Monday, November 21, 2011

erratum

even back in ksa, i've always watched BBC's  Fast Track coz it shows places around the world that i, for financial reasons of course, can only dream of visiting.  yesterday, i chanced upon the latest episode while snacking on some tasty peanut and coke.  

the episode mentioned the new 7 wonders of the world but i heard something that made me go 'huh???'.  who wouldn't if you hear this line 'and indonesia's puerto princesa underground river'!

i immediately went online and searched their facebook page.  i was thinking of palawan's mr. hagedorn campaigning so hard for ppur to win and tagging it incorrectly is one great injustice to him,  our kababayans in palawan and the filipino as a whole (i ain't over reacting here, am i? hehe). 

seriously, i sent several text votes for ppur to win and i can't let one wrong report put that to waste.

BBC promised to issue an erratum. 

one patriotic duty accomplished!


Saturday, November 19, 2011

ikaw, anong ipapaputol mo?

ayan na nag-umpisa na ang giyera.  with the arrest warrant served, ito na yong start ng labanan na matagal na nating inaantay.  and if the airport fiasco last tuesday is any indication, the filipino people is in for a ride more dizzying than the roller coaster in my neighboring enchanted kingdom. forget geneva's histrionics in survivor.  this is prime time drama at its best.

cool na cool daw at pa-smile-smile lang si GMA when she was served the warrant yesterday.  siguro talagang expected na nya.  or, sa kundisyon nga naman nya na bedridden, may contraption na nakakabit sa katawan and most of all, nanghihina from a health problem na hindi pwedeng remedyuhan itapal man ang milyones nya sa kanyang katawan, ano pa nga ba naman ang magagawa ni tita glo.  just smile and let her hordes of brilliant lawyers handle the situation.
.
kaso hindi pwedeng si attorney topacio ang magpa-finger print.  hindi rin pwede si elena baustista-horn ang magpa-mug shot kahit angelic beauty pa si former ltfrb boss.  at lalong hindi pwedeng ilagay ang pangalan ni mr mike in place of her name sa docket ng pasay court. it really is her battle now.

and all the people around her can do is bark like hound dogs to protect their master.  and do some maneuvers na kung mahina-hina si sec de lima, tibag agad ang gobyerno ni PNoy sa pangako nitong panagutin si former president GMA sa mga 'atraso' nito kay juan dela cruz.  with 6 counts of plunder (na ewan naman at hanggang ngayon eh hindi pa rin maisampa sa korte) plus the monster of 'em all, electoral sabotage, talagang mababali ang gulugod ng kahit sinong haharap dito.

umpisa pa lang ng laban pero ang saya-saya na ng labo-labong nangyayari.  ang daming damay, nakikiramay at damay-damay sa gulong ito.  even the brightest script writers of tv networks will find it hard to concoct such a huge plot like this. look nyo na lang.

plot 1: itlog o hotdog?  sabi ni atty topacio nong hinarang sila sa airport, ipapaputol nya raw ang isang betlog nya pag hindi bumalik sa bansa ang former first family.  buti na lang hindi naka-alis si ate glo.  or else, mababawasan ang pagkalalki ni attorney.  ang tanong lang, may bading naman kayang mag-abang sa tapat ng hospital window where attorney will get castrated? hmmm...  eh papatalo ba naman ang administrasyon?  si majority floor leader neptali gonzales II, ipapaputol daw naman ang ulo nya pag na-impeach si PNoy.  walang masyadong nag-reak sa  statement nya.  pero kung naging mas naging specific sya kung anong ulo ang ipapaputol,  baka may pumatol pa sa sinabi nya.

plot 2: isumbong mo kay tulfo! nong nag-issue si sec de lima ng wlo against the arroyos, tumakbo sila sa supreme court.  porke uncostituional daw.  ang sc naman, without even asking doj why oh why delilah, este de lima pala, issued the tro.  oh di nakuha ng mga arroyo ang gusto nila.  sabay belat kay sec de lima.  sabi naman ni sec de lima, aba bakit, kayo lang ba ang marunong nyan?  ako naman ang magsusumbong kay judge jesus mupas. and presto, after just a few hours, hindi lang hdo ang in-issue ni judge.  arrest warrant pa!  mas malakas ang belat ni sec de lima! but wait! eto at susumbong daw ulit ang kampo ni gma sa supreme court.  at ipapa-bura ang kasong sinampa ng joint comelec-doj.  syet, kala ko di na uso ang rigodon!

plot 3 : lucky me supreme.  this is more on the supreme court.  kahit naman sa mga beauty contest or amateur singing contest, pag kabig mo ang majority ng judges, aba syempre panalo ka. and we know for a fact that 8 out of 15 in that body ay appointees ni gma.  7 justices at pang-8 ang chief justice na inihabol ni gma in the nick of time bago umupo si PNoy.  kaya talagang mahihirapan silang ipaliwanag sa madlang pipol ang ginawa nilang pag-kampi kay gma (or would they even care? dont think so).  also, they cannot claim integrity and moral high ground.  lalo yong credibility.  dahil may ilang mga palpak na rin silang ginawa before.  mga bigay-bawing decision.  most recent of which is the palea case.  anyo yon, nag-decide sila last year with finality tapos biglang binawi at mali daw yong decision na ginawa last year?  so how can you expect juan dela cruz to give you the utmost trust and respect? ang masakit nito, despite everything i've said, they still have the supreme authority on anything.  kaya ayan at kahit anong kaso ang isampa kay gma, isang takbo lang nila sa supreme court, isang sigaw ng 'unconstitutional', wag na tayong magtaka kung ano man ang kanilang maging desisyon.  do i hear gma camp singing i've got the supreme court on my side... lukcy me!?

plot 4: the biggest bullhorn. i'm sure napansin nyo rin to.  kung si gma may elena bautista-horn na sweet na sweet magsalita pero sour na sour ang mga sinasabi, meron ding cool but biting edwin lacierda ang malacanang.  nandyan din si attorney topacio na very passionate sa mga sinasabi (thus the betlog putulan statement) pero mas passionate si sec de lima pag nagsalita with matching twang and diction minus the putulan betlog statement.  at akala nyo ba yang dalawang panig lang na yan ang palakasan ng microphone, pabonggahan ng press releases at paramihan ng press con?  na-ah! dont leave sc's atty midas marquez out of the picture.  i'm sure we'll see more of him in the future. it's a battle of the loudest speaker.  and biggest, most irritating bullhorn.

plot 5:  the left, the right and the middle.  ano pa nga ba eh di kampi-kampihan na.  mga pulitiko, experts, kongresista, mga senador, at kahit sinong mahagip ng tv camera, kanya-kanyang manok na.  kanya-kanyang statement.  kanya-kanyang expert opinion kuno.  dyan hindi nagkukulang ang pilipinas.  sa dami ng mga marurunong.  ng mga geniuses.  ng mga expert.  ng mga 'authorities'.  each one claiming to have the final say pagdating sa isang issue.  pero wag ka, halata namang puro biased ang mga pinagsasabi.  epal na epal sila compared sa mga hirit ni sen miriam.  hagalpak na naman ako ng tawa sa kanyang 'i wanna commit suicide'! bwahahaa...  pero yon nga, kampihan na sa kaliwa at kanan.  pero ang nasa gitna?  ang kawawang si juan dela cruz.  coz afterall the grandstanding, the chaos and when the dust had settled, naiwan si juan dela cruz na nakatanga sa langit, wondering what in the world had happened, at wala namang kinapuntahan ang pinag-awayan.  in short, talo pa rin si juan dela cruz.  at babalik na lang sya sa kanyang barong-barong, kakain ng kaning lamig na walang ulam.  at aasang bukas ay maging mas maganda ang takbo ng pilipinas.

lima pa lang yan pero ang dami-daming notable plots sa nangyayaring gulong ito.  pero sabi ko nga sa fb wall ko, whatever happens, kahit anong maniobra ang gawin ng magkabilang panig, ang importante at gusto kong makita after all is said and done, ay hustisya para kay juan dela cruz.  parusahan ang may kasalanan.  kung ninakawan tayo ng bilyon-bilyong piso, ibalik ang perang yan.  maawa naman kayo sa mga kababayan nating namamatay araw-araw ng dilat ang mata.  manood kayo ng mga documentaries ng gma-7 para makita nyo kung gaano kalunos-lunos ang hirap ng buhay ng karamihan ng ating mga kababayan.
.
at tulad nga ng sinabi ni sec de lima, tama na ang mga compa-compassion.  this is the time that we have to bring the culprit to justice. sobrang kawawa na ang inaabot ng mga pilipino.  tama na ang pang-aabuso ng ilang mga ganid sa bayan.  if they really have done the country injustice, let them face the consequences. let them be reminded that usurpers of power can never scape the claws of justice.  at ang mga swapang at diktador na tulad ni ghadafi, their stories end in gruesome fashion.  hindi papayag ang mga pinoy na lagi na lang dinadaya at tinatapakan.  only marquez do that to pacman.

Friday, November 11, 2011

11.11.11

11th hour this 11th day of the 11th month of the 11th year of the second millenium... nothing extraordinary happening to my life so far and most likely it's gonna be this way the whole day coz i'm just holed up in my crib....


Tuesday, November 1, 2011

01.11.11

let this light be the love that breaks the darkness of  missing your presence in my life...

for Tatay and Nanay

  
for Jepoy

Thursday, October 27, 2011

ds turns 4!!!

despite the many days of laziness and a few uninspired posts, DS is still much around and yes, we're on our 4th year!!!

let me grab this chance to say i wasn't too happy when i shifted to this new blogger format.  it may look hip and cool and very much updated but i lost quite a few features from the old theme like the site counter. blog links and most specially the followers widget. 

so to you my friends who are following this site, my apologies if i lost you on the sidebar.  blame it on the blogger team. and oh yeah, to me of course coz i didn't save my old theme before switching to this one. darn!

anyhooo... many thanks to those who still visit this page even just to snoop around.  or to those passers by who might be looking for something else but was drawn by something they saw and fancied.  huge thanks of course to the followers despite the posts that are sometimes as scarce as the rain in the mojave desert.

thanks guys.  hope you'll stick around as long as DS is around. 

Monday, October 17, 2011

si juan tanga... nganga

mike enriquez's imbestigador had a special episode last night in gma news channel (na ngayon para sa akin ay kaagaw na ng gma 7 pagdating sa aking viewing hours). ang nakakatawa at nakaka-intrigang title ng episode ni mike : juan tanga.  tinalakay kasi nya doon ang intellectual capacity ng mga pinoy. tayong mga magagaling mag-ingles at dati ay isang intellectual powerhouse within Asia pero ngayon ay nagiging mga juan tanga na raw according to mike's report.

paanong hindi ay bumababa na nga raw ang kalidad ng edukasyon sa atin.  in recent surveys ng mga colleges and universities sa buong mundo, not one single Philippine university made it to the top 100.  not even UP na dati ay isa sa mga pinaka-prestigious among the universities in Asia.

sa program ni mike, na-shock ako ng makita ang mga text book na tadtad ng mali at kung ano-anong ka-tangahan. ang mga libro na dapat ay accurate at mataas ang quality dahil daig pa nito ang bible kung paniwalaan at i-memorize ng mga mag-aaral.  pero wag ka, nakaka-ngiwi at nakaka-himagsik ang mga nakasulat.   sinong hudas ang nag-isip na gamiting example ang salitang 'bra' para turuang bumasa o bumaybay ang isang elementary student?  

ah, bago ko nga pala malimutan, may scam din nga pala ang text book dati noong panahon ni Gloria.  ito na siguro yon. nakakangitngit na dahil sa kasakiman at pagiging gahaman ng ilan, pati mga batang dapat matuto ng tama ay inagawan ng chance sa isang matino at disenteng edukasyon.  mabulok sana ang mga kaluluwa nyo kung meron man kayo non!

naku naha-high blood ako pero buti na lang pinatawa ako ng mga in-interview sa program ni manong mike. ang mga kabayan nating buong ningning na sumagot ng ganire.... 

tanong:  ano ang pambansang ibon?
sagot ni manong: tarat! (naka-smile pa yon huh!)
tanong: ano ang pambansang prutas?
sagot ni manang:  saging... lakatan... (oh di ba very specific pa!)

pati nga mga commercial signs, kung dati ay pinagtatawanan ko yong mga kumakalat sa internet na mga signages from india at ibang lugar na katawa-tawa ang mga spelling, dito pala sa atin marami na rin.  mga grammar na nagta-tumbling, spelling na nakaka-hilo at simpleng full the string na nakaka-windang.  

sa araw-araw na panonood ko ng tv, may napansin na rin akong mali sa mga commercials.  to think na ito ay gawa ng mga tapos sa college, supposedly mga intelihenteng nilalang.  pero hindi siguro nag-ingat kaya may sablay.

tvc#1:  knorr pang-gisa mix....  mahal na raw ang mga pang-sahog sabay pakita ng kamera sa mga  tinda sa isang palengke.  120/kl ang nakalagay na presyo ng manok.  napa-huh ako.  kelan pa naging KL ang abbreviation ng kilo?  di ba't ang kilo ay pina-ikling kilogram.  at ang abbreviation noon ay KG?  ewan ko sa inyo pero kung KL ang gamit ng mga magtitinda sa palengke na obviously ay mali, bakit hindi man lang ninyo tinama sa inyong tvc?  now that you've condoned it, eh di lalong iisipin ng marami na tama nga yon.  

eto pa...

tvc#2 : ang siksik-sulit nido commercial ni kris with her son bimby.  maganda at cute pero mali ang mga linya.  sulit, according to kris is getting more than what you paid for.  pero kung iisipin mo maige, sulit means getting your money's worth.  and getting more than what you paid for is a steal or a bargain.  that's whammy number 1.  and now whammy number 2: ang siksik ay hindi 'full of nutrients'.  kelan pa naging full ang siksik?  full is puno. ang siksik, packed. kaya dapat 'packed' with nutrients. kris should have talked it out with the production people, lalo na sa scriptwriter dahil nagmukhang nagtuturo sya ng mali-mali sa anak nya.

sige last na lang...

tvc#3:  ang pldt internet commercial where a guy proposed to the girl via webcam.  sabi ng guy 'can we go to the next level'...  ahahaha...  literal talaga ha.  you don't "go" with your girl to the next level.  you 'take' your relationship to the next level.  ay sus!

i linked these tvc's to mike's episode dahil ang punto ko, hindi lang ang masang pinoy ang lumalaylay ang kaalaman.  mukhang pati ang mga supposedly ay mga learned and educated, lumalaylay na rin at hindi nababantayan ang kanilang ginagawa.  to think na ang television, lalo ang mga tv commercial na ganito ay malaki ang impluwensya sa masang pinoy.  at kung dadami pa ang mga ganitong tvc na walang ingat at basta na lang makagawa ng kung ano, baka next year, ang imestigador ni mike, ang title na ay 'juan, mas lalo pang tumanga'.  

i really hope the government sees the need to prioritize education in it's agenda.  at huwag sanang tipirin ang budget nito.  nakita na natin dati ang galing ng pinoy.  hinangaan sa buong mundo.  kahit saang sulok, welcome ang pinoy workers dahil alam nilang magagaling tayo.  pero kung ganito ng ganito ang mangyayari sa ating edukasyon, siguradong darating ang panahon na mawawala ang pag-galang na yon.  at pati ang mga job opportunities na dati ay laging tayo ang priority, sabay mawawala na rin. 

at siguro hindi ko na kailangang i-elaborate kung ano ang magiging epekto noon sa isang ekonomiya tulad ng sa atin na lumulutang lang dahil sa dollar remittances ng overseas workers na tulad ko.  wag na nating antayin na ang magin ending natin, sabi nga ng paborito kong EB, pare-pareho tayong nganga!



Sunday, October 16, 2011

saan ka - puti o itim?

Kakatapos ko lang panoorin ang Locked Up Abroad ng National Geographic Channel and this particular episode was entitled Saudi Whisky Run. Kwento ito ng isang British expat named Gordon Malloch who worked in a military hospital in Riyadh back in the late-90’s.  Dahil sa pera, sinuway nya ang isa sa mga pinaka-bawal sa Saudi – ang pagbebenta ng alak.  In the end, na napaka-obvious naman sa title nong program, nahuli at nakulong sya.

He started out small-time.  Tulad nong very common na naririnig ko sa Saudi na parang may homework lang sa high school chemistry.  Nagmi-mix ng juice, sugar and yeast na i-iimbak sa isang container for a few weeks tapos presto, may alak na. Ang masakit, hindi lang for personal consumption ang project nya.  Ginawa nya itong negosyo.  He sells as much as 50 liters of red or white wine sa isang delivery lang.  

Dahil may military pass sya dahil nga sa trabaho nya, hindi naging problema ang pagde-deliver kahit may mga check points. Though there were several instances na muntik-muntikan na syang masilat sa check point, basta nakita ang ID nya sa military hospital, nakakalusot sya. And these instances made him believe that he’s invincible.  And that he’s unstoppable.

Kaya hindi sya nakontento sa small time. Ilang panahon lang, he went big time.  In one of his weekend trips to Bahrain, may nakilala syang supplier na nakakapag-puslit ng whisky – the real thing – at sya ang ginawang distributor in and around Riyadh area.  Kwento nya, there was a time that he was keeping at least 200 bottles of Black Label in his backyard warehouse in his villa. 

His troubles started nong may nakilala syang isang prince na sya mismong um-order sa kanya ng 10 cases nong alak.  For the first time, kinabahan na sya.  But the greed for money at dahil nga akala nya his luck wouldn’t run out, tinuloy pa rin nya ang deal.  Immediately after that, ni-raid ang bahay nya.  Syempre nakuha ang kahon-kahong ebidensya.  

Mula sa pagbibilang ng limpak-limpak na riyales, biglang-biglang mga suntok na ng mga pulis ang binibilang nya.  He was thrown into Al-Malaz Prison, walang trial-trial at na-sentensyahang makulong  ng 3 taon, may bonus pang 800 lashes.

Kahit dramatization lang yong mga eksena buhat sa pagka-aresto nya hanggang sa buhay nya sa loob ng kulungan, sobrang realistic pa rin ang dating.  It made me cringe. (Though let me point out na ang mga ginamit na muttawa, to me, looks like ordinary Saudis at hindi yong talagang heavily bearded white-clad religious police na itsura pa lang ay nakakatakot na).

Medyo maswerte pa rin sya dahil hindi pa nya naranasan yong lashes at kalahati lang nong 3 year sentence ang na-serve nya pero nabigyan sya ng pardon.  He didn’t mention anything about his embassy working on his case but I suppose his government has had something to do with the unexpected amnesty.  And now he can tell his story, teary-eyed at some point, from the comforts of his home in Scotland. 

Halos dalawang dekada din akong nabuhay at nagtrabaho sa Saudi.  At dahil alam ko ang kalakaran ng buhay doon, naintindihan ko ang istorya ni Gordon.  Though I wouldn’t justify his greed at talaga namang mali yong paraan ng pagkita na ginawa nya, nauunawaan ko yong punto nya na kumita ng mas malaki kesa sa sweldo nya.  Afterall, he’s there for the money (aren’t we all?).  

At dahil nga matagal akong nagtrabaho sa bansang yon (and heaven knows kung madadagdagan pa yong 18 years – i’m in a lull but not putting a full stop to my ofw career as of yet), I can say with conviction na sa mga expat workers, mas malaki ang porsyento ng mga pasaway kesa mga sumusunod sa mga batas ng bansang yon.  To state it a little bolder, madalang – kung meron man – na makakapagsabing wala silang nilabag na kahit anong batas ng bansang yon (sige kayo, ang kidlat baka hindi mag-agree!).  

Hindi lang dahil sa simpleng pasaway.  Pero ang pinaka-ugat kasi non, ang katotohanang napakraming bawal . Kaya kung ikaw ay galing sa isang malayang bansa tulad ng UK at syempre Pinas, mahirap talagang sundin ang batas nila at iwasan lahat yong mga sinasabi nilang bawal. 

Alisin na natin yong addiction sa mga bawal na bisyo.  Like alak, sabong at ibang form of gambling.  Wag na nating ibilang  yong mga taong talagang may addiction sa mga ganyang bagay.  Lalo yong mga adik sa recreational drugs. Kasi in the first place, hindi na lang sana Saudi ang pinuntahan nila kung ganon.  

Ang focus na lang natin, yong karamihan ng mga kababayan nating manggagawa na walang ibang nasa utak nong mag-abrod kungdi ang kumita ng mas malaki para sa ikagaganda ng buhay ng kanilang pamilya.  Yong mga medyo mabait, medyo matino at medyo takot na taong tulad ko (and that’s not open for argument! Hahaha).  

Gusto kong isipin na naging isang matino at maayos akong  Pinoy OFW sa bansang yon.  Pero kung hahatiin sa dalawang grupo ang mga expats doon – itim para sa mga may ginawang paglabag at puti para sa mga mababait at malilinis na walang kahit anong bahid, sumunod 100% sa batas, siguradong hindi sa puti ako mapupunta. 

Hindi dahil sa pasaway ako.  Hindi dahil sa may bisyo ako. Pero mahirap lang talagang gawin na huwag lumagpas sa guhit kung napakaliit ng demarcation line na pinapayagan kang galawan mo. Isang simpleng pagkikilala ng isang babae at lalaki - something na normal at non-issue sa Pinas - ay isang paglabag sa batas kung nasa Saudi ka. 

Sa akin, dalawang halimbawa na lang ang gagamitin ko para hindi ito masyadong humaba (as in maraming justification? hahaha).

Hindi ako manginginom pero may ilang beses din akong napaharap sa inuman.  Just for the company of friends na mas masarap kasama lalo kung nagkakantahan pa sa videoke. Pampalipas oras.  Pang-alis homesick. Pero di ba, it’s one big irony kung nagkataon dahil kahit hindi ako umiinom (or in rare occasions na napipilit ako ng sinasabi nilang social drinking), nandon pa rin ako at sabit pa rin ako sa hulihan kung minalas-malas.

During my early years, nag-attend na rin ako ng bible study sa imbitasyon ng isang kaibigan.  Ito hindi na bisyo.  Bible na ang usapan dito.  Religious.  With higher purpose.  Pero bawal pa rin.  At paglabag pa rin yon sa isa sa pinag-babawal ng bansang yon.

Counting the many same people like me na takot sa pulis at siguro’y mamamatay sa takot kung maisasakay sa police car kaya hindi intentionally gumagawa ng pag-labag sa batas.  And yet lumalabag pa rin sa batas in one way or another, sa maliit at kahit walang kakwenta-kwentang paraan.  Yon yong sinasabi kong malaking percentage na may violation pa rin ng law.  Kaya sa itim pa rin ang bagsak kahit relatively ay mababait na expat sa bansang yon.

Ang kagandahan nito, madalang sa mga taong ito ang napapahamak dahil marunong silang gumamit ng katakot-takot na pag-iingat.  Dahil sa totoo lang, may kaunting tolerance din naman ang mga tao doon.  Oo at gumagawa ka ng paglabag.  Pero gawin mo na lang sa loob ng kwarto o bahay mo.  Kung hindi nila nakikita, walang issue.  Kung hindi nila alam, wala silang pakialam.

Pero kung talagang pasaway ka, lumalabag dahil akala mo ay hindi ka tatamaan ng malas, sa mga tulad ni Gordon na pasaway na ay matigas pa ang kukote, ang problema ay nandyan lang sa tabi-tabi.  And the reality of getting caught is almost as sure as the sandstorm that brings the change of seasons. And needless to say, this is the last place on earth you’d want to have a run-in with the law.   It is the place you wouldn't want to be locked up.