keyboard. May trabaho akong dapat tapusin pero wala akong keber. Meron akong kailangang tawagan pero ayaw kong dumayal. Tinatamad kasi ako sa kilo-kilometrong ‘how are you, I’m fine, tenk yu’ na araw-araw ko nang naririnig, nakakakulili na ng tenga. Pati mga tumatawag sa akin, titingnan ko lang sa display kung sino at saka dededmahin. Hindi ko kayang makipag-plastikan pag ganito ang mood ko. Pag tinanong ako kung ‘how are you’ gusto kong sabihin na hindi maganda ang araw ko. Na imbyerna ako at may pagka-war freak ako. Kaya mas mabuti pa wag na lang kausapin ang mga hindi type kausap.
Eto yong mga araw na kung may lalaban sa akin ng bangkaan, kahit sa chat room, papatusin ko. Para lang mapalipas ang oras na hindi ko ginagawa ang dapat kong gawin. Dahil nga tinatamad ako. Wala akong ganang mag-trabaho. Masama siguro ang gising ko. Stop kasi ang napindot sa alarm sa halip na snooze. Ayun, nagmamadaling maligo at magbihis. Kulang sa seremonyas kaya ang ispiritu mukhang naiwan pang sarap na sarap na nakabaluktot sa kama.
Basta tinatamad ako. Eto yong mga araw na mas madalas akong mag-check ng mail sa aking personal account sa internet. Mas naglalaro pa ako ng scrabble o nagbabasa ng dyaryo kesa gumawa ng trabaho. Kung ano-anong kinakalikot sa drawers. Nagti-text, tawag ng tawag sa cp. In short, kahit ano gagawin, pero hindi ang trabaho. Eto yong mga araw na hindi ko sinusulit ang bayad ng kumpanya. Eto yong hindi sila kumakabig sa akin, ako ang kumakabig sa kanila.
Bakit, mas marami naman ng libong beses ang mga araw na sobrang kabig pa sila sa akin. Wala sa katiting ang patama kong ito, walong oras. Kahit may overtime pang dalawa. Hinding-hindi nila mababayaran ang mga araw na hindi ako natutulog sa tanghalian para lang matapos ang trabaho. Pati mga oras na nalilipasan ako ng gutom dahil lang may hinahabol na deadline. Pati mga minuto na pinipigil ko ang pag-jingle at pag-ebak para lang matapos ang hinihingi ng mga magagaling na amo.
Tinatamad ako? Siguro hindi dahil sa late na gising. Siguro hindi dahil sa alarm na hindi na-snooze. Siguro dahil ayaw ko nang magpalipas ng gutom dahil lang sa trabaho. Siguro uumpisahan ko nang umidlip pag lunch break sa halip na magpaka-bayani. At hinding-hindi ko na siguro pipigilin ang pagsi-CR, baka magkasakit pa ako.
At siguro, hindi katamaran ang tawag dito. Ikaw, ano sa palagay mo?

No comments:
Post a Comment