Wednesday, August 24, 2011

one plus one can never be one

I still have to watch In A Better World from Denmark to find out why it beat Incendies in the Oscars for Best Foreign Language Film this year.  But until then, I’d give Incendies the golden statuette coz it gave me 2 hours of captivating story, terrific acting, vivid cinematography, haunting music, and as a whole, a wonderful piece of work. Even the notoriously merciless Rotten Tomatoes site gives it a 92% fresh rating.

Adapted from a play called Scorched, Incendies is a story of a family borne out of war.  The film starts in Canada when twins Jeanne and Simon were being read their mother’s will.  The mother, Nawal, asks Jeanne to find their father and Simon their long-lost brother.  Only after delivering the letter they can bury her and put a tombstone on her grave.  Jeanne readily accepted the will but Simon, on the contrary felt strongly against the whole idea.    

The mission takes Jeanne back to post-war mid-east country (one site said it was Lebanon) where their mother’s name evokes disdain from people who knew her.  It was a long and arduous process for Jeanne to find the roots of her mother.  This is where flashes of Nawal’s story takes us to a war-torn country, a beautiful place turned to ruins because of the conflict between faiths and religion.  In the end of Jeanne’s search, she was made to believe that their father, Wahab, is already dead.  Or so she thought.

Then came Simon who had no choice but to fulfill his mother’s last wish. Simon’s search for the long-lost brother led him to more complex revelations providing the surprising, disconcerting and controversial ending.

First of the many credits of the films is the acting.  Lubna Azabal, born in Brussels to a Moroccan father and Spanish mother, gave a compelling portrayal of Nawal.  Her struggles, her ideology and her story is the one that kept my eyes firmly planted on the screen.  

Plus the breathtaking cinematography.  The barren yet beautiful countryside, the dark corners of a city ravaged by war, the birthing scenes, even the picture of a woman beside a burning bus, the pictures painted on the screen are postcard-worthy.   

The music, although definitely contemporary, provided a heartfelt background to many critical scenes.  It was surprising to learn that many of the songs were actually performed by a rock band (Radiohead).  

Making the story telling more interesting is the editing.  Telling the story of Jeanne and Simon in parallel with the story of Nawal requires editing to shuttle in and out of several time frames.  It’s tricky but the editing team rendered clean and precise work.  

Of course it’s all because of the masterful direction by Dennis Villenueve.  He was able to tell a rather dark story but gave it heart and soul for us to be able to go ohh and ahh until the last frame of the film. In the end, it is one film that I will never forget so soon.

Interesting.  Captivating.  Superb.  Incendies once again reiterate what I’ve always been saying here in DS:  Holywood does not have the monopoly to excellent films.   

And oh by the way, where did the title of this post come from?  You’ll find out towards the end of the film. And with that I'm saying go watch it.  It's worth your time.

Tuesday, August 23, 2011

hot soup + gata = cr

Watched Josh Hartnett’s I Come With The Rain and after almost two hours of trying to figure out the whole sense of the film, I finally understood why it went straight to DVD after being shown in one or two countries (Japan lang yata).  Super flop pala ito.  According to one film site, its budget was US$ 18 million pero wala pa yatang 4 million ang kinita.  Kasi nga, wala palang kwenta yong pelikula.  

It’s like you were having some hot Chinese soup dahil sa violent and gory scenes na kung mahina ang sikmura mo, you’d throw up whatever you’ve had for dinner.  Then biglang-bigla, susubuan ka ng ginataang kuhol dahil sa faith healing angle doon sa bida.  Na di bale sana kung mala-Himala ni Ishmael Bernal ang tinakbo ng istorya.  But it was placed in the whole film in a bad juxtaposition of the unbelievable against raw realism of violence, tons and tons of blood, ruthless killing and so on. So imagine the hot soup and the gata mixed with bad acting, editing and directing, siguradong tatakbo ka sa CR to throw up.

Nakaka-irita ang editing dahil ang daming scenes na pinuputol tapos ibabalik din wala namang sense yong cutting through na ginagawa.  For me it was a dire effort on the part of the director to make the film interesting pero sa totoo lang it was one heck of a boring stuff.

Josh played Kline, a cop who left the force, became a private investigator hired by a billionaire to trace his missing son.  The son, Shitao, went to Mindanao (Philippines, of course) and after a while disappeared.  Nagkaron ng ilang eksena sa Mindanao dahil pumunta doon si Kline para hanapin (na ang dali namang nakita) ang isa pang PI na nauna na sa kanyang naghanap sa missing son.  Pumasok pa si Kline sa isang cheapy-cheapy bar na naka-all the way ang mga babaeng sumasayaw (Gintong Araw pa ang sinasayaw ng mga hubad na buvae? Anong panahon pa ito?).  Walang kwenta, walang dating at walang sense ang pagpasok nya sa bar.  Basta lang maisingit ng director para may nudity sa film.  At buti na lang hindi ito naipalabas sa mga sinehan sa Pinas dahil siguradong sisigaw ng protesta ang Gabriela, ang mga moralista at lalo ang simbahan.

Wala na si Shitao sa Mindanao, nasa HongKong daw.  Takbo si Kline sa HK.  At doon na tumakbo ang halos kabuuan ng istorya.  Si Shitao pala ay naging isang faith healer living in squalor just outside the skirts of HK’s urban jungle.  May kapatid sya, si Lili na hawak ng isang local gangster na si Su Dongpo.  Pinagselosan si Shitao ni Su Dongpo, binaril, sapol ng ilang bala sa dibdib, pinako pa sa isang plank (in the position of a cross) pero sa ending buhay pa rin (faith healer nga eh ano ba!).  Si Lili naman, instead na ipaliwanag na kapatid nya si Shitao, nag-emote lang ng nag-emote instead of screaming on top of her lungs that ‘he’s my brother, he’s not a pig!’ ayyy Ate Guy pala yon.  Kaya ako’y iritang-irita sa eksenang yon.  

Pinakita din don sa part na yon kung anong nangyari kay Shitao sa Mindanao.  Binaril din sya ng henchmen ng isang mayamang tao sa Mindanao.  Sapol din ng apat na bala sa dibdib.  Inuod na pero nabuhay. Himalaaaa!  Hindi pinaliwanag kung paano sya napunta sa HK. Basta naging faith healer na sya after that.  May eksena pang he’s mobbed by the poor and sickly na natawa ako sa inis dahil parang Thriller ni MJ ang dating! Aaarrgghh!

In some parts, nagpaka-Jonathan Demme (i-research nyo kung di nyo kilala hahaha) ang director na si Tran Anh Hung dahil may istorya si Kline that happened 2 years before.  He followed Hasford, a serial killer who mutilates the bodies of his victims at ginagawang sculptures.  Hasford’s psyche was so powerful at na-contaminate si Kline.  After Kline killed Hasford, he practiced the ‘contamination’ dahil pinugutan nya rin ng ulo si Hasford. And so his mental anguish started to haunt him.  Kaya lagi syang may nightmares kahit nasa Mindanao sya or nasa HK.  Itong plot na ito ay parang kinuha sa mental and psychological warfare na ginawa ni agent Starling (Jodie Foster) with Hannibal Lecter (Anthony Hopkins).  I think Josh accepted the role thinking that it was an acting vehicle that could make Oscars finally notice him. 

Kaso nga it was a bad story line with amateurish directing. Para ka lang nanonood ng stylized action film tungkol sa triad.  Neo-noir daw yong genre nong film but it was mostly sleek and crisp.  What's bad is that masyadong staged ang mga eksena. Acting na acting ang mga gumanap from Josh to the Asian actors.  Nakaka-distract pa ang mga corny na wardrobe ni Su Dongpo at ng kanyang cohorts.  Kaya ayon, mega-flop sa takilya.

What’s interesting about the film? Hmmm… at least may ilang songs akong narinig na maganda.  Hanapin ko na lang yong OST. Yong film? Diretso sa trash bin!

Monday, August 8, 2011

itanong kay malabanan

Ang Babae Sa Septic Tank, one of the major winners in the recently concluded Cinemalaya film festival in CCP is currently having its commercial run. (Thanks to Cinemalaya for deciding to show it in regular theaters)  Isa ako sa mga nanood nong Saturday (SM Sta Rosa) and I was pleased to see na marami ding Pinoy ang nagka-interes panoorin ang ganoong klase ng pelikula. Kaso lang, hindi lahat ng nanood, na-appreciate yong film.  I heard a few people on our way out saying ‘ang pangit naman’ or ‘ano ba yon ganon lang’.

Obviously they didn’t like the film. Or should I say hindi nila nasakyan. Siguro hindi pa masyadong sanay sa mga indie. Or, porke nasa SM cinemas, they were expecting to see the usual mainstream movies na napapanood nila na may iyakan, sampalan, suntukan or anything that follows a formulaic pattern of commercial film making.

Pero sa totoo lang, kumpletos rekados yong pelikula.  Sabi nga sa mga nabasa ko, it’s a 5-in-one film.  Kaya nandon lahat yong element ng isang commercial film.  Iba nga lang ang treatment kasi nga indie.

The main story is about a trio of young film makers who wants to make a film called Walang Wala (natawa ako dito) na ang nasa isip agad ay international film festivals.  F**k Cannes, Oscars daw ang gusto nila.  Rainier (Kean Cipriano) the director, Bingbong (JM De Guzman) the producer and Jocelyn (Cacai Cortez) prod-asst are so passionate with their film na ang istorya ay tumatalakay sa buhay ni Mila, isang nanay na may pitong anak.  Sobrang hirap ni Mila kaya she had to sell one of her kids sa isang pedo para magkapera.

While debating on how to execute the film, lumabas yong apat na iba-ibang versions nong pelikula.  There was this reality-show attack na kahit artista ang gaganap na Mila (to be played by Eugene Domingo), gagawin nilang makatotohanan which is mostly the approach ng mga indie film.  They also thought of making it a musical where Mila will sing and emote at the same time.  Meron ding docu-drama na gritty nga at malakas ang impact pero mahirap gawin.  And the melo-dramatic version na gusto namang atake ni Eugene being the ‘collaborative’ lead actress of the film.

For the most part, tumakbo yong istorya sa one day of brainstorming ni Rainier at Bingbong.  Among the three, silang dalawa lang talaga ang nagdi-discuss.  And for a while I thought Jocelyn was deaf and mute pero importante pala ang role nya dahil sya ang nagpapatakbo nong apat na vesions ng film na gagawin nila.  Pag nagdi-discuss si Rainier at Bingbong, pagpikit ng mata ni Jocelyn (na antukin) doon na lalabas yong version na pinag-uusapan nong dalawa.

Bilib ako sa pelikula dahil sa simpleng istorya ng brainstorming, very interesting ang mga ideas na binabato nila sa isa’t isa.  It doesn’t only concern their film but the ideas thrown were social comments in itself.  Bakit hindi si Cherry Pie ang gawing Mila, bakit si Eugene.  Eh kasi si Cherry Pie maputi, si Eugene dugyutin (hagalpakan ang mga tao dito).  Eh bakit, may maputi din namang mahirap ah.  Or yong pedophile, bakit kailangan laging puti, bakit hindi intsik, pakistani, arabo o pinoy.   All of which points to the fact that we are already stuck so deep in our stereotypical way of thinking. 

And this one (na alam kong maraming makaka-relate)…  napamura si Bingbong dahil may nakalimutan.  Akala mo super importante.  Yon pala, charger lang ng i-pad nya.  O di ba, ang karamihan ngayon parang namatayan na pag na-lo bat ang kanilang mga gadget! Hahaha!

As a whole, I find the film quite interesting.  Simpleng istorya pero nagawang interesante.  Malaking factor yong script (Chris Martinez who also did Here Comes the Bride and Temptation Island, sabi sa isang nabasa ko) dahil yon ang naging glue para maging coherent at interesting yong buong pelikula.   Precise din at walang sabit sa editing. Dahil isipin mo, 5 pelikula yon in one and yet malinaw na malinaw ang mga eksena at walang naligaw na unwanted sequence.   The musical score (don sa musical version) was both entertaining and dramatic.  Kaya as a director, saludo ako kay Marlon Rivera who delivered a product that is so fresh, unique and highly entertaining.

But in any film alam naman nating ang mga actor ang critical.  Kung palpak ang acting, sira ang film.  In this case, magaling ang buong cast nong pelikula kahit yong mga extra.  Lalo naman ang mga lead.  Kean Cipriano, for a neophyte in acting, was spot-on. Given more exposure and roles as important as this one, he can beat the crap out of the many ham actors na kilala natin.  JM de Guzman was also credible as a yong rich kid who possesses the combination of a vision in film making as well as the commercial eye na kailangan ng isang producer.  Even Cacai was convincing she should be doing her daddy Rez so proud.  At syempre si Eugene. Well, she deserved her Cinemalaya Best Actress award.  Baka nga humakot pa sya ng awards later on dahil talagang ibang level ang performance nya dito. Kaya yong ibang mga actress kuno dapat mag-isip-isip na coz Eugene is really setting the bar so high most of them will soon find it hard to hopscotch their way to awards.

Isa lang ang major concern ko.  Ano ang relevance nong eksena sa septic tank?  Kahit i-rewind ko sa utak ko yong film, walang nabanggit na linya that would establish the need to shoot in a septic tank.  Bakit, maglilinis ba si Mila ng poso negro just to earn a few pesos?  At saka kahit ultra-realistic ang treatment ni direk don sa film, pagdating sa septic tank, hindi lumabas na credible.  It was made to look filthy with floating garbage and greasy water.  Pero alam ko hindi ganon ang septic tank.  It should be murky and foul-smelling na kahit sa screen masusuka kang tingnan. Ewan lang kung nagkakamali ako. Itanong natin kay Malabanan.

Yon lang naman.  One point but I think it does a lot to the whole film.  Afterall yon ang ginawa nilang title.  So dapat may relevance.  But other than that, bow ako sa director, scriptwriter, production people, technical staff and everyone involved in ABSST.  Bravo guys.  I hope to see more of your works in the future. Meantime, gusto kong magkape… I need an expresso! Bwahahaaa! (you’ll laugh with me kung napanood nyo yong film! Hihihi)

Friday, August 5, 2011

ang hindi magmahal.... ang isda ang mahal!

Halos hindi ko namalayan subalit isang linggo na pala ang nakalipas ng ako ay muling tumapak sa pinakamamahal na lupain ng Pilipinas. Matapos ang mga taon ng pangingibang-bansa, ang mga bakasyon na sandalian lamang, narito ako para tumigil at harapin ang buhay na hindi ko alam kung ano ang hatid sa akin.

Bakit ka uuwi? Ano ang gagawin mo? May lilipatan ka bang ibang trabaho? Mga tanong ng mga kaibigan, kakilala at kasamahan. Mga tanong na pinapasubalian ko na lamang ng isang sagot na ang kaanyuan ay sumasalamin sa aking pagnanasang maka-amot ng pahinga para sa aking katawang lupa na nilulukuban ng katamaran. Kasawaan. Kabugnutan.

Sa isang linggong nakalipas, iisang pagkakataon pa lamang na ako ay lumabas. Iyon ay upang bumili ng mga kailangan sa mga bagay-bagay na ginagawa kong pag-aayos ng aking tahanan. Ang tahanang ito na pinangarap ko at pinaghirapan upang mabuo. At ngayon ay nagbibigay sa akin ng kanlungan sa pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng sunod-sunod na bagyo. Ang tahanang ito na tuwing titingnan ko at dadamahin ang katotohanan ay nagpapa-alala sa akin ng maraming taon ng pagpupunyagi sa ibayong dagat.

Bawat hakbang sa hagdan ay parang bilang ng mga taon ng aking pagpupunyagi. Bawat dingding ay paalala sa mga pagkakataong kailangan kong maging matibay at matatag. Bawat pinto ay nagpapa-alala ng mga pagkakataong umangat sa bawat pagsubok. Bawat bintana ay sumisimbolo sa mga panahon na ako ay tumitingin sa malayo upang matawiran ang mga suliranin na nasa aking harapan lamang. Bawat sulok ay kumakatawan sa mga madidilim na panahon na ako ay pumapasan ng bigat ng pagiging isang dayuhang manggagawa.

Kung kaya’t ako’y dumadalangin na inyong maunawaan kung ako’y walang maibahaging nakalulugod sa inyong mga pandinig sa ngayon. Sabihin pa’y aking ninanamnam ang pagkakataon na una kong makita ang katuparan ng aking pangarap. Kung kaya’t kahit paglilimayon sa ibang dako ay hindi ko pa magawa. Maaring sa mga susunod na araw ako’y paparoon din sa mga dako na yon. Upang may maibalita naman ako sa aking mga kaibigan na naiwan sa Gitnang Silangan.

Sa ngayon, huwag ninyong iisipin na ako ay nalulungkot. Iyan ay isang malaking kabalintunaan. Datapwa’t napakataas ng halaga ng bawat bilihin, ang isang tumpok ng isda ay maituturing nang kayamanan at ang palitan ng dolyar ay patuloy na bumababa, nais ko lamang ipaabot sa inyo na ako ay labis na natutuwa sa aking kinalalagyan ngayon. At dalangin ko sana ay sapitin din ninyo sa lalong madaling panahon ang nakalulugod na pakiramdam na makita ang mga bunga ng inyong pagpupunyagi.

Alalaun baga, bago lumipas sa aking ala-ala, pinaa-abot ko sa inyo na walang masamang kaganapan na sumapit sa akin. Hindi ako nadulas sa palikuran at nauntog ang ulo sa dingding. Hindi rin ako nilukuban ng masamang espiritu. Mahusay na mahusay ang aking katinuan. Ganito lamang ako dahil tinitimo ko sa aking puso at kaisipan na… haller…buwan kaya ng wika ang August! Kaya magpugay tayo kay lolo Quezon. Duh! (aray, dumugo yata ang utak ko sa pag-iisip nitong post ko! Hahaha)