Saturday, November 17, 2007

cappuccino at multo

last wednesday nag-rent ng car si ren and matt in preparation sa lakad nila nong thursday. nakisabit kami ni raoul sa test drive and went to fanateer with no particular purpose kaya sinamantala ko naman na mamili sa sacco dahil nga malapit na ang bakasyon ko.

nag-dinner kami sa yacht restaurant na dati ay ranked 2 sa favorite dining places ko sa jubail. ngayon mukhang babagsak sya sa aking rating dahil na-disappoint ako sa asparagus soup nila plus the fact na matagal dumating ang order namin, at hindi maayos ang pagi-explain ng waiter na kabayan pa mandin.

eniweys, we finished early sa dinner at sa sacco kaya si ren nag-yayang mag-coffee. eh wala namang starbucks sa fanateer kaya dinala ko sila sa isang coffee shop na one year ago ko pa yata na-discover. sa faiha district na pare-parehong hindi namin alam puntahan pero dahil sa tiyaga ni ren mag-drive at pagko-co-pilot ni matt, nakita din namin. (ngayon ko lang naalala, nagpaka-layo-layo pa tayo eh may cinabonn nga pala right in front of fanateer mall!)

we hanged out sa coffee shop for more than an hour, with our cappuccinos and muffins talking about things from house decorating to our parents, mga planong negosyo hanggang mauwi sa multo at mga halloween stories ang chikahan. kaya siguro nag-aya agad si raoul umuwi kasi baka lumala pa ang kwentuhan eh wala pa naman syang kasama sa bahay pag weekend.

sana madalas mangyari ang ganitong kwentuhan. kahit kasi nagdi-dinner ang mga adik (birthday ni ega, nag-aya si ega, trip lang ni ega… bakit puro si ega!? hehehee), normally pagtapos kumain, layasan na. but that particular night sa coffee shop, iba ang kwentuhan. parang nasa bahay lang kami and freely engaging on conversation na kahit sabihin mong mundane eh napakalaki ng nagagawa to relieve you from stress of the week’s work.

nong nag-trabaho ako sa makati, ganito rin ang ginagawa namin ng mga friends/officemates ko. from our antel office (and even nong lumipat na kami sa citibank towers), hindi pa kami uuwi at didiretso kami sa pinakamalapit na starbucks.

doon na kami magku-kwentuhan, lalo na ng mga problema sa work. in fact we called ourselves the bmw group – bitching, moaning and whining – dahil ito ang naging venue namin na ilabas ang mga daing, sama ng loob at kung ano-ano pa tungkol sa work.

first part lang naman yon actually. pag tapos na ang bmw, ibang chikahan na. tawanan na at halakhakan. saka kami uuwi na magaan na ang pakiramdam. wala na ang stress kaya normal na ang mga temperature at takbo ng kukote.

malaki ang nagagawa nito to keep you sane from the crazy things going on in your work. para pag-uwi mo ng bahay, wala na yong baggage mo sa office so that pwede ka nang mag-focus sa dadatnan mo. and be a better mom/dad or anak/kapatid sa mga dadatnan mo sa bahay. hindi yong sinalubong ka ng anak mo pero hindi mo man lang pinansin coz you’re still fuming about your boss.

talk is therapy. so we should do it more often. wag lang sa bus na dinig ng buong mundo kung ano ang mga reklamo mo. or else magiging nega ang dating mo at mahahanay ka kay melanie marquez, james taylor and company! hehehehe!

1 comment:

Anonymous said...

Cafein ang pangalan ng coffee shop.