August 4, 1995 when my father died. Honestly, hindi ko na matandaan kung lung cancer ba o liver yon. Basta ang alam ko, one of the two yong umpisa, the other was just complication. Buhat kasi nong bata pa ako, natatandaan ko na, parang mineral water sa kanya ang san miguel. Eh yosi boy pa sya. Yosi at markang demonyo. A lethal combination that took his life at an early age. He died barely a month after his 59th birthday.
Nandito ako sa Saudi noon. It was one Friday afternoon, hindi ako pumasok kaya nasa bahay lang, nagpapahinga. Dumating ang isang office mate ko na nag-overtime. May dala siyang papel para sa akin. Pero bago niya inabot, may warning, wag daw akong mabibigla. Fax pala galing sa pinsan ko.
Come home. Your father died. Yon lang ang nakasulat sa fax. Maigsing-maigsi pero parang hindi ko naintindihan. Parang chinese characters yong mga letra.
Matagal bago nag-sink-in sa akin yong message. Pero nong maintindihan ko na, parang nanlaki yong ulo ko, kinapos ako ng hininga, unti-unting napa-upo sa carpet saka ako nagpapalahaw ng iyak. Yong iyak ng mahihirap sabi nga. Umatungal ako na parang baka. Wala akong pakialam kahit marinig ng kapitbahay. Wala rin akong pakialam kahit tumutulo ang sipon ko kasabay ng pagtulo ng luha. Ganon pala talaga kasakit lalo’t first time mamatayan ng mahal sa buhay. Tatay ko pa whom I loved so dearly.
Mahirap lang kami but he was such a good father. Kung ano-ano ang raket nya para kumita lang ng pera. Mag-karpintero, mag-bukid, mangisda, repair everything. Kung saan-saang lugar sya dumadayo para lang maghanap-buhay. Pero kahit maliit ang kita, he will always bring home ‘pasalubong’ for me. Curly tops o yong chocolate-coated marshmallows. O kaya isang balot ng sinangag na mani. Yon kasi ang mga favorites ko.
When i was still a kid, bago matulog, kinu-kwentohan niya ako ng kung ano-anong alamat which, later on, nalaman kong puro gawa-gawa lang nya. Pero na-enjoy ko naman kasi nga bata pa ako.
Nong high-school na ako, lagi niya akong binibigyan ng pang-sine pag Saturday. Dalawa kasi ang sinehan sa amin sa Pinamalayan – yong Venus at Dona Asuncion. Parehong 3rd-run, parehong mainit at mapanghe. Pero laging double picture kaya lagi akong suki. Doon ko napanood ang kumpletong series ng Superman bago pa sya nag-hibernate sa Krypton. Favorite ko rin yong mga earlier installments ng James Bond. At syempre, probinsya kaya walang censors, pati mga tipong Perfumed Garden o Bikini Island eh napapanood ko kahit 14 years old pa lang ako.
In short, spoiled ako sa tatay ko. Kaya nong mamatay sya, matagal bago ko natanggap. When I went home for his funeral, kitang-kita ko nang ipinasok na siya sa nitso, pero parang hindi pa rin totoo. Oo, may pinapasok sa nitso, but I don’t care kasi hindi ko inisip na tatay ko yon. Ganon pala yong sinasabing denial stage, everything seem to be surreal. Nandon ka sa eksena but you feel like youre watching it from the outside. Na hindi ka involved. And you’re not feeling anything.
At nagtagal pa yong denial stage na yon. Dahil kahit ng makabalik na ako ng Saudi, hindi ko naramdaman na wala na siya sa buhay ko. I would always wake up in the morning thinking that he’s at home, just relaxing and recuperating from his illness. Madalas pa niya akong dalawin sa aking mga panaginip lalo na pag may problema ako. Dreams where he is very much alive. Hindi yong tipong natatakot ako. And these dreams just reinforced my feeling na buhay sya and he’s always around to support me.
Until these days, meron akong regrets sa pagkawala nya. Una, I wasn't around para asikasuhin sya at alagaan nong magkasakit sya. I was far from him, halfway around the globe, instead of serving him in his sick bed. I should have served him and returned the love he has shown me all my life. Which is another thing na pinag-sisisihan ko. Hindi ko nasabi sa kanya how much I love him. Hindi kasi kami expressive na pamilya. But I should have done it. Sana nasabi ko sa kanya bago siya nawala.
Pero nawala man siya, hindi ko sya nakakalimutan. Ito siguro yong sinasabi nilang ‘the spirit lives on’. At kahit ilang dekada pa siguro ang lumipas, hindi ito mawawala. His remains might have been reduced to ashes by now, but in my mind and in my heart, buhay ang tatay ko. And he’s never far from me.
Tay, I love you. And I miss you so dearly.
No comments:
Post a Comment