May mga kabayan tayo dito na nakaka-aliw. Yong tipong naka-rating na ng ibang bansa, nakasakay na ng eroplano at nakadaan ng Chek Lap Kok airport, pero parang ewan pa rin.
And by ewan I mean… ah basta, kayo na ang bahala. Nakaka-aliw. Nakaka-baliw. Read ‘em and weep sabi nga ni Barry Manilow.
- Si kabayan, tag-lamig naman, in fact 4 to 5 deg C ang temperature at ako’y nangangatog na ang baba pero panay ang rampa sa kalsada ng naka-walking shorts! Kabayan… maghunos-dili kaaaa!!!
- And the same kabayan naman, kahit katirikan ng summer na pati singit ko pinapawisan, aba, naka-jacket naman ng maong! Original kang pasaway huh!!!
- Di ba, ang good morning towel eh sa mga motel lang ginagamit? Eh bakit naman nakatapal sa ulo ni kabayan habang namamasyal sa gitna ng sibilisasyon??? Sa amin sa Mindoro, pandong ang tawag sa kapirasong damit na nilalagay mo sa ulo para hindi ka mainitan o maulanan. Pero ewan ko, hindi naman mainit at lalong hindi umuulan, naka-pandong si kabayan ng good morning!!!! Aaaaggghhhh!!!!
- Sa mga taga-Jubail, alam ko kilala nyo to. Isang kabayan natin na laging umaaliw sa mga umaga ko dahil ang attire papasok sa work: naka-long sleeves at printed necktie pero ang suot sa paa – sandalyas!!! Impluwensya kaya ng mga misyonaryo sa kanilang baryo? Misyonaryong marunong mag-model? Dahil ang lakad ni kabayan habang ganon ang attire – pang-cat walk!!! Bwahahahaa!!!
- Pre-dantespeaks era, may na-email na ako tungkol sa mga kasabay ko sa airport na mga japorms. Mga kabayan na hatinggabi na, proudly naka-sukbit pa rin sa bumbunan ang mga ray-ban. Tanong ko, bakit, may mata ba sila sa bumbunan? O kaya sa batok kasi doon naka-sukbit ang shades? Hayyy… sabagay, can’t afford ako ng Oakley kaya siguro inggit lang ako!
- At don sa same kwento na yon, marami rin akong nakitang kabayan na naka-bonnet. Pordjos por shanto…. eh summer nong time na yon! Ka-asim siguro ng ulo ng mga buktot dahil sa pawis! Eeeewww!!!
- At si Manang, bi-byahe ng international flight, may plastic bag na bitbit. Na-beklat ang isang hawakan kaya ang mga laman, parang bitukang lumuwa!!! Manang kasi, sayang ang jergens lotion at corned beef pag nahulog!
- Habang ito namang si Manong, the ultimate Saudi Boy talaga. Naka-maong na jacket at nagmumura ang mga bling sa katawan! Ang damascus pwedeng ipang-bigti sa laki! At ang singsing, gigantic. Para ngang singsing na tinubuan lang ng kamay! Yo meyn! You’re da meyn!!!
- E yong mga techie…hindi tetchie agbayani. Techie. Yong mga mahihilig at updated sa gadgets. Naka-bitin sa dibdib ang i-pod, naka-sukbit sa belt ang i-mate, may digital cam pang hawak habang nagkakalikot ng laptop nya. E alam mo naman walang hot spot sa Dammam airport! Cool? O cool-ang sa pansin??!!!
- Balik ulit tayo sa Jubail. Eto naman ang isang kabayang naglalakad sa gitna ng bayan na may sariling fashion statement. Okey lang yong t-shirt na ipinatong sa long-sleeves. At least na-uso yon (pero tagal nang laos yon ha). Pero ang short na ipatong mo sa jogging pants??? Lipad Superman, Lippaaaadddd!!!
La lang. Naa-aliw lang ako. At baka kaya mong i-paliwanag kaya, sige, i-esplika mo!
9 comments:
Nakakaaliw o nakakabaliw? Basta na-solve ang araw ko sa kababasa nito, bwahahaha. Anong kaya ang airline nila? Parang gusto kong sumabay. Baka sakaling makatabi ko pa yang nasa picture ng post mo para hindi naman boring ang biyahe ko... kaya. Hayyyyyy... ala lang din.
actually yon yong byahe ko last May papuntang manila via dubai... and since height nga ng summer yon kaya takang-taka talaga ako sa mga naka-bonnet... thanks at natawa ka kasi ako talagang natawa sa mga nakita ko...
- eh iyong nagbubukas ng bintana sa bus para lang masabing malamig at justified ang kanyang pagsusuot ng complete winter gadgets - bonnet, sweater, at tali sa leeg!...uyyy, d ako nagpaparinig! si jun bagok kasi at yung mga nasa likod ang taga salo ng lamig! ahehehe...JAPORMS KASI SI KABAYAN!
- eh yung taga E&M na lampas baywang at aabot na sa dibdib and pants? sya si manong telecom gingineer.......JAPORMS KASI SI KABAYAN!
- eh yung bagong E&M tech na madalas magsuot ng kulay violet/pink na bonnet...kamukha nya si FAFA SMURF!...eh ang alam ko sya si santa KLAUS! mabuti na lang nagsisimula nang uminit!...JAPORMS KASI SI KABAYAN!
ayan d ako nag namedrop...SINO ITICH tau eh!
ako ulit ito - edgardyatcoreyes - c kabayan rahul b iyang hanonimous sa taas? parang...JAPORMS KA KABAYAN!
Grabe nawala antok ko dito sa opisina, buti nalang wala amo ko kaya libre ako para tumawa at ngumiti, ang sobrang natawa ako ay ang jogging pants na pinatungan ng short...HAHAHAHAHA....!!! at yong naka longsleeves naman na naka sandal...sino sya? iba ka talaga...galing mo kabayaan...eh yong naka necktie na may dalang megaphone? japorms din yon...wala lang naalala ko lang.....
hahaha... si ega tinira ang future housemate... pero yong mga iba di ko kilala...
hi agetrolien alam mo kapangalan mo yong isang friend ko, si neilortega! hahahah... sino yong naka-necktie na may megaphone?
oi neil, kilala ko ung cnasabi mo na naka necktie na may megaphone. may kopya pa ako nyan....kaw ha, lalong puputok ang vulcan! hmpft!
ung nakajogginpants na pinatungang ng walking shorts, take note grupo sila at hindi isa lang...! setting the trend ba? ako hindi makiki-ride s trend nila!
ay di ko alam na may grupo pala ng superman! isa lang yong nakita ko sa jubail dati...
As much as possible, i do not compare myself with others. Kasi, para sa akin, comparing yourself, insecurities, inferiority/superiority complex and loving yourself all belong to one thread. Here’s how.
Comparing yourself with others kasi is a direct manifestation of your insecurities. Ke tungkol man yan sa pagiging mayaman o mahirap, about your looks o yong intellectual capacity mo. Whatever your insecurity is about, it eats you up whether you’re conscious about it or not.
You always compare yourself with the next guy/gal dahil may insecurities ka. At pag na-enhance ang insecurity mo dahil sa kako-compare mo, don nag-uumpisa yong mga complex-complex. Buti kung housing complex tulad sa Taguig. Pero hindi. Yon yong mga superiority at inferiority complex na commonly umaatake sa mga taong either kulang/sobra ang tiwala sa sarili or talaga lang tagilid ang takbo ng kukote.
Pag nakakita ka ng mas guwapo/maganda and you feel bad about yourself dahil pangit ka (sa tingin mo), then your insecurity is giving you an unwarranted inferiority complex. Iniisip mong ‘sana ganon din ako ka-good looking’ which, unconsciously, is one way of telling yourself that you don’t like your own self. But have you ever thought na guwapo/maganda man siya, it doesn’t necessarily make him/her a better person than you are?
Pag nakita mong bago ang mp3 player ng isang kaibigan mo and you thought to yourself na ‘hmmmp, mas maganda pa rin ang i-pod ko’. Then you are giving yourself some hot air to blow your ego. Things like this make you harbor superiority complex over other individuals na hindi umaabot sa standards mo.
hello?
hello din kabayan! well it looks like talagang binabasa mo ang mga pinag-sasabi ko at mukhang talagang keeping track ka pa to have connected this posting to the other one.
at sure akong yong hello mo is not to say hello to me... yon yong hello na parang nakikita kong nakataas ang kilay mo! heheheh...
but do not fret my dear dahil kung hindi mo mapag-konek yong dalawang sinulat ko, let me help you...
yong article ko about comparing yourself is exactly that - comparing yourself. pero basahin ko man ulit itong ginawa ko tungkol sa mga kabayan nating japorms, hindi ko makita anywhere na kinumpara ko ang sarili ko sa kanila. maybe i was a bit condescending to have poked at these people at sa mga porma nila but did i say i am dressing up to the hilt at hindi ko sila ka-level dahil mga ewan sila? hmmm...
what i'm trying to say don sa isang sinulat ko is that comparing yourself that leads to you feeling superior/inferior is something you can do something about.
dito sa japorms, i was just stating things. yon yon. statements. being true. and normal. pag sinabi kong hindi ako natawa, hindi na totoo yon. ipokrito na ako non.
kung ipipilit mo pa ring konekted ang dalawa and i'm contradicting myself, sige....
ang huli kong sinabi sa posting ko is "At kung anoman ang insecurities ko, I can put most of them at bay. Thus leaving me complex-free. Most of the time."
meaning :
1. hindi ko sinabing wala na akong insecuirites. again, ka-ipokrituhan yon. i still have them.
2. i can put most of them at bay - meaning not all of them.
and 3. i'm complex-free. most of the time. again. most of the time. not all of the time.
which means, tao pa rin ako at hindi ipokrito. but i'm trying my best to do something about my insecurities. at least i'm trying.
and lastly, kung nag-kwento man ako ng mga nakaka-tawa, again, without comparing myself, siguro naman you would give me the chance to find humor in this life once in a while.
haba no... pero salamat sa hello mo. it made me probe deeper into what i said. and believe in. and oh yeah, i liked what i found!
Post a Comment