Thursday, May 15, 2014

beautiful bicol - part wan



There are four B’s on top of my list of places to see – Baguio, Bohol, Batanes and the Bicol region.  I’ve done Baguio in 2011, Batanes and Bohol must wait until I hit the lotto jackpot kasi kailangan ng malaking budget lalo ang Batanes na airfare pa lang eh talo mo pa ang nag-Asian tour.  But Bicol, thank heavens I finally did it!


Tatlong boarders ko (Ronnie, Yen and Mark) na taga-Albay ang umuwi nong last week of April.  Kaya nakisabay na kami ni Kuya Eddie, seizing the opportunity to enjoy a long trip with a group na syempre, mas masaya.  Bukod pa doon, Ronnie invited us to be their house guests which, of course, is an offer I won’t resist.  Budget vacation eh!


With nearly 400 pics and 40++ videos, I thought I’d share my Bicol blast with you via pics na lang. So here it is, in two parts kasi alam naman ng DS followers kung pano ako magkwento… daig pa ang police blotter sa pagka-detalyado hahaha!


I always wanted to do a long land trip where I can see as many places kahit man lang from the window of a bus.  And boy, did I get the long trip I wanted! It started in Turbina 11pm of Wednesday (28 Apr). The bus was typical of a provincial liner na puno ng pasahero at bagahe, with no airconditioning and the seat was uncomfortable but I didn’t mind coz I was grinning from ear to ear from excitement.  Kaya lang, wala akong makita sa dinadaanan namin dahil nga middle of the night na. So nangulit na lang ako ng mga kasama ko, tawanan kami ng tawanan until everyone around me started dropping one by one. Nag-lagay na lang ako ng earphones and tried to catch a nap myself.


munching on our baon... with Mark


Just a bit over 3 hours, we had our first stop somewhere in the Quezon area (not sure if it was Sariaya) where we devoured (gutom eh hehehe) yong baon naming sandwich at nakapag-kape. A couple of yosi and CR break pa and back to byahe na naman kami.  I was trying to get some sleep like the people around me pero nagigising ako sa paminsan-minsang pagsama ng simoy ng hangin.  Deym piggeries! How can they stink that bad! We had our second stop somewhere in the middle of nowhere na parang CR break lang dahil nag-dedecide pa lang ako kung ano ang kakainin eh pinaakyat na kami ng kundoktor.  Tawa ako ng tawa kay Kuya Eddie who had to eat his hot cup noodles habang kinakaldag sya ng bako-bakong daan! 

stop over in CamSur with Kuya Eddie

As the dawn breaks, and while we were in Camarines Norte, I was woken up by a cock crowing like hell!  Kala ko nasa probinsya na kami pero yon pala may kasakay talaga kaming manok at nandon lang sya sa ilalim ng isang upuan all the time.  Then pumasok na kami ng Camarines Sur where we had our last stop at around 7 am.  Kinulit ko na ang kundoktor kung malayo pa.  Malapit na raw.  Yeah right. Alas-nuwebe na at tirik na ang init ng araw e humaharurot pa rin ang bus at parang walang balak huminto anytime soon. But this time the excitement was back dahil malinaw ko nang nakikita ang breathtaking landscape ng Bicol region.  Miles and miles of greens and gold sa mga palayan na dinadaanan namin.  Ganda talaga ng countryside natin.  



Finally!  After 12 hours of makaldag na bus ride, we reached Guinobatan at around 11 am. And boy was it worth all the pagod at hikab na inabot ko sa long trip.  The town has a charm that welcomes you like you’re no stranger.  Well, maybe I got that feeling because of the people who welcomed us with wide and warm smiles. 




Meet the Paverecio family – our hosts in Guinobatan who made our vacation so wonderful. Thanks to Ronnie aka Junjun who introduced us to his family - Mommy Cel who was so maasikaso and Daddy Ronnie who must be the Anthony Bourdain of Bicol. Ansarapppp ng mga luto nya! I also have to thank the rest of the Paverecio clan including Junjun’s Lolo and Lola, Tito and Tita who all welcomed us like family. Pinoy hospitality really rocks!



Back to Master Chef Daddy Ronnie who gave us a feast on our first lunch in Bicolandia. Syempre di mawawala ang laing na hanggang ngayon di ko makalimutan ang creamy gata, smooth as silk taro leaves with the perfect sting of chili! And that ginisang alamang with minced tinapa again with sili?  Yummm! This guy made me love sili na dati ay hate na hate ko. Tapos may meryenda pang pancit lapad.  Sarappp!



Heavy ang lunch kaya nakataluog ako matapos kumain.  Woke up at around 3pm at niyaya ko si Kuya Eddie na mag-ikot sa bayan to get ourselves acquainted with our host town.  But the dark overcast soon turned into a pouring rain.  Nagkataong nandoon kami sa LCC mall kaya bumili kami ng payong.  But of course, Guinobatan may just be welcoming us with a joke dahil paglabas namin bitbit ang payong, wala na si ulan.! Hahahhaha!




Second day at maaga kaming nagising, excited na mag-explore at makita ang mga lugar na nasa listahan ko.  Naka-schedule ang Legazpi City pero uunahin ko syempre ang Daraga where the famous Cagsawa Ruins is. Doon ko rin daw makikita ang Mayon volcano up close.  Pero paalis pa lang kami ng bahay, paglingon namin, nandon lang pala ang Daragang Magayon at naka-tingin sa amin all the while.  Hindi namin nakita nong first day dahil nga maulap at maulan. 




And here she is, the famous perfect cone na nasira lang ang view dahil sa posing ko hahaha!  Kahit nakakatuyo ng lalamunan ang init, kahit nakaka-distract ang ingay ng mga turista, I still can’t help myself but get lost in her beauty. I've seen her a thousand times in pictures and news footages pero iba ang feeling na makita sya ng personal. Iba talaga si Mother Nature pag gumawa ng creation.
 

It’s a weird feeling standing on this ground dahil alam mong right under your feet is an entire church - and town for that matter - buried exactly 200 years ago.  Thanks to our lovely guide Liezel and Kuya Junjun I finally get to experience Cagsawa and it’s charm.

it's Gaisano Mall daw sabi nila...

By mid-day nasa Legazpi City na kami and had our lunch at the food court of this mall. Nag-stay pa kami sa amusement center at nag-videoke habang naghihintay bumaba ang araw coz the heat seem to be a few degrees higher here than in Sta Rosa. 




By 3pm nasa Embarcadero na kami.  A mall right beside the seaport, ito raw ang sentro ng gimik sa gabi dahil sa mga bars and restos na naka-kalat sa kalakihan ng mall.  

a boat in the middle of a mall.. cool



And this is where I finally got a shot of her summit na hindi nagpakita all the time na nasa Cagsawa kami dahil natatakpan ng ulap.




At about 5pm, we started our climb on Lignon Hill (say Linyon).  Hinahabol namin ang sunset pero hindi ganon kadali yong pag-akyat dahil isang libong hingal at isang drum na pawis yata ang inabot ko. Thank God my knees didn’t fail me hehehe!



And there I was, soaking wet and gasping like crazy, pero sulit ang pagod dahil sa panoramic view ng Legazpi City.  The strip that looks like a road is actually the runway of the airport.  




Refresh-refresh muna with buko juice habang nag-iisip kung itutuloy ang susunod na gagawin…


gearing up...

and faking a smile kahit medyo kinakabahan... hahaha

At madilim na bago nakapag-decide na gawin ito – zipline! In fact, ako na pala ang pinaka-last at pagtapos ko ay nagmamadali nang magligpit ang mga crew.  Hirap siguro ng rescue efforts kung nahulog ako kasi malalim yong ravine at madilim na! hahaha... at least another item on my bucket list checked!

What a way to end the day! Nakauwi na kami ng Guinobatan past 9 pm na.

(part tu comin up... )

No comments: