Friday, November 12, 2010

john's bday

taking advantage of the already cooling temperature, the group headed out to fanateer corniche last night where our friend john chose to celebrate his ??th bday.  chance na rin para makasagap ng fresh air from the fanateer beach kaya nag-latag lang kami sa damuhan doon at nilantakan ang masarap na mga food na luto ni john at ega. 

as usual, the park suddenly turned alive dahil sa ingay namin, kwentuhan at tawanang umaatikabo while sofie practiced on two things:  her bike (with the help of daddy ricky) and of course yong kanyang miss congeniality skills dahil laging nawawala at nakikipag-chikahan sa ibang family na nandon sa picnic grounds.  sabi nga ni jun, 'sofie sabihin mo sa kanila fi fuloos?'... takbo naman ang bata pabalik don sa mga ka-chika nya! hahaha...

enjoy the pics from ega's camera na ang humawak ay syempre ang master photog ng grupo... si matt.  thanks sa lichauco family at naka-join namin sa picnic na ito even if it means they have to travel all the way to and from khobar (teka lang, bakit ako ang nagte-tenchu, di naman ako ang may pa-party! hahaha).  na-miss naman namin ang cariaga family pati si ariel at tserman na busy pag thursday night.











!!! HAPPY BDAY JOHN !!!

Wednesday, November 10, 2010

will power... not!

I really should be practicing what I preach. Coz after just a few days and a couple of posts away, I lost control and slammed myself into another bump on my road to recovery. Di ba’t kakasabi ko lang at buong ningning kong pinagyabang that my visa balance finally hit single digit after a long, arduous battle. Pero eto at nilukuban na naman ako ni Andres Bonifacio. Tinaas na naman ang Visa card at sumigaw ng Charge!

Walang ka-plano-plano, sumabit lang ako sa lakad ni Matt sa Khobar kahapon. Sinamahan ko para may kasama pabalik sa malayo-layo ding byahe. Meron kasing kailangang lakarin sa insurance company about his car. It so happened that MacCoy was also on his way home kaya sumabay na rin. At pag ganong mga pagkakataon, saan pa ba naman kami dadalhin ng aming mga kinakating paa. Eh di mag-ikot sa Khobar. Buti nga hindi na natuloy sa Dammam as planned earlier.

Buti sana kung nag-ikot lang at nahilo pagkatapos. Eh pagpasok ko pa lang ng isang shop, naglulundag na naman ang Visa ko. Something caught my fancy - a couple of bracelets that match the Versace design of one of my rings. I tried a couple of them on and I must have spent eternity just looking at them, resting so gently on my left wrist, begging me to choose either one of them. Or both of them. Lakas talaga nilang manukso!

Eh namahalan ako don sa turing nong Arabong magaling mag-tagalog. O talaga lang hindi buong 100% ang gusto ko don sa dalawang item. Yon nga, just nice to have one of them matching my ring. Besides, parang hindi ko ma-imagine na isusuot ko yon sa Pinas even on special occasions. It’s nothing short of ostentatious. Mainit sa mata. Sabi nga ni Matt baka maputulan ako ng braso dahil don.

So lumabas ako ng shop na hindi naka-talon ang Visa sa pagkaka-kulong ko. Yeyyy! My self-control ruled again! And I was having a silent celebration, giving myself a pat on the back for so firmly keeping my spending (or charging) disease on check.

But not for long. One wrong turn in one ordinary corner washed away all the internal basking I was enjoying. Dahil pagtingin ko pa lang sa window nong isang shop, I found one piece that literally hypnotized me. Biglang nawala ako sa wisyo, went inside, asked the shop keeper to let me touch and feel that shiny piece of temptation. And just like that, my will power was thrown into oblivion.

Hindi ko na sasabihin, hindi ko na ide-detalye kung ano yon. Ang punto ko lang, ang hirap talagang alisin ng sakit na ito. Kaya nga sabi ko don sa last posting ko, I had my fingers crossed. Buti na lang, meron akong rebound factor don sa pinagka-gastusan ko. As in pwedeng i-justify at sabihing investment naman yan, naga-appreciate ang value as time goes by. At ang importante, madaling ibenta just in case you need to liquidate it.

I hope it doesn’t come to that point. Or else, binili ko nga sya pero hindi naman pala sya magiging akin forever.

Tuesday, November 9, 2010

the net: friend or foe?

Actually this is a very much delayed reaction about the Twitter fiasco of PNoy’s speechwriter Miss Mislang (parang pangit pakinggan, puro mis). Laman sya ng mga headlines for a few days at marami ang nakisawsaw sa issue. Ako na siguro ang pinaka-huli. Masabi ko lang ang gusto kong sabihin kasi di ba, huli man daw at magaling, huli pa rin! Hehehe… Hindi lang ako masyadong agree sa mga nabasa ko dati.

Sabi kasi, elitista raw ang atake ni Mislang sa mga twit nya. Porke daw UP grad, cum laude (magna pa yata) at cabinet member ni PNoy. But I didn’t agree.

Sa akin kasi hindi elitista yon. Coz the real elite don’t even have to utter senseless words. Ang talagang elitist, nakangiti lang, tahimik lang pero talo pa ang nagbitaw ng mga panglalait na binitawan ni Miss Mislang. It’s in their silent, smug looks that you will feel their being condescending. Or, they can heap you praises pero alam na alam mong pina-plastik ka. Yon ang elitist. Ang ginawa ni Miss Mislang, arrogance. And lack of basic courtesy.

To make matters worse, Malacanang condoned the culprit at nagpalusot. Kaso ang palusot, sablay dahil ang ginawang rason eh ‘bata pa sya’. Dito ako napabunghalit ng tawa! Pordyos! Bata? WTF! Anybody who has finished college na tatawaging bata under any other circumstances should feel insulted. And Miss Mislang should realize na sa ginawa ng Malacanang, hindi sya na-save. In fact nainsulto lang sya ng walang kalaban-laban. Well, she’s not really in a position to object kaya siguro tumahimik na nga lang.

Wala nang balita kung nasan na si Miss MIslang pero sabi ng Malacanang dati, hindi raw sya aalisin sa puwesto. Well, that’s arrogance on the part of Malacanang too. Somebody has given the country unwanted and totally unnecessary embarrassment tapos ipipilit pa rin nila ang gusto nila. Bakit hindi nila tanggaping their choice of people to support PNoy is palpak? Na ang mga taong ganito, dapat palitan nila ng taong makakatulong, instead na makasira sa Pangulo na nagkukumahog magsilbi sa bayan? You’re not a government in training, sabi nga ni Joker.

Pero bago ako lumayo at mapunta sa pulitika, let me just say that Miss Mislang’s Twitter nightmare should have opened a lot of minds among the netizens, lalo yong mga talagang ‘bata’ pa. Sana marami ang naka-kita ng lesson na dala-dala nong nangyari. Isang-isa lang at simpleng-simple: Be responsible.

Dapat ma-realize natin na kahit nakaupo tayo sa isang chair inside the comforts of our home, once we get into the net, we’re exposing ourselves to the world. That whatever we say or do, literally ay nakikita ng buong mundo. Kaya dapat maging maingat tayo.

And realize that if the net, especially social networking facilities, can make us happy by gathering our friends in a click of a mouse, it can also make them disappear and win us thousands of haters in no time. Kaya depende sa atin kung paano natin gagamitin ito. If you use it wisely, it can be your best friend. If you use it carelessly, then it can make your life miserable.

Sa kaso ni Miss Mislang, I’m sure she was only doing the tweets for her close friends. Gusto lang nyang i-tsismis ang mga nakita nya sa Vietnam as a private person. Parang nag-get together lang sila ng mga amiga nya sa kanyang living room at bumangka sya ng husto. Ang malaking pagkakamali nya, pagpasok nya ng Twitter, nakalimutan nyang hindi yon literal na sala ng bahay nya. At marami sa ating mga nag-iinternet ang nakakalimot just like she did. Cum Laude or not. Malacanang staff or not.

Monday, November 8, 2010

rehash: peba 2010 blog awards vid

here's  an improved rehash of the 2010 peba blog awards vid posted in youtube.  mas mahaba at heartfelt ang intro...  at mas gusto ko yong pic na ginamit for my slide (hehehe)...

talagang totohanan na to. peba is really making an effort to make this year's event a success .  nag-shoot pa nga sila sa outer space! sino kaya yong mga astronauts? hehehe.  sarap panoorin pag naka-surround ka, parang michael bay movie!

Saturday, November 6, 2010

manny's house... ya know...

found this in yahoo and i'm sharing it for two reasons:  manny's awesome interview (hehehe) and most importantly... that palatial house.  eh alam nyo naman ako, nangangarap ding magkaron ng mansion kaya i'm green with envy!  pwede pa kaya akong mag-boxing!?? hehehe

seriously, kahit hindi ako fan, i salute this guy for having achieved such humungous honor. and fortune of course. kelan nga ba laban nya?  hope he makes it 8.  

Friday, November 5, 2010

chaaaarrrge!!!!

Isa sa mga balitang abroad ng abante ngayon ay tungkol sa mga kabayan nating nasa Dubai na baon daw sa utang sa dahil sa kanilang mga credit card  (http://www.abante.com.ph/issue/nov0510/abroad01.htm).

Actually that’s not a surprise. Having seen life in Dubai when I was there for a 1-week training, medyo nagulat din ako sa taas ng bilihin. Alam naman natin na nagra-rank na ang Dubai among the most expensive cities in the world. At kung isa kang OFW sa lugar na yon, you gotta have a salary comparatively higher than in Saudi dahil nga sa cost of living. At kahit super laki ng sweldo mo doon, you have to watch your spending closely kung ayaw mong kapusin at mabaon sa utang.

Hindi lang kasi basic cost of living ang mataas doon. To make matters worse, Dubai is an open society as far as foreigners are concerned. Most of the restrictions imposed against expats in Saudi don’t apply there. Kung kaming mga nasa Saudi ay nagtitiis sa kung ano-anong ‘safe’ activities during weekends, our kabayans in Dubai enjoy a wide variety of option for entertaining themselves. They have movie houses showing the latest blockbusters. They have bars where you can hang-out after work, kahit pa araw-araw. At halos linggo-linggo ay may mga concert ng mga well-known musical artists na kung doon ako naka-base ay siguradong linggo-linggo din akong gumagastos sa concert tickets.

Kaya nasabi kong na-appreciate ko ang sitwasyon ko dito sa Saudi. Dahil kung ako rin ay sa Dubai nagta-trabaho (or anywhere else na maraming options for gimik), baka nabaon na rin ako sa credit card tulad ng mga kabayan natin na nandon sa news. In fact, nandito na nga ako sa Saudi pero grabe pa rin ang inabot kong utang, how much more kung nasa ibang lugar ako na maraming pwedeng pagka-gastusan.

Just last week, naisipan kong gumawa ng excel sheet where I tabulated all of my on-line payments. And it was a shock to find out na ang nai-bayad ko na sa aking Visa card, for the last three years up to this month’s payment, ay umabot sa SR 65,000++. Well, get a forex table and do your math. Aba eh pambili na ng isang 2010 Honda Civic ni Maccoy yon ah! Jeezzzz! Saan napunta yon? I cannot recall charging a major major (pahiram, Venus!) purchase sa aking Visa Card.

Isang beses lang akong nag-CA sa aking Visa nong na-ospital ang mother dear ko for two weeks na sumira sa budget ko. I had to cough up the rest of the bill na hindi kinaya ng PhilHealth. But that was a meager SR 3k.

Then epiphany hit me like a 2000 kw thunderbolt. Na-realize kong ano bang inaangal ko eh inabuso ko naman talaga ang Visa card ko. I was inflicted with the spending fever which sent me to a buying frenzy of several electronic items. Charged ang 8GB I-pod ko na binigay ko lang naman sa isang pamangkin ko dahil hindi ko ma-appreciate. Pati ang PSP Madden limited edition na binenta ko rin naman dahil hindi ko rin ma-appreciate. And for two years, nagpapalit ako ng laptop almost every quarter of the year. Bumili, este umutang, din ako ng ilang jewelries, including my long-time dream na Tag. At ang mga dinner ko of T-Bone steaks and yummy Makis, karamihan charge din. So ano’ng inaangal ko!?

Kaya hindi nagtagal yong shock na naramdaman ko. Napalitan agad ng dismay. At syempre, ng pagsisisi dahil hindi ko na naman na-kontrol ang sarili ko sa pag-gastos. Looking back, I must have looked like Andres Bonifacio’s monument every time na papasok ako ng isang commercial establishment. But if Andres is holding a ‘tabak’, ako, yong Visa ko ang hawak ko. At kung ‘sugod mga kapatid’ ang sinisigaw ni Gat Andres, ako, ‘CHARGE’!

Buti na lang medyo naging firm ako sa aking sarili nitong mga nakaraang buwan. Medyo madalang ko nang istorbohin ang Visa card ko. In fact, nong Wednesday night na sumugod kami ng ilang ka-adik sa mega sale ng Extra (one of the more popular electronics store here) , I learned na kaya ko naman palang mag-pigil. Muntik na akong bumili nong 10 inch digital photo frame. But when I found out na hindi yon kasama sa sale and the SR 599 tag price isn’t reduced, binitiwan ko. Na-tempt din ako don sa 42” Samsung LCD Tv na gusto kong bilhin matagal na pero napigil ko rin ang sarili ko. Kaya lumabas ako ng store na walang damage at buong ningning kong tinawanan ang aking mga kasama na may 2 or 3 bags na bitbit. Yeahh! Will power!

Kinaya kong mag-kuripot mainly because ini-enjoy ko yong feeling na kakaunti na ang binubuno ko sa aking Visa. For the longest time, double digit lagi ang nasa statement of account ko buwan-buwan. But starting last month, nag-single digit na sya. And my last payment brought it down to SR 5k. Isa o dalawang sweldo pa, matatapos na ang long-standing battle ko against my Visa. And when that time comes, I think hindi na mauulit na maging alipin ako ng credit card ko. I’ve learned my lesson.

Ok.  I'll admit naka-tago yong crossed fingers ko sa likod when I said that.  Kasi sinabi ko na rin yan noong nabaon ako sa utang sa Visa at Master Cards ko when I was working in Makati almost a decade ago.  Ang lapit kasi namin sa Glorietta kaya para din akong Andres Bonifacio nong mga panahon na yon.

Good thing nga, nandito ako sa Saudi. So shaking off the spending fever can be easy. Eh pano na lang kung marami ngang gimikan sa paligid? Siguro hindi na ako nakaahon sa utang ko. That is why super-relate ako sa kwento ng mga kabayan natin sa Dubai. Tutulungan naman daw sila ng gobyerno. Pero ang tulong, bibigyan lang sila ng training about literacy on spending. At yong literacy na yon, nakuha ko na dahil ngayon I can say I’ve learned my lesson.

Quite expensive learning experience kaya hindi ko agad-agad malilimutan. With my strong resolve, kakayanin ko nang hindi sumigaw ng CHARGE. Except when I’m dining in my favorite Soul Kitchen! Hahaha!

Thursday, November 4, 2010

a new neighbor

after suffering a couple of virus attacks last year (one wiped out most of my files including some treasured photos and irreplaceable files na unfortunately ay wala akong back-up - now i'm using exernal hds, lesson learned!), i've limited my web surfing to familiar and trusted sites.  hindi rin kasi 100% guarantee kahit pa updated ang anti-virus mo, aatakehin ka pa rin pag minalas ka.  in fact i've already did the rounds of the more popular and supposedly reliable anti-virus software pero ayon at dalawang beses pa ring nag-crash ang comp ko last year.  kaya ngayon, di na ako ganon ka-adventurous sa kaka-explore ng mga sites.

in fact, kung na-notice ninyo, very seldom akong mag-share ng website in this blog na hindi galing sa mga news channel, youtube and a few other sites na subok ko nang safe.  but this time i'm sharing one blog na lately ko lang napuntahan (thanks to raoul aka seven na unang nakapunta dito at nag-tip sa akin).  and i thought i'd share it with DS followers coz it's also worth the time.  for two good reasons...

1.  i find the blog quite refreshing.  the sense of humor of the site owner is so obvious, napatawa (or should i say na-LOL) ako sa ilang nabasa ko. in fact, naisip ko nga parang masyadong serious ang tone nitong DS and my friends also deserve to have a dose of something light and funny once in a while.  sure i have a few posts na nakakatawa din, nag-e-effort din ako paminsan-minsan mag-comedy.  but i know my sense of humor is a bit dry and worse, ascerbic.  that's why i think this blog would be a very good alternative for DS friends who's aching for a few smiles on a gloomy day.  

2.  i said the site is refreshing but it sure has some serious stuff as well.  twice ko pa lang nai-scan yong site and yet may nakita na akong ilang seryosong posts.  real-life snippets of what's going on in the very challenging life of a young, working mom.  touching  stories about family.  at kahit hindi ko pa nababasa ang ibang posts, my impression is that the author has already suffered from some huge tsunamis of emotion pagdating sa usapang love.  kaya kahit bata pa sya (26 or 27?)  may lalim na ang kanyang mga sinasabi.

the site owner is a recent friend of DS.  kelan lang sya nagawi dito and yet naging regular na sya since then.  and i think i'd return the complement kasi babalik-balikan ko rin ang blog nya.  and i'd love to see you my friends sa bago nating kapitbahay.... si Yanah and her life's a twitch blogspot. (nasa side bar po ang link!)