Saturday, October 27, 2007

Kalas!

Just this morning, our friend Bien “Jun” the chess champ sent a clipping from today’s Arab News discussing the impact of foreign labor on GCC countries. Ang pinaka-masakit don, gumagawa ang Bahraini government ng bill na isa-submit sa GCC summit proposing to limit the tenure of foreign workers to a maximum of 6 years. Tatamaan talaga tayo lahat.

Hindi ako magugulat if this bill will be passed by the 6-member countries. Patriotic, practical and timely ang bill na ito. Patriotic because it aims to give the locals the chance na magkaroon ng trabaho instead nga naman na mapunta sa ibang lahi. Practical because it solves the problem of unemployment which is continually rising over the last few years. Timely dahil now, more than ever, nararamdaman na nila ang impact ng mataas na unemployment rate.

So I would predict na maa-approve ito sooner than later.

Should we worry? Of course. Dahil pag na-approve ito, da end na ng ating kayod dito. Pero bago pa kayo magkaron ng insomnia sa kakaisip, let me point out a few things:

Una: Kahit ano, kahit saan, basta major program, lalo na pag gobyerno, malaking tanong ang implementation. Ma-approve man yong bill, asahan mo na matatagalan pa yan bago ma-implement. Because they have to address a lot of issues. Unang-una na ang matching of local skills na papalit sa tsutsugihin nilang expat. Syempre hindi pwedeng basta tayo palalayasin tapos wala palang qualified/interesado sa tina-trabaho natin. Some study and mechanisms have to be put in place bago mangyari ang lahat. And believe me, it will not be easy.

Pangalawa: How effective will the implementation be? Sa mga inamag na sa Saudi na tulad ko, we’ve seen it before. Nag-utos ng Saudization ang gobyerno long time ago pero tingnan natin ang dami pa rin ng Pinoy (lalo na ang mga Pana) na nandito sa Jubail. Dahil mismong mga kumpanya ang gumagawa ng paraan para hindi ito lubusang matuloy. Why? Sila mismo (the companies), recognize the value of foreign workers versus local manpower. Alam nila na mas productive ang mga expats (lalo na Pinoy) which is good for the business kesa sa mga lokal na mahirap asahan ang working attitude. Kita mo nga at doon sa article mismo, sinabing kasama sa proposal ang magiging penalty sa mga ayaw magtrabaho. Sila mismo, they recognize the fact na karamihan ng walang trabaho ay dahil na rin sa kawalan ng interes magtrabaho, not the absence of job opportunities itself.

Last but not least: Siguradong categorized implementation ang gagawin dito. Yong mga trabahong kaya lang gawin ng local workforce. Or should I say, yong mga trabahong interesado lang silang gawin. And mostly, ito yong mga nasa gitna ng work ladder. Administrative ang karamihan. Ang matitira – yong nasa ibaba which includes manual labor dahil siguradong hindi nila pag-iinteresan yan. Matitira din yong mga nasa itaas like managers and executives dahil kakaunti pa ang pwedeng gumanap ng ganitong papel sa mga local talents.

Whatever happens, dapat pa ring mag-handa tayo. Sabi ko nga, matutuloy ito. Matagalan man, mangyayari pa rin. The delay will only give us the chance to re-assess our priorities. At magkaron tayo ng time na makapag-handa. Mag-ipon. Or find other ways na kumita. Ang importante, pag dumating yong time na yon, handa tayong umuwi pag sinabing tsugi ka na. Yon na yon. Kalas!

1 comment:

Anonymous said...

It's a great blog.. Informative and a lot of sense of humor... mabuhay ka Dante..