During my last vacation, my best friend/pinsan and I got into a serious conversation. Something na hindi naman madalas mangyari dahil laging kalokohan at tawanan ang nangyayari pag magkasama kami. But if conversations turn serious, medyo malalim talaga ang pinupuntahan.
Tulad nong umagang yon. Past 9 na pero nagkakape pa lang kami. Pareho kasing kagigising lang. Nagising lang dahil may dumating na tao. More or less, ganito tumakbo ang usapan nang maka-alis yong tao:
Insan : Sigurado ako, hindi na babalik yong hiniram non (referring to the taong kaa-alis lang).
Ako : Eh ganon talaga. Tulong ko na lang sa kanya yon (dahil talagang gipit yong tao at alam kong wala namang pagkukunan para maibalik sa akin yong inutang na pera).
Insan : Alam mo, pag ganyan, naaalala ko si Bay (si Bay ang dati kong driver)
Ako : Bakit naman?
Insan : Kasi sabi nga ni Bay di ba, sa dami mo nang natulungan, diretso ka daw sa langit pag namatay ka.
Ako : Hahahahaa!!! Oo nga, lokong Bay yon.
Insan : Pero naniniwala ka ba don?
Ako : Saan, sa langit?
Insan : Oo. Yong pag tumulong ka, mapupunta ang kaluluwa mo sa langit?
Ako : Ewan ko… (inom muna ako ng kape, yosi, saka nag-isip bigla)…
Ako pa rin : Hindi siguro.
Insan : Bakit naman?
Ako : Kasi, hindi ko inisip kahit minsan na pag tumutulong ako, nag-i-expect ako ng reward na ganon. Tulad nong pupunta ako sa langit.
Insan : Eh di ba ganon nga ang kasabihan, pag daw mabait ka at lagi kang nakakatulong.
Ako : Sabi nga. Pero para sa akin, kalokohan yon. Tumutulong ako dahil gusto kong tulungan yong tao. Or naa-awa ako. Pero honest, hindi ko inisip na dapat may balik sa akin yon. Tsaka di ba mas malaking kasalanan yon. Kasi tumutulong ka nga pero meron ka namang ini-expect na kapalit.
Insan : Sabagay. (sabay yosi. pero alam ko hindi pa tapos ang usapan.)
Insan uli : Eh kung hindi ka nag-e-expect ng kapalit sa mga tulong mo, bakit nagalit ka sa mga pamangkin mo?
Ako : Huh? (sabi na nga ba may kasunod pa eh)…
Insan : Di ba, hindi sila makalapit sa yo ngayon. Kasi nagalit ka sa kanila nong pinag-aral mo sila tapos nag-asawa lang sila. Hindi nasunod yong gusto mo. In short, may expectation ka sa kanila kapalit nong tulong na binigay mo. Nang hindi mangyari yong expectation mo, nagalit ka.
Ako : Iba naman yon noh!
Insan : Eh ganon din yon, may ini-expect kang kapalit.
Ako : Hindi siguro. Yong ini-expect kong kapalit nong tulong ko, yong gumanda ang buhay nila. Eh hindi naman nila ginawa.
Insan : Nag-expect ka pa rin. (ang kulit talaga)
Ako : Oo. Pero para sa kanila din yon di ba. Hindi naman para sa akin yong expectation ko. Tsaka hindi ako nagalit don sa pagtulong ko sa kanila. Nabigay ko na yon eh.
Insan : O eh bakit ka nagalit?
In-explain ko.
(Mahaba tong part na to kaya isang separate posting ang gagawin ko)
Nang matapos ang litanya ko…
Insan : Ah, okey. Ganito na lang, sabihin nating nagalit ka kasi hindi ka nag-expect ng kapalit sa tulong mo. Pero nagalit ka dahil pakiramdam mo, bale-wala yong tulong mo. Ganon?
Ako : Alam mo minsan, hindi ka lang si Bayani Agbayani… may pagka-doctor Phil ka rin minsan.
Insan : Sino yon?
Ako : Wala. Palibhasa puro ka Kapamilya. Lika na nga. Punta na lang tayong mall.

2 comments:
living up to d name of "Adik" huh?!?...title pa lang! hehehe. i thought the story will revolve around addicts, serious pala.
in our individual journeys in life dito sa saudi, kahit pa araw araw tayo magkakasama at nagtatawanan (minsan nagkakabatuhan pa ng celfone!), ay may kanya-kanya tayong "private life" once bumaba na ng bus at naghiwa-hiwalay. mayroong may magpa-practice, may magbabasketball, may isang papunta sa "gawain", ung isang excited dahil may ka-EB (eyeball yun, in case hindi ka familiar), or simply nakaupo na sa harap ng TV at manonood ng "Marimar"....
may mga "privies" din tau wherein hindi na alam ng ating friends na we get to interact with other people, with another set of friends din or just "friends-friends" lang. sa mga taong prone na gawing utangan sa oras ng kagipitan, dahil madaling kausapin at hindi na nagtatanong, hindi pa magdedemand ng kung kailan ang ROI (return of investment un sir!). i, myself, have been like that. been there...
to me isa itong way of pagtulong, to the point of sometimes you sacrifice your own needs, kasi alam mo kailangan nya rin, and to you, makakatiis ka naman. its both good and bad. i realized na its bad management of your resources. although hindi nman ito bad as in bad, i just learned to say "No" when it is right to say it.
teka, sa mga nasabi ko, malayo yata sa kwento ng post mo! am talking of another thing...hehehe. pero i think those are related.
just the same, in my personal opinion, ang pagtulong ay hindi nangangahulugan ng isang "lugar sa langit". isa itong paniniwalang nagtutulak sa atin para tumulong para sa maling motive, basis at interest. when we help someone, regard it as something you give away out of willingness to help. yes, we have the tendency to expect kasi "in hindsight" (ay naalala ko si Ernani), ayaw nating masayang yung itinulong natin. lalo pa't alam naman nating isinakripisyo natin yung sarili nating needs, tapos eto itong poncio pilato na ito at siya ang magpapasarap! d naman yata makatarungan!...probably in the right perspective, gus2 lang natin na sa pagtulong, deserving naman yung tutulungan. parang scholar, kailangan ma-maintain ang ang average. otherwise, kailangan ng tanggalin ang pagtulong kung hindi na deserving. i guess iyon na nga ang tamang perspective sa pagtulong...
"it takes two to tango"...tutulungan mo sila, pero kailangan rin nila maunawaan bakit sila tinutulungan para sa pagsayaw ng tango, sabay kayo sa indayog ng musika (gets mo?!)
"dont give a man fish to eat, teach him how to do fishing" (biblical ito, pero hindi ito ang exact wordings, baka makasuhan ako)...sa pagtulong, turuan natin na wag sya sa atin umasa, turuan natin sya paano nya masosolusyunan ang pag-meet sa mga needs nya...
...at sa byaheng langit, may kanya-kanya tayong KALSADANG dinadaanan papunta sa langit, may mahabang daan, may shortcut, may malapad, may makitid....pero kahit saan pa tayo dumaan, tayo lang ang nakakaalam kung makakarating nga ba tayo doon sa gusto nating patunguhan...yan ay kung iniisip pa ba natin yan bago pumikit ang ating mga mata sa gabi.....SAKAY NA!
- Pastor edgardyatcoreyes -
heheh..... gotcha! kala mo tungkol sa mga adik no...
don't worry i'm very much familiar with EB kahit hindi ko ginawa yan. ROI? saying no? teaching them how to fish? dyan tumakbo yong conversation namin ni insan na mahaba dealing with the story of my pamangkins. yon yong promise ko that i will do a separate posting kasi nga medyo mahaba.
and i'm looking forward to seeing your two-cents worth about that!
Post a Comment