I’m sure narinig na ninyo yong balita last week na sa UN anti-corruption conference na ginawa sa Indonesia, naglabas sila ng listahan ng 10 most corrupt leaders in the world. And this list has just elevated the Pinoys to a higher level. Dahil sa report na yon, 2 out of 10 ang Pinoy sa listahan nila. Lumabas na ang Pilipinas, hindi lang corrupt. Sobrang corrupt.
Marcos is at number 2 spot and said to have amassed between 5 to 10 billion dollars during his time as President. Humabol naman sa number 10 si Estrada na nagkamal daw ng 78 to 80 million dollars in his very short term.
Hindi ko pa alam ang reaction ng Marcos family. Wala pa akong nababasa o naririnig galing sa kanila. Pero si Erap daw, magpa-file ng kaso sa UN. Siguro to save face. Ang laki nga namang kahihiyan nito. Buti si Marcos, hindi na maririnig or mababasa yong list. But to someone who’s still very much enjoying his life, gagawa pa nga raw ng pelikula with Ai Ai delas Alas at mukhang tatakbo pa ulit sa 2010, talagang masakit ito.
Let’s say, for arguments’ sake, na suportahan natin si Erap sa kanyang protest or lawsuit sa UN. Na tipong dahil Pinoy tayo, we have to stand by Erap’s side and support him. Maglinis-linisan tayo and play innocent. Hahawak tayo ng placard at sisigaw ng “UN, that’s unfair. You’re totally wrong. Hindi corrupt si Erap at FM.”
Sa tingin nyo, may magagawa naman kaya ang protesta natin? May makikinig naman kaya sa atin? Much more, may maniniwala naman kaya?
For goodness’ sake, UN yon eh. The most powerful organization in the world. Hinding-hindi nila sasabihing nagkamali lang sila sa listahan na inilabas nila. Baka nga sampalin pa tayo ng mga dokumento na naging basehan nila sa pag-lalabas ng report na yon. Coz I would suspect they have unquestionable pieces of evidence to back up their list.
So ano, tatahimik na lang tayo at yuyuko ang ulo out of unbearable shame?
Ang sakit sa mga Pinoy di ba? Lalo na tayong mga nasa ibang bansa. Para na rin tayong tinadyakan, hindi lang sa isang side, magkabila pa. Now we walk around like branded livestock. Ano kayang nakikita ng mga kasalubong nating foreigner na naka-tatak sa mga noo natin? Something like ‘imported from the land of graft and corruption’?.
Masakit dahil Pinoy migrant workers are known and respected worldwide as talented, hardworking and dependable individuals. A reputation that we have worked so hard for so long para ma-achieve. But now our friends and employers might look at us differently. Baka yong iba, magkaron ng reservations about our credibility. Especially on jobs where personal integrity is a big must.
At yong mga Pinoy na bumabandera sa international scenes, yong mga nagbibigay ng karangalan sa Pilipinas in whatever field they are in – be it entertainment, arts, sports, medical services or the corporate scene – I wonder how they feel right now. Matapos silang mag-excel not only to reap honors for themselves but also for their country, heto at parang nilunod ang mga achievement nila sa isang basong tubig.
But more than the wounded pride, meron pang mas malaking issue. Hindi lang naman ang reputasyon at dignidad ang pinag-uusapan dyan. Afterall, hindi nakakamatay ang wounded pride.
What’s lethal is the truth na sa pagkakamal ng pera ng iilang tao, ang kapalit ay milyones na populasyon na nagugutom, may sakit na hindi makapag-pagamot, mga nakatira sa estero at tambakan ng basura, nabubuhay sa pagkaing tinapon ng mga fastfood, mga namamatay ng dilat ang mata, mga batang nanglilimahid at namamalimos sa halip na pumasok sa eskuwela, mga lolo at lolang kuba na pero sige pa rin sa mabibigat na trabaho para lang mabuhay, at kung ano-ano pang nakaka-iyak na picture ng kahirapan sa Pilipinas.
Kahirapan na pwede sanang labanan at gawan ng solusyon kung yon lang ang pagtutuunan ng pansin at hindi ang mga sariling bulsa. Ginawa na kasing kultura ang pangu-ngurakot. Hindi lang ng malalaking pulitiko kungdi pati ng mga kung sinong herodes. Basta may kaunting katungkulan, may kapiranggot na ranggo, may malaki-laking pwesto, yon na. Papatulan na lahat. Pati nga textbook, fertilizer at mga counting machines. Talaga naman! Only in da Pilipins!
Ay naku, ayoko na nga. Naha-high blood lang ako kaya tatapusin ko na itong posting ko. #$@!$!$!$!!$Y^#@#!!!!!!
3 comments:
just an hour ago, a new speaker of the house of representatives has been installed to replace JDV...
it saddens me more for the philippines seeing the "holier than thou" leaders of our country who are allegedly wanting CHANGE are not really for genuine change...but out of padrino and party system are instituting "change" to push their personal interest...tsk!tsk!tsk!
i do not really feel anything exaordinary with how JDV is handling the house (maybe because i dont see its benefit on a personal level. otherwise, i wouldnt be outside of d phils should they have made laws to bring the OFWs back to their homeland and find the opportunities within), but i admired him last night for speaking it out and standing tall to wherever his revelations will bring him (maybe he no longer has any choice as he feels the neari end of his leadership)...BUT, i was moved and it made me stand up, hearing Mrs JdV (Gina) say her piece about the turmoil they were thrown into as a result of his son's revelations...i admire the lady speaking those words of acceptance and courage to face the consequence of their son's revelations and still believe that it shouldnt be taken against them and his husband shouldnt be treated that way...
to the Filipino people, i am hoping we all realize whatever further kick this pushes us to our own mud of graft and corruption...the more i realize how greedy our chief executive is...tsk! tsk! tsk!...i can only hope that in a snap of a finger, she can be changed and somebody MIGHTY can turn our country upside down make it a great nation again...and if that can happen, after work tomorrow, i will book myself immediately to be back to the future mighty country in Asia...well, i can only hope (but very much far from reality!)...how sad!
edgard yatco reyes again saying my piece on this item....
very well said ega... we can only hope, wish, pray and cross our fingers for as long as we can. because the severity of the situation in our dear country needs nothing short of a miracle. and i hope that miracle happens within our generation, not one minute later.
you're even more optimistic dante, i was hoping for a miracle to happen at least within our lifetime. sigh....
Post a Comment