Sunday, January 27, 2013

18 on 18

18 months nang...

1.       Wala nang tatlong alarm clocks  na nanggigising sa umaga na lahat naman ay ini-snooze din saka hihirit pa ng tulog kaya laging last minute kung bumangon

2.       Hindi nagmamadaling mag-shower, mag-bihis at tatakbo sa bus stop para hindi maiwan ng service. Sa kakamadali may sinturerang hindi nasuotan ang belt.

3.       Wala nang good morning how are you fine thank you na ilang libong beses nang kumulili sa tenga.

4.       Walang libreng kape, coffeemate at tsaa sa pantry.

5.       Wala nang sangkatutak na meeting na kailangang atenan kahit pa hate ang ka-meeting. Kunyari nakikinig pero iniisip kung ano ang magandang ipainom sa kanya  – dora o silver cleaner.

6.       Hindi na trabaho ang kinukutkot sa computer, games na lang, fesbuk, blog at kung ano-ano pa

7.       Walang deadlines, schedule, objectives, evaluations, presentations at ang pinaka-da bes... walang pressure

8.       Walang nakaka-high blood na email o tawag sa telepono na sinasagot ng mas nakaka-high blood na email o talak sa phone.

9.       Hindi nagtatago sa CR para umidlip dahil antok na antok kahit 9 am pa lang

10.   Hindi nagtitiis sa pagkain sa cafeteria during lunch na bangla o itik ang nagluto

11.   Hindi natutulog after lunch ng nakasubsob sa office table at magigising dahil naririnig ang sarili na naghihilik

12.   Hindi na tingin ng tingin sa oras, halos tuktukan ang relo para bumilis ang takbo at mag-alas kuwatro na at maka-uwi

13.   Walang pa-sosyal na dinners sa steakhouse at pa-sosyal na macchiato na hindi talaga inuubos para mabitbit sa labas at makita ng mga utaw na sa Starbucks nag-kape

14.   Wala nang plis sadik dagika sa tinderong nagsasara na ng kanyang shop dahil sumisigaw na ang salla

15.   Hindi na napapaso ng 45 degrees na init or nagdudoble-doble ng jacket para hindi manginig ang baba sa sobrang lamig

16.   Hindi na natatakot bumirit sa videoke dahil wala ng mutawang kakatok sa pinto

17.   Hindi na nagtsa-chat na biglang imi-minimize pag lumapit ang boss at magkukuwaring bising-bisi sa trabaho

18.   At... wala nang sweldong dumadapo sa kamay.

18 months nang tahimik at masaya ang buhay! 

Saturday, January 26, 2013

world without end

Thanks to Star Movies I found World Without End.  Nadaanan ko lang sya while channel surfing one night, kaso nasa last part na pala.  Kaya hanap agad online at yon nga, kagabi kinumpleto kong panoorin ang 8 episodes na 45 minutes each.  Umaga na naman akong natulog.  Pero sulit na sulit ang puyat dahil maganda.  If not, I would have dropped it at the first few frames.  At hindi ako sisipagin na mag-review dito sa DS.

It’s a Tv adaptation of Ken Follett’s novel of the same title.  Na ewan naman kung bakit hindi na lang ginawang pelikula dahil sa laki ng story, ng cast, production values at haba ng kwento, pwedeng tatlong movies ang kalalabasan. 

It’s one epic story of 14th century England – particularly a place called Kingsbridge where, in the usual Follett’s genius, kings and queens, bishops and priors, builders and lovers, peasants and witches were all woven into one intricate story of love, deceit, greed, scheming, war and death.

Continuation daw ito ng kwento ng The Pillars of the Earth, an earlier novel by Follett na ginawan din ng Tv version at sa Star Movies ko rin napanood.  Pero according to what I read online, kung ang Pillars daw ay malapit sa Follett novel ang kinalabasan ng tv adaptation, ito raw WWE ay malayo.  I wouldn’t know dahil hindi ko nabasa ang mga book. 

Basta ang alam ko, I was impressed by both Tv adaptations no matter how faithful it remained to the original material or not.  At kung napa-hanga ako ng Pillars, mas napa-bilib ako dito sa WWE.  Mas malawak ang kwento, mas maraming characters at mas malupit ang mga twist na hindi mo aasahan each episode.  

At the heart of the tale is the love story between Caris, a young medical practitioner-accused of black magic-turned nun-turned prior-then back to being just a peasant girl,  and Merthin, a brilliant young builder which is the equivalent of an architect (or engineer) in our present times.  For the bigger part of the story akala mo hindi sila magkakatuluyan dahil kung ano-ano na ang pinagdaanan ng love story nila.  But because it’s a love story, sila pa rin syempre sa huli.

Kwento rin ito ng power struggle at agawan sa korona amongst King Edward II, his wife Queen Isabella and their son King Edward III who led England to war with France in what is now known as The Hundred Years War na totoo namang nangyari sa English history.

Then there’s the story of Petranilla, a scheming widow played by Cynthia Nixon whose role here was a total departure from her Miranda character in Sex & the City.  You’ll hate her cunning dito sa istorya as she kills and orchestrates her way para maging importanteng mga tao ang dalawa nyang anak.  She almost had it – one became an Earl and the other a Bishop – two powerful men in the society during those years.  But they are both wicked just like their mother kaya may retribution sa dulo ng kwento.

And, in Follett’s tradition, kontrabidang-kontrabida ang simbahan dito.  Bishops and Priors wielding and abusing enormous powers borrowed from the cloak, the crucifix and the bible.  I don’t know how the Catholic church took it pero sa Pillars pa lang sila na ang isa sa mga kontrabida sa kwento ni Follett.

Idagdag mo pa ang istorya ni Sir Thomas Langley, a knight who sought refuge in the priory and became a monk.  Na later ay na-inlove sa isang kapwa monk din.  At si Caris as a nun na may eksena ng lesbianism with another nun.  If Follett or the writer who did the Tv adaptation intends to raise some eyebrows, he must have succeeded. 

With a 46$ million budget, nagawa ni Michael Caton-Jones na itawid ang malaking istorya on-screen. It was one huge project na kung hindi magaling ang director ay sasabog ang produkto. 

Of course magaling sigurado ang team niya, particularly the editors dahil walang sayang na eksena sa 6-hr running time noong buong series. Wala ding lumaylay na continuity.  At walang unresolved issues or characters na magtatanong ka kung anong nangyari pagdating ng ending.

His schedule masters and production coordinators must have had some sleepless nights.  Sa dami ng cast – central characters pa lang na more than 10 yata, plus minor roles not less than 30, plus the hundreds of bit players – managing their schedule must be a nightmare.

Medyo may sabit lang ang writer (John Pielmeier) dahil may mga dialog na napapa-isip ako kung talagang ginagamit na noong mga panahong yon.  I think i’ve heard a few lines here and there na parang contemporary ang dating instead of good old 14th century.

Shot in Hungary, Slovakia and Austria, ang ganda-gandang lumabas ng cinematography so kudos to whoever is behind those cameras. At syempre, ang buong production team – from the set designers, propsmen, costume department – dahil nagmukhang authentic medieval England ang setting. 

Overall, it’s one good show you must watch kung katulad kita na mahilig sa mga kwento ng medieval England.  Ang maganda nito, kahit 6 hours yong buong kwento, you can watch it in parts.  Pwede mong gawing parang soap na susubaybayan mo ng 8 days.  But in my case, hindi ko tinantanan.  Ayaw ko kasing mabitin kaya ang ending, puyat.  But it’s all worth it i’m telling you.

Thursday, January 24, 2013

super OFW


Sabi sa isang news report kagabi, ang bilang daw ng OFW sa ngayon ay umaabot na ng 10.6 million.  One-fourth daw yan or 25% ng total workforce ng pilipinas.  Ibig sabihin, sa bawat 4 na pilipinong manggagawa, 1 ay umaalis ng bansa.  Syempre para sa mas malaking kita. 

Top destination pa rin sa mga OFW ang USA, second ang Saudi Arabia at third ang UAE.  Although para sa akin, ang mga nasa USA, para namang hindi dapat na tawaging OFW.  Kasi alam mo naman dito sa Pinas, pag sinabing Yu-Es-Ey, totyal ang dating.  Kaya parang hindi sila trabahador.  In fact, they are treated more like gods and goddesses pag nandito sila.  “Oh I work in Cedars Sinai hospital.”  O kaya “My office is in One Rockefeller Plaza.” O di ba.  Nganga ka lang na parang bathala ang kausap mo.  

Eh kaming mga taga-Middle East, particularly sa Saudi? Parang... wala lang.  “Oh, so you work in Saudi?” sabi nga ng ilang sosyalerang na-meet ko dati.  Nakangiti nga sa yo pero alam mong may tumatakbong something sa isip.  Contempt most probably one of them.

Pag sa Middle East ka kasi nagta-trabaho, lalo na sa Saudi, aminin man natin o hindi, walang katotyalan na pag-uusapan.  Ang pinag-uusapan lang, ang kikitaing dolyares.  Ang mga eskandalosong gold necklace at makabulag-sa-laking singsing na suot ni Kabayan pag umuuwi ng Pinas.  Yon lang.  Other than that, ibang usapan pag buhay-Saudi ang kakaririn mo.

Common knowledge na kasi ang sakripisyong kailangan mong gawin kung doon ang punta mo.  The moment na nag-decide kang pumunta doon, kailangan mag-prepare ka ng matindi, mag-transform sa maraming bagay and in the end, become nothing short of a super hero.  Kaya nga siguro naimbento yang Bagong Bayani chuchu na yan eh.  Dahil kailangang mala-super hero ka pag ginusto mong maging Saudi boy o girl.

First, dapat mag-tanggal ka ng mga earthly pleasures na nakasanayan mo.  Di ba ang super hero walang bisyo?  Superman, Batman and Spidey never had a bottle of vodka on their hand.  Hindi rin sila nakikita sa saklaan, tong-itan o sa San Lazaro.  Lalong hindi sila womanizer dahil laging isa-isa lang ang leading lady nila. At lalong hindi sila inuumaga sa mga bar at kung saan-saang hang-outs na marami dito sa atin.

Ganon din pag nag-Saudi ka.  Kalimutan mo muna ang kinababaliwan mong Empraning o Red Horse.  Alam mo namang bawal kaya wag mo nang gawin.  Wag mo na rin ipagpatuloy ang karir mo as kabo ng weteng.  At kalimutan mo muna kung tirador ka ng mga bebot sa lugar nyo.  Dahil kung hindi mo aalisin ang mga bisyong yan, mas malamang kesa hindi, dagdag problema ka sa POEA at OWWA pag nagkataon.  Dami na nilang pino-problemang kabayan natin na naka-kulong dahil hindi napigilan ang pagiging pasaway.

In short, alam mong maraming bawal sa pupuntahan mo, paghandaan at sikapin mong igalang ang mga rules nila.  If you’re not ready to do that, wag ka na lang umalis.  Baka hindi ka pa nakakabayad ng ginamit mong placement fee, napauwi ka na ng Pinas.  May dala ka pang posas na remembrance.

Dapat physically prepared ka rin.  Something like Superman na wala lang kahit dilaan ng solar flares o mapunta sa ice caves. 

Anong nirereklamo mo sa 37 degrees na init ng Metro Manila?  Kung mason o pipe fitter ka at pupunta ka ng Saudi, humanda ka na sa 50 degrees ng init na titiisin mo araw-araw.  Pugon kung pugon ang labanan doon specially if you’re in the Riyadh/Central area where it is always hottest in summer.  Pagdating naman ng winter, adjust naman ang body systems mo sa near-zero temperature.  Masanay ka nang nanginginig ang baba mo, ang bilbil at lahat ng pwedeng manginig sa katawan mo. Uurong pati tutsang mo sa sobrang lamig.

Pero ang summer, madaling remedyuhan sa aircon ng kwarto o sasakyan. Ang winter, madaling kalabanin through several long johns, jackets at patong-patong na suot.  Ang pinaka-natatakot ako, pag nagsa-sand storm ng ilang araw.  Dumidilim ang buong paligid, malakas ang hangin at ang lumilipad na dala ng hangin ay buhangin (hmmm... nice rhyme).  Yong tipong kahit nasa loob ka ng kwarto mo, magugulat ka na may buhangin sa loob ng bibig mo.  Ibig sabihin, hindi na basta hangin lang ang nasisinghot ng respiratory system mo.

Dapat mentally tough ka rin.  Kung ano man ang galing na dala mo pag-alis mo ng Pinas, be ready to be tried, tested and sometimes bended pag nandoon ka na.  Ibang-iba kasi pag na-expose ka na sa international workforce.  Kung sanay ka dito na petek-petek ka lang sa trabaho dahil akala mo magaling ka, wait till some Western boss challenge your skills.  You might be the top of your batch in TESDA.  O La Salle grad ka.  But don’t stop there dahil marami ka pang matutunan na mas bago, advance at tama pag exposed ka na sa trabaho ng ibang lahi.

But of course kilala naman tayong mga Pinoy na magagaling sa trabaho.  Kaya nga mataas pa rin ang demand sa atin.  What I’m saying is, your mental and intellectual capacity will be assaulted in many ways and in many occasions.  At ang best na panglaban doon is for you to be open to new things, ideas and concepts.  One-track mind will not do you any good.

Of course hindi lang sa mismong trabaho may matututunan ka.  Pati sa people skills mo kailangang ihanda mo rin.  Matuto kang mag-pasensya, umunawa at gumamit ng sangkatutak na dipolomasya kapag ibang lahi na ang katrabaho mo. 

I’ve always had the shortest temper.  Kaya isa sa pinagmamalaki ko ay ang fact na wala akong nasapak na tao sa dinami-dami ng taon na nandoon ako.  Although maraming pagkakataon na muntik-muntikan nang umigkas ang kamay ko, in the end, talas na lang ng dila ang ginamit ko.  At least walang nakukulong for lashing out on somebody.  Malaking achievement yon para sa akin hahaha!

And now, ang pinaka-importante:  wag kang emo!  Kung gusto mo talagang mag-Saudi, umpisahan mo nang haluan ng bato, better yet, bakal ang puso mo.  Hiram ka kaya ng kryptonite kay Superman. Dahil kung lelembot-lembot ang dibdib mo, wag ka nang umalis.

You need not just to be physically and mentally strong.  Dapat, emotionally (and psychologically na rin) matigas ka.  Meron bang superhero na iyakin?  Baka konting miss mo lang sa asawa mo o syota mo, nag-ngangawa ka na.  Baka konting miss mo lang sa Nanay mo, nagsisigaw ka nang ‘uwi na akoooo’.

Being away from your family is tough.  Kung sanay ka sa Pinas na pag-uwi ng bahay, nakakalimutan ang stress sa trabaho dahil nandyan ang pamilya mo as your support system, walang ganon sa Saudi.  Buryong ka sa trabaho, uuwi ka ng bahay mo pero walang pamilya doon to distress you.

Although marami na ngayon ang naga-grant ng family status pero marami pa rin sa mga Kabayan natin doon ang hindi ganon ka-swerte.  All by myself pa rin ang drama nila.  And the best you can do is hang out with your flatmates, housemates and friends.  Na ang kinakauwian kadalasan ay inuman at videoke.  Ayan na ang umpisa ng problema!

Aside from that, dapat para ka ring si Superman o Spidey na laging nakataas ang warning systems.  Matalas ang pakiramdam sa mga danger.  Beware of things and situations na maaring ikapahamak mo.  Better yet, iwasan mo na lang na malagay sa mga sitwasyon na medyo mapanganib.  Wag ng gumala mag-isa kung disoras ng gabi.  Wala ka sa Roxas Boulevard para mamasyal at magpa-hangin.  Rape?  Holdap?  Bugbog?  Meron ding mga ganyang kaso doon.  So iwas ka na lang. 

So ano, gusto mong mag-Saudi para malaki ang kita?  Hindi sa dini-discourage kita.  Pero pinapa-alalahanan lang kita na pag pumunta ka doon, live up to the tag “hero”.  Dahil hindi ka lang hero sa ekonomiya ng Pinas.  Dapat mala-super hero ka rin mismo sa sarili mo para tumagal doon at ma-achieve kung ano man ang goal na sinet mo para sa iyong sarili. 

Being an OFW in Saudi is not a joke, it is a reality show (ay Alabang housewives ng Amazing Race yan hahaha).  Isang reality na mahirap, masakripisyo at minsan madugo.  Na hindi lahat ng gustong mag-Saudi ay kinakaya.  At doon sa mga Kabayan nating nagiging successful sa pagiging OFW sa Saudi, they do deserve the tag Bagong Bayani. Dahil talagang mala-super hero sila sa ginagawa nilang pagsisikap at pagsasakripisyo.

Wednesday, January 2, 2013

thanks... shukran.... salamat

it's been two months since my last visit here.  i don't blog as frequently as i did before. with only 8 posts last year, i must admit i let this blog fall on the wayside while i plunged into FB mode like many others.  i thought nobody would even notice.  so even if some idea hit me, i didn't bother going back to writing.  even my socio-political commentaries via hotnot fell flat despite the many issues i wanted to dip my finger into.

that is why i was pleasantly surprised when i found that this site is still being frequented by visitors, despite my being inactive for sometime.  looking at the site stats, i found quite a few interesting details.

site visits:  even if it takes months before posting something new, still i got more than 5,000 hits last month, 212 yesterday and 71 today....  cool! that definitely isn't a sign of a dead blog by any measure.


top post:: surprisingly, my article about computer games is the most read with 19,874 views. i wonder how many of them can even relate to the pre-ipad games that i mentioned in that post.  

the top 10 most read posts include mostly my commentaries on many things - from a film to a local beauty pageant to the london 2012 opening ceremonies. though what's inspiring is to know that 950 readers viewed my article about reducing our carbon footprint.  i wish that piece of writing had some positive effect on those 950 thinkers.  

however, what i'm happiest about is the fact that a total of 1,238 read two articles about my parents. again, i just wish that through these posts, people will go back and re-evaluate their relationship with the two most precious persons whom we owe our lives to.


audience: now this is most interesting for me.  

the biggest number of visitors i got is not from Saudi Arabia where i was based when i started this blog in 2008 until i came home to PI middle of last year.  it is only in 3rd place with 8,391 views. 

it's not also from the Philippines where, because of my posting which are mostly in Taglish (tagalog and english combo), my writings would normally be appreciated. it's in 2nd place with 36,559 views.  

the biggest base of readers i have, with 60,886 views, is the United States!  though i would suppose not a lot of the hits came from pure Americans who don't understand Taglish.  i think it's our kababayans in the States who are following this blog with such enthusiasm.


to all of you who finds DS a cool place to hang out, thank you very much.  shukran in arabic.  salamat in tagalog.  with this kind of support, i'll try to be more active again and come up with something new for your reading pleasure whenever you're around. once again, my hearfelt thanks to all of you DS friends.