Actually this is a very much delayed reaction about the Twitter fiasco of PNoy’s speechwriter Miss Mislang (parang pangit pakinggan, puro mis). Laman sya ng mga headlines for a few days at marami ang nakisawsaw sa issue. Ako na siguro ang pinaka-huli. Masabi ko lang ang gusto kong sabihin kasi di ba, huli man daw at magaling, huli pa rin! Hehehe… Hindi lang ako masyadong agree sa mga nabasa ko dati.
Sabi kasi, elitista raw ang atake ni Mislang sa mga twit nya. Porke daw UP grad, cum laude (magna pa yata) at cabinet member ni PNoy. But I didn’t agree.
Sa akin kasi hindi elitista yon. Coz the real elite don’t even have to utter senseless words. Ang talagang elitist, nakangiti lang, tahimik lang pero talo pa ang nagbitaw ng mga panglalait na binitawan ni Miss Mislang. It’s in their silent, smug looks that you will feel their being condescending. Or, they can heap you praises pero alam na alam mong pina-plastik ka. Yon ang elitist. Ang ginawa ni Miss Mislang, arrogance. And lack of basic courtesy.
To make matters worse, Malacanang condoned the culprit at nagpalusot. Kaso ang palusot, sablay dahil ang ginawang rason eh ‘bata pa sya’. Dito ako napabunghalit ng tawa! Pordyos! Bata? WTF! Anybody who has finished college na tatawaging bata under any other circumstances should feel insulted. And Miss Mislang should realize na sa ginawa ng Malacanang, hindi sya na-save. In fact nainsulto lang sya ng walang kalaban-laban. Well, she’s not really in a position to object kaya siguro tumahimik na nga lang.

Pero bago ako lumayo at mapunta sa pulitika, let me just say that Miss Mislang’s Twitter nightmare should have opened a lot of minds among the netizens, lalo yong mga talagang ‘bata’ pa. Sana marami ang naka-kita ng lesson na dala-dala nong nangyari. Isang-isa lang at simpleng-simple: Be responsible.
Dapat ma-realize natin na kahit nakaupo tayo sa isang chair inside the comforts of our home, once we get into the net, we’re exposing ourselves to the world. That whatever we say or do, literally ay nakikita ng buong mundo. Kaya dapat maging maingat tayo.
And realize that if the net, especially social networking facilities, can make us happy by gathering our friends in a click of a mouse, it can also make them disappear and win us thousands of haters in no time. Kaya depende sa atin kung paano natin gagamitin ito. If you use it wisely, it can be your best friend. If you use it carelessly, then it can make your life miserable.

No comments:
Post a Comment