Monday, November 26, 2007

(a whole lot) more on BMW part 2

Okey. So hindi mo masabi directly ang inis o galit mo sa taong kinaiinisan mo sa trabaho. At ang gagawin mo, totoma ka with your barkadas at doon mo iku-kwento ang office mate mo na kinagagalitan mo. Maglilimatik ang mga mura mo habang naka-tunganga sa yo ang mga tropa mo na walang kaalam-alam sa pinagbubusa mo.

Or, magkukwento ka sa family members mo while having dinner. Yon ang gagawin mong topic ng dapat sana eh bonding moment ninyo ng pamilya mo. May matching cussing pa na nakakasira ng appetite ng mga kaharap mo.

Parehong mali. Parehong unfair.

Remember this: never ever bring the bitching, moaning and whining home with you. Leave it parked somewhere in your office. Basta wag mong dadalhin sa bahay or outside your work for that matter.

I know hindi ito madaling gawin. But if you cannot take away the thought na hindi maganda ang naging araw mo sa trabaho, then just try to separate the anger from the thought. Hindi mo man makalimutan, at least alisin mo yong anger factor. Iwan mo yong init ng ulo.

You had a bad day at work. That’s it. Just a plain statement. Minus the fuming and the incessant ranting na baka marinig pa ng mga anak mo. Hindi maganda yon. Wag na wag mong ibunton ang init ng ulo mo sa mga kaibigan or kapamilya. That’s totally unfair. That’s your own battle so you just have to fight it yourself. Wag mo nang idamay ang iba.

Afterall, hindi mo ba naisip na sila mismo, they have their own officemates, co-workers, classmates, acquaintances or boss na kampon din ng kadiliman para sa kanila? They have their own battles too. So don't you ever think na akala mo ikaw lang ang sumambot ng lahat ng sama ng loob sa trabaho.

Besides, ni hindi nga nila kilala yong taong kinagagalitan mo eh. Ni hindi nila alam ang sitwasyon sa office mo so mahihirapan silang maka-relate. You’ll put them in a situation na hindi nila alam ang pwede nilang gawin o sabihin. And you can’t expect them to say something objective pag ganon. The only thing they can give you is their sympathy.

Which means, ano, nagpapa-awa ka? And would you believe them pag sinabi nilang ‘oo nga, tama ka, you did the right thing’ kahit alam na alam mong hindi nila alam ang detalye ng pinagbububusa mo. And what do you get out of it? A false sense of encouragement?

Over the years that I’ve worked, at sa dami na ng dinanas kong bmw, I’ve learned later on to separate my office life from my life outside of work. Paglabas ko ng trabaho, I shift from the ‘office me’ to the ‘real me’. Kapag nag-lock na ako ng aking office, I leave everything locked up as well. Kung hindi pa tapos ang bmw, then I’ll just deal with it the next day. Sometimes nandon pa rin sya pagbalik ko kinabukasan. But most of the time, kusa na syang nawawala.

So why torture yourself for the rest of the day kung pwede mo namang lagyan ng to be continued ang istorya.

Isa pa, ang katwiran ko, hindi na sakop ng timesheet ko ang oras ko pag alis ko ng office. And I have a life outside work. something more exciting, colorful and wonderful kesa sa mga officemates or amo kong hindi ko dapat problemahin.

Kahit nagbabakasyon ako sa Pinas, I don’t waste my time telling my friends or family kung anoman ang mga bmw ko dito. Siguro hindi rin maganda ang effect coz they look at me na parang kumakamada lang ako ng pera ng walang kahirap-hirap. They don’t realize na marami ring problema dito sa buhay at trabaho ko dito.

But my point is, I’d rather spend quality time with them instead na sayangin ko ang oras sa pag-e-emote ng mga bagay na hindi naman nila maiintindihan or sa mga taong ni hindi nila kilala.

Ngayon, re-cap lang tayo ng mga pinag-sasabi ko na:

1. Hindi mo ma-confront ang taong kinaiinisan/kinagagalitan mo. And it adds frustration to your already boiling temper.

2. Unfair na gawin mong tagasalo ng galit mo ang friends mo or family sa mga bagay na dapat iniiwan mo na lang sa iyong workplace.

You might ask me… eh ano naman ang ini-expect mong gawin ko? Keep it to myself na lang?

Hindi naman siguro. There are ways to deal with it.

Pero next posting ko na lang yon kasi mahaba na naman ito. So just hang on!

9 comments:

Anonymous said...

kahit ano ang trabaho mo, kahit saan ka nagtatrabaho, kahit ano ka pa sa trabaho mo, bakit hindi nawawala ang bmw(bitching, moaning and whining)?

Dante said...

totoo yan... hindi lang naman sa work eh... kahit sa totoong buhay natin marami tayong bmw...

kaya nga naisip kong isulat ito para makatulong on how to handle things that bother you at work. dahil kahit ako hirap minsan itong i-handle. if i can start a discussion tungkol dito, o kung may idea kayong mapulot dito sa mga pinag-susulat ko, masaya na ako don. para mas madali nating i-deal ang ganitong bagay and we can focus more on our lives and enjoy it more. walang kwenta ang bmw!

Anonymous said...

boring naman sa office pag walang bmw diba? basta huwag lang ikaw ang pinaguusapan...hehehehe.

Anonymous said...

bmw adds spice to office life.

Dante said...

hoy mga anonymous!!!!.... thank you at nagpo-post kayo kahit para kayong mga boses sa dilim... hehehehe!!!

advance to be recognized naman... hirap manghula kung sino ang mga bisita ko eh...

sa part 3 nitong bmw may mga tips ako... sana makatulong. thanks ulit ha...

Anonymous said...

got your point... i already read na rin ung bmw part 3 and thanks for the tips. medyo guilty lang ako dito: "2. Unfair na gawin mong tagasalo ng galit mo ang friends mo or family sa mga bagay na dapat iniiwan mo na lang sa iyong workplace."

here are some of my reasons. :) i will be glad to have your comments too. ",)

1. kapag may bmw ako i usually tend to share and probably discuss it to my wife, bros and sis... you're right na unfair dahil bk maapektuhan sila but that's my way of sharing them my experiences not para maging tagasalo ng problems.",) gusto kong may matutunan din sila, in that way they can also think about the circumstances and could prepare themselves... it could also happen to them.
2. they are the most trusted person i know and i believe they will not sympathize with me but they'll help me analyze the things that happened. they will help me understand both sides and that somehow ease my feelings.

Dante said...

well i agree with on both points, you can trust your family more and, they learn something from your stories. mas maiintindihan pa nila ang trabaho mo if you do that. korek na korek ka don.

pero ulitin ko lang, minus the galit. iba kasi yong nagbubusa ka sa harap nila as opposed to making a plain kwento. di ba masyadong nega pag umuusok ka pa rin sa harap nila eh hindi naman sila ang kagalit mo. worse, sila pa ang nasisigawan or nabubulyawan mo. yon ang gusto kong sabihin na wag nating ipa-salo sa kanila.

anyways, tips lang naman yong sa akin but if your style works for you and your family, by all means go ahead and do it. siguro naha-handle mo ng tama and i wouldn't argue with that.

at any rate, i'm very thankful for your comment. eto yong participation/discussion na gusto kong i-encourage dito. just the fact na binabasa mo yong mga sinusulat ko and work your mind on it, maraming-maraming salamat! i will always look out for your comments.

Anonymous said...

eh pano kung si jamshaid habibullah khan ang amo???....or si nahedh al utaibi ang office8?....
ka dante, IM GUILTY!...coz i only had my first week since i came back na naging COOL ako. kc i promised myself na hindi ako magagalit sa work, il be more patient. kaso muntik n akong maging pasyente ng hospital sa araw araw na lang na ginawa ng Diyos eh may mga tao talagang ayaw tayong maging CEO (ahehehe, ive read already Part3 kaya ganun!)...
IM GUILTY!... kc i tend to kwento after kc in my subconscious mind (kunwari!), i should confirm n tama ako...unfair nga naman!
IM GUILTY!...kc magsasaka ako. i.e. mapagtanim ako...ng galit! hehehe. this is one thing i need to confront myself with, talent ko na yata ang photographic memory, pati galit ko, d agad mawala sa isip ko, laging may printout pa!
IM GUILTY!...kc i know deep inside me, i never won any of those fights!...sabihin man na tama ako, pero in reality, somebody got offended and hurt (ako man o ang nakaaway ko.
NOW, ayoko na ma-GUILTY!...magpapaka-feeling CEO na lang ako...dpa mangungulubot ang balat ko - ke si Jamshaid Habibullah Khan pa sya or si Nahedh Al Utaibi...bibili na lang me ng Boy Bawang!

magpapakilala ako..ako si edgard yatco reyes...

Dante said...

bwahahaha!! that's cute. and brave. talagang full name kung full name.

ega, i know it's not easy. kasi talagang sa trabaho natin, lalo na sa mga taong ka-interact natin araw-araw, hindi talaga maiiwasan that you'll blow your top. natural yon.

pero yon nga, there are ways na pwede nating gawin to handle it. isa nga doon is to find a person or a group na makaka-relate sa mga bmw mo. kami yon. ang mga adiks. nandito tayo to support each other. eh di ba, kahit ako nga, ang dami ko na ring bmw na na-share sa inyo.

it's a daily struggle at hindi mo pwedeng alisin yon kaagad-agad. it will take time. ang mga tips ko are just - yon nga - tips. if it will work for you, i'd be very glad. if you have other ways to deal with it, then by all means do it. at share mo rin sa amin.

but what's important is we deal with it and, as i said, do not let it get the better of us.

good luck and the adiks are always here to support you. hindi lang ikaw, lahat tayo. kasi lahat tayo maraming bmw. so share-share na lang tayo. over dinner or cappuccino in *bx? hehehehe...