Monday, October 17, 2011

si juan tanga... nganga

mike enriquez's imbestigador had a special episode last night in gma news channel (na ngayon para sa akin ay kaagaw na ng gma 7 pagdating sa aking viewing hours). ang nakakatawa at nakaka-intrigang title ng episode ni mike : juan tanga.  tinalakay kasi nya doon ang intellectual capacity ng mga pinoy. tayong mga magagaling mag-ingles at dati ay isang intellectual powerhouse within Asia pero ngayon ay nagiging mga juan tanga na raw according to mike's report.

paanong hindi ay bumababa na nga raw ang kalidad ng edukasyon sa atin.  in recent surveys ng mga colleges and universities sa buong mundo, not one single Philippine university made it to the top 100.  not even UP na dati ay isa sa mga pinaka-prestigious among the universities in Asia.

sa program ni mike, na-shock ako ng makita ang mga text book na tadtad ng mali at kung ano-anong ka-tangahan. ang mga libro na dapat ay accurate at mataas ang quality dahil daig pa nito ang bible kung paniwalaan at i-memorize ng mga mag-aaral.  pero wag ka, nakaka-ngiwi at nakaka-himagsik ang mga nakasulat.   sinong hudas ang nag-isip na gamiting example ang salitang 'bra' para turuang bumasa o bumaybay ang isang elementary student?  

ah, bago ko nga pala malimutan, may scam din nga pala ang text book dati noong panahon ni Gloria.  ito na siguro yon. nakakangitngit na dahil sa kasakiman at pagiging gahaman ng ilan, pati mga batang dapat matuto ng tama ay inagawan ng chance sa isang matino at disenteng edukasyon.  mabulok sana ang mga kaluluwa nyo kung meron man kayo non!

naku naha-high blood ako pero buti na lang pinatawa ako ng mga in-interview sa program ni manong mike. ang mga kabayan nating buong ningning na sumagot ng ganire.... 

tanong:  ano ang pambansang ibon?
sagot ni manong: tarat! (naka-smile pa yon huh!)
tanong: ano ang pambansang prutas?
sagot ni manang:  saging... lakatan... (oh di ba very specific pa!)

pati nga mga commercial signs, kung dati ay pinagtatawanan ko yong mga kumakalat sa internet na mga signages from india at ibang lugar na katawa-tawa ang mga spelling, dito pala sa atin marami na rin.  mga grammar na nagta-tumbling, spelling na nakaka-hilo at simpleng full the string na nakaka-windang.  

sa araw-araw na panonood ko ng tv, may napansin na rin akong mali sa mga commercials.  to think na ito ay gawa ng mga tapos sa college, supposedly mga intelihenteng nilalang.  pero hindi siguro nag-ingat kaya may sablay.

tvc#1:  knorr pang-gisa mix....  mahal na raw ang mga pang-sahog sabay pakita ng kamera sa mga  tinda sa isang palengke.  120/kl ang nakalagay na presyo ng manok.  napa-huh ako.  kelan pa naging KL ang abbreviation ng kilo?  di ba't ang kilo ay pina-ikling kilogram.  at ang abbreviation noon ay KG?  ewan ko sa inyo pero kung KL ang gamit ng mga magtitinda sa palengke na obviously ay mali, bakit hindi man lang ninyo tinama sa inyong tvc?  now that you've condoned it, eh di lalong iisipin ng marami na tama nga yon.  

eto pa...

tvc#2 : ang siksik-sulit nido commercial ni kris with her son bimby.  maganda at cute pero mali ang mga linya.  sulit, according to kris is getting more than what you paid for.  pero kung iisipin mo maige, sulit means getting your money's worth.  and getting more than what you paid for is a steal or a bargain.  that's whammy number 1.  and now whammy number 2: ang siksik ay hindi 'full of nutrients'.  kelan pa naging full ang siksik?  full is puno. ang siksik, packed. kaya dapat 'packed' with nutrients. kris should have talked it out with the production people, lalo na sa scriptwriter dahil nagmukhang nagtuturo sya ng mali-mali sa anak nya.

sige last na lang...

tvc#3:  ang pldt internet commercial where a guy proposed to the girl via webcam.  sabi ng guy 'can we go to the next level'...  ahahaha...  literal talaga ha.  you don't "go" with your girl to the next level.  you 'take' your relationship to the next level.  ay sus!

i linked these tvc's to mike's episode dahil ang punto ko, hindi lang ang masang pinoy ang lumalaylay ang kaalaman.  mukhang pati ang mga supposedly ay mga learned and educated, lumalaylay na rin at hindi nababantayan ang kanilang ginagawa.  to think na ang television, lalo ang mga tv commercial na ganito ay malaki ang impluwensya sa masang pinoy.  at kung dadami pa ang mga ganitong tvc na walang ingat at basta na lang makagawa ng kung ano, baka next year, ang imestigador ni mike, ang title na ay 'juan, mas lalo pang tumanga'.  

i really hope the government sees the need to prioritize education in it's agenda.  at huwag sanang tipirin ang budget nito.  nakita na natin dati ang galing ng pinoy.  hinangaan sa buong mundo.  kahit saang sulok, welcome ang pinoy workers dahil alam nilang magagaling tayo.  pero kung ganito ng ganito ang mangyayari sa ating edukasyon, siguradong darating ang panahon na mawawala ang pag-galang na yon.  at pati ang mga job opportunities na dati ay laging tayo ang priority, sabay mawawala na rin. 

at siguro hindi ko na kailangang i-elaborate kung ano ang magiging epekto noon sa isang ekonomiya tulad ng sa atin na lumulutang lang dahil sa dollar remittances ng overseas workers na tulad ko.  wag na nating antayin na ang magin ending natin, sabi nga ng paborito kong EB, pare-pareho tayong nganga!



1 comment:

espiyangmandirigma said...

Hehehe... Akala mong Joke pero Totoo pala! Sabi nga ni Tito B "Ang makabagong encyclopedia eh hi-tech na! "Google"!

Musta na? di ka na nagparamdam... Ahooooo... Hope your okay and enjoying LIFE! Ingats....