Friday, October 26, 2007

hanggang kelan, hanggang saan?

para bang soap opera ang title? actually yan ang nararamdaman ko, out of frustration, sa mga nangyayari sa bansa natin. hanggang kelan tayo maghihirap, hanggang saan ang pagdurusa nating mga pinoy. parang walang katapusan, parang lalong lumalala ang sitwasyon.

hindi ako pala-sisi na tao. pero pag ganito, meron na talagang problema ang mga leaders natin. hindi na siguro maitatago ang katotohanan na dapat serbisyo publiko ang ginagawa nila pero mga sariling bulsa ang inuuna. puro self-interest. kaya araw-araw, sa dyaryo man o tv, batuhan ng batuhan ng putik eh pare-pareho lang naman ng interes. puro accusations, puro finter-pointing. kumotong si ganito, nag-bulsa si ganiyan, nangurakot si ano, pumitik si ano....

tumawag ng People's Power 2 noon (na nakiloko pa ako at hinakot ko pa ang mga kaibigan ko) para patalsikin si Erap sa Malacanang dahil daw sa pangungurakot, katakot-takot na moro-moro ang ginawa, yon pala bibigyan din lang ng executive clemency. bakit? para cover-up ng kung ano-anong baho na sumisingaw na, hindi na-contain tulad ng septic tank sa glorietta? ang mga hinayupak hindi na nahiya kay juan dela cruz.

sabagay paano ko nga palang i-eexpect na mahiya sila kay juan dela cruz eh kokonti, kung hindi man totally wala, silang mapapala sa masang pilipino. napapakinabangan lang nila pag eleksyon dahil pampa-dami ng boto. pero after election at nanalo na sila, wala na silang pakialam. afterall, ano bang magagawa ng mga taong grasa, mga naka-tira sa ilalim ng LRT, mga gusgusin at walang makain? liability ang tingin sa kanila ng gobyerno. walang pakinabang.

at sa halip na tulungan tulad ng ginagawa sa ibang bansa, pinababayaan na lang manigas at mamatay sa gutom at sakit. bakit? dahil walang government institutions na umaasiste para sa libreng housing, meal coupons at medical assistance. wala kasing pondo. may pera naman pero kulang pa para sa budget ng gobyerno. maniniwala ka ba naman?

wag na yong destitutes ang pag-usapan natin. mas malalang problema yon eh. yon na lang mga may kayod na tulad naming ofw. eh kami ngang mga ofw na malaki ang pakinabang, hindi lang nila kungdi ng bansang pilipinas, hindi na nahiya sa amin ang mga hindurupot na yan. kami ang gatasan nila ng bilyon-bilyong dolyares na pumipigil para bumagsak ang ekonomiya ng bansa. and yet, ang kapal ng mukha nilang dedmahin ang request namin para sa kaunting tulong ngayong bumabagsak ang palitan ng peso sa dolyar.

na sila din ang may kagagawan para ipagmalaking maganda ang ekonomiya ng pilipinas? paanong maganda eh ang mahal pa rin ng mga primary commodities? halos hindi pa rin kayanin ng ordinaryong pilipino na kumain ng tama sa araw-araw dahil ang mahal ng bigas, asukal, gatas, gulay, karne, isda, atbp. kaya tiis na lang sa instant noodles na kahit unhealthy eh medyo mura. tapos sasabihin nyong maganda ang ekonomiya? hindi tanga ang mga pinoy kahit wala kaming masters degree sa economics noh!

masakit pa nito, wala na ngang ginagawa sa sinisigaw naming tulong, babalikan pa nila ang pamilya namin at sesermonan na magastos at magarbo ang mga kamag-anak namin! kapal nyo! ayan namura tuloy kayo ng isang misis sa open letter nya.

kaya sabi ko, hanggang kelan, hanggang saan? pinatalsik si marcos non dahil corrupt daw. pinalit si cory. na dapat ay magiging umpisa ng pagtino ng leadership at magkaroon ng pag-asa ang pilipinas na maka-sabay sa ibang asean countries na umaarangkada na ang mga ekonomiya. pero yon nga, wala ring nangyari. pinalitan ni erap na napatalsik din. pinalitan na naman ng isang babae, again with the hope na mas matino ang magiging leadership. and yet, ganon pa rin ang istorya. heto tayo at nakabaon na, at mukhang walang pag-asang maka-ahon sa kahirapan anytime soon.

habang ang vietnam na dati ay mas mahirap pa sa atin, siya na ngayong puntahan ng mga gustong kumita ng malaki. dahil mas maayos ang economy kumpara sa atin. dahil mas maayos ang leadership.

kaya sa mga naka-upo - mahiya naman kayo. at sana ma-konsensiya kayo sa mga pinag-gagagawa ninyo. sa dami ng namamatay sa gutom at hindi nagagamot na sakit, sa dami ng mga taong naghihirap sa araw-araw at natutulog ng humahapdi ang sikmura, baka maipon ang sumpa nila, maging isang malaking karma at tamaan kayong lahat! kayo rin.

4 comments:

Anonymous said...

aba aba me blog na si dante ah hehhehe... welcome to blogworld... be back later...

Dante said...

naman.. thanks for dropping by. ikampanya mo to ha para mag-top 100 blog agad. hahahaha!!!

Anonymous said...

hindi ito comment.. pandagdag lang hehe...
Sabi MO , ang gobyerno natin ay palpak.
Sabi MO , ang mga batas natin ay sinauna.
Sabi MO , ang lokal na pamahalaan natin ay hindi
maganda ang pagkolekta ng basura at ang paglilinis ng mga lugar.
Sabi MO , hindi gumagana ang mga telepono, katatawanan
ang kalagayan ng trapiko, at hindi nakakarating sa
paroroonan ang mga sulat.
Sabi MO , parang nasadlak sa basura ang ating buong bansa.
Sabi Mo , sabi MO, sabi MO.

E ano'ng ginagawa mo tungkol dito?

Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore . Bigyan
mo sya ng pangalan, yung sa IYO. Bigyan MO sya ng
mukha, yung sa IYO. Lumabas KA sa airport nang
pinakamatino mong sarili na maipagmamalaki sa mundo..

Sa Singapore Hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo
sa kalye. Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang
underpass. Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para
makapagmaneho sa Orchard Road (parang EDSA) mula alas
5 hanggang alas 8 ng gabi. Bumalik KA sa parking lot
para bayaran ang parking tiket mo kung napasobra ka ng
oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant. Sa
Singapore , wala KAng sinasabi, meron ba?

Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan sa
Dubai .
Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip
ang mukha sa Jeddah.
Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng
kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa ibang
tao ang mga long distance na tawag mo.

Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per hour
sa Washington, at saka sasabihin sa pulis "Alam mo
kung sino ako?"

Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng
sigarilyo o balat ng kendi sa mga kalye sa Tokyo ?

Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles
sa Boston tulad ng ginagawa sa Recto?

Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.

IKAW na gumagalang at sumusunod sa patakarang banyaga
sa ibang bansa pero hindi makasunod sa sarili mong
lugar.

IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa lang
sa lupa.

Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng systema sa
bansang banyaga, bakit hindi KA maging ganyan sa
Pilipinas?

Minsan sa isang panayam, ang dating Subic
Administrator na si Gordon ay may katwiran ng sinabi
nyang "Ang mga aso ng mayayaman ay pinalalakad at
pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang
pumupuna sa may katungkulan sa kapalpakan sa
paglilinis ng mga kalye. Ano ang gusto nilang gawin ng
mga may katungkulan? Magwalis tuwing makakaramdam ng
hindi maganda sa tiyan ang kanilang alaga?"

Sa America , bawat may-ari ng alaga ay dapat maglinis
matapos ang pagdumi ng aso. Ganuon din sa Japan ...

Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.

Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at
pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili ang
responsibilidad. Uupo tayo sa isang tabi at
paghihintay ng pagkalinga at umaasa na gagawin ng
gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay.

Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit hindi
naman tayo titigil sa pagtatapon ng basura sa kung
saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng anumang piraso
ng papel para itapon sa basurahan.

Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang
hindi pagiging tapat sa kasal, sa mga dalagang ina, sa
pagtatalik ng walang basbas ng kasal, at iba pa,
maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy naman
nating ginagawa ang mga ito.

Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas tayo
ng bansa, naghahanap tayo ng aliw sa iba, kadalasan sa
kapwa rin natin Pilipino, na hindi natin iniisip ang
ating katungkulan na ating sinumpaan sa ating pamilya
nuong narito pa tayo.

Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikita
natin ang karahasan sa kabataan, pagkagumon sa bawal
na gamot, at iba pa, samantalang sinimulan natin
ito sa hindi pagpansin sa pangangailangan ng ating mga
anak ng tunay na pag-gabay at responsibilidad ng isang
magulang.

Ang sabi natin, "Ang buong sistema ang kailangang
magbago. Ano ang magagawa kung ako lang ang
magpapabago sa aking pamilya?"

E sino ang magbabago ng sistema?

Ano ba ang mga sankap ng sistema? Napakaginhawa sa
atin na ang sistema ay binubuo ng ating mga
kapitbahay, mga ibang tahanan, ibang syudad, ibang
komunidad, at ang pamahalaan. Pero hindi kasama IKAW
at AKO. Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong
handog sa sistema, ikinakandado natin ang sarili, pati
na ang ating pamilya sa loob ng isang ligtas na pugad
at tumatanaw na lang tayo sa malayong mga lugar at
bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean na dumating at
maghatid na mga himala.

O lumilikas tayo. Parang mga tamad na duwag na hindi
pinatatahimik ng ating mga takot, tumatakbo tayo sa
Amerika upang makisalo sa kanilang luwalhati at
purihin sa kanilang sistema. Pero pag naging
masalimuot sa New York tatakbo tayo sa Japan o
Hongkong. Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa
Hongkong, sakay agad tayo sa susunod na eroplano
patungong Gitnang Silangan. Pag may digmaan sa Gulf,
inaasahan nating masagip at mapauwi ng Gobyernong
Pilipino.

Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa. Walang
nag-iisip na handugan ang sistema. Ang konsyensya
natin ay nakasanla sa pera. Mga mahal kong kababayan,
ang sulating ito ay matinding nakakakislot ng isipan,
nangangailangan ng maraming pagmumuni-muni, at
tumutusok din sa konsyensya. Medyo inuulit ko lang
ayon sa ating salita ang mga salita ni John
..F.Kennedy sa kanyang kabansa upang maitugma sa ating
mga Pilipino:

"Itanong natin kung ano ang magagawa natin sa ating
bansang Pilipinas at gawin ang nararapat upang ang
Pilipinas ay maging tulad ng Amerika at ibang
kanlurang bansa ngayon."

Gawin natin kung ano ang kailangan ng Pilipinas sa
atin. Ipasa ito sa lahat ng Pilipino.

Anonymous said...

Ang Pilipinas ay maraming batas, mga makatarungang batas. Lahat ba nito ay nasusunod? Walang ibang pwedeng sisihihin sa kahirapan ng Pilipinas kundi and mga Pilipino din.