Sabi sa isang news report kagabi,
ang bilang daw ng OFW sa ngayon ay umaabot na ng 10.6 million. One-fourth daw yan or 25% ng total workforce
ng pilipinas. Ibig sabihin, sa bawat 4
na pilipinong manggagawa, 1 ay umaalis ng bansa. Syempre para sa mas malaking kita.
Top destination pa rin sa mga OFW
ang USA, second ang Saudi Arabia at third ang UAE. Although para sa akin, ang mga nasa USA, para
namang hindi dapat na tawaging OFW. Kasi
alam mo naman dito sa Pinas, pag sinabing Yu-Es-Ey, totyal ang dating. Kaya parang hindi sila trabahador. In fact, they are treated more like gods and
goddesses pag nandito sila. “Oh I work
in Cedars Sinai hospital.” O kaya “My
office is in One Rockefeller Plaza.” O di ba.
Nganga ka lang na parang bathala ang kausap mo.
Eh kaming mga taga-Middle East,
particularly sa Saudi? Parang... wala lang.
“Oh, so you work in Saudi?” sabi nga ng ilang sosyalerang na-meet ko
dati. Nakangiti nga sa yo pero alam mong
may tumatakbong something sa isip. Contempt
most probably one of them.
Pag sa Middle East ka kasi
nagta-trabaho, lalo na sa Saudi, aminin man natin o hindi, walang katotyalan na
pag-uusapan. Ang pinag-uusapan lang, ang
kikitaing dolyares. Ang mga
eskandalosong gold necklace at makabulag-sa-laking singsing na suot ni Kabayan
pag umuuwi ng Pinas. Yon lang. Other than that, ibang usapan pag buhay-Saudi
ang kakaririn mo.
Common knowledge na kasi ang
sakripisyong kailangan mong gawin kung doon ang punta mo. The moment na nag-decide kang pumunta doon,
kailangan mag-prepare ka ng matindi, mag-transform sa maraming bagay and in the
end, become nothing short of a super hero.
Kaya nga siguro naimbento yang Bagong Bayani chuchu na yan eh. Dahil kailangang mala-super hero ka pag
ginusto mong maging Saudi boy o girl.
First, dapat mag-tanggal ka ng
mga earthly pleasures na nakasanayan mo.
Di ba ang super hero walang bisyo?
Superman, Batman and Spidey never had a bottle of vodka on their
hand. Hindi rin sila nakikita sa
saklaan, tong-itan o sa San Lazaro.
Lalong hindi sila womanizer dahil laging isa-isa lang ang leading lady
nila. At lalong hindi sila inuumaga sa mga bar at kung saan-saang hang-outs na
marami dito sa atin.
Ganon din pag nag-Saudi ka. Kalimutan mo muna ang kinababaliwan mong
Empraning o Red Horse. Alam mo namang bawal
kaya wag mo nang gawin. Wag mo na rin
ipagpatuloy ang karir mo as kabo ng weteng.
At kalimutan mo muna kung tirador ka ng mga bebot sa lugar nyo. Dahil kung hindi mo aalisin ang mga bisyong
yan, mas malamang kesa hindi, dagdag problema ka sa POEA at OWWA pag
nagkataon. Dami na nilang
pino-problemang kabayan natin na naka-kulong dahil hindi napigilan ang pagiging
pasaway.
In short, alam mong maraming
bawal sa pupuntahan mo, paghandaan at sikapin mong igalang ang mga rules
nila. If you’re not ready to do that,
wag ka na lang umalis. Baka hindi ka pa
nakakabayad ng ginamit mong placement fee, napauwi ka na ng Pinas. May dala ka pang posas na remembrance.
Dapat physically prepared ka
rin. Something like Superman na wala
lang kahit dilaan ng solar flares o mapunta sa ice caves.
Anong nirereklamo mo sa 37
degrees na init ng Metro Manila? Kung
mason o pipe fitter ka at pupunta ka ng Saudi, humanda ka na sa 50 degrees ng
init na titiisin mo araw-araw. Pugon
kung pugon ang labanan doon specially if you’re in the Riyadh/Central area
where it is always hottest in summer.
Pagdating naman ng winter, adjust naman ang body systems mo sa near-zero
temperature. Masanay ka nang nanginginig
ang baba mo, ang bilbil at lahat ng pwedeng manginig sa katawan mo. Uurong pati
tutsang mo sa sobrang lamig.
Pero ang summer, madaling
remedyuhan sa aircon ng kwarto o sasakyan. Ang winter, madaling kalabanin
through several long johns, jackets at patong-patong na suot. Ang pinaka-natatakot ako, pag nagsa-sand
storm ng ilang araw. Dumidilim ang buong
paligid, malakas ang hangin at ang lumilipad na dala ng hangin ay buhangin
(hmmm... nice rhyme). Yong tipong kahit
nasa loob ka ng kwarto mo, magugulat ka na may buhangin sa loob ng bibig
mo. Ibig sabihin, hindi na basta hangin
lang ang nasisinghot ng respiratory system mo.
Dapat mentally tough ka rin. Kung ano man ang galing na dala mo pag-alis
mo ng Pinas, be ready to be tried, tested and sometimes bended pag nandoon ka
na. Ibang-iba kasi pag na-expose ka na
sa international workforce. Kung sanay
ka dito na petek-petek ka lang sa trabaho dahil akala mo magaling ka, wait till
some Western boss challenge your skills.
You might be the top of your batch in TESDA. O La Salle grad ka. But don’t stop there dahil marami ka pang
matutunan na mas bago, advance at tama pag exposed ka na sa trabaho ng ibang
lahi.
But of course kilala naman tayong
mga Pinoy na magagaling sa trabaho. Kaya
nga mataas pa rin ang demand sa atin.
What I’m saying is, your mental and intellectual capacity will be
assaulted in many ways and in many occasions.
At ang best na panglaban doon is for you to be open to new things, ideas
and concepts. One-track mind will not do
you any good.
Of course hindi lang sa mismong
trabaho may matututunan ka. Pati sa
people skills mo kailangang ihanda mo rin.
Matuto kang mag-pasensya, umunawa at gumamit ng sangkatutak na
dipolomasya kapag ibang lahi na ang katrabaho mo.
I’ve always had the shortest
temper. Kaya isa sa pinagmamalaki ko ay ang
fact na wala akong nasapak na tao sa dinami-dami ng taon na nandoon ako. Although maraming pagkakataon na
muntik-muntikan nang umigkas ang kamay ko, in the end, talas na lang ng dila
ang ginamit ko. At least walang
nakukulong for lashing out on somebody.
Malaking achievement yon para sa akin hahaha!
And now, ang
pinaka-importante: wag kang emo! Kung gusto mo talagang mag-Saudi, umpisahan
mo nang haluan ng bato, better yet, bakal ang puso mo. Hiram ka kaya ng kryptonite kay Superman. Dahil
kung lelembot-lembot ang dibdib mo, wag ka nang umalis.
You need not just to be
physically and mentally strong. Dapat,
emotionally (and psychologically na rin) matigas ka. Meron bang superhero na iyakin? Baka konting miss mo lang sa asawa mo o syota
mo, nag-ngangawa ka na. Baka konting
miss mo lang sa Nanay mo, nagsisigaw ka nang ‘uwi na akoooo’.
Being away from your family is
tough. Kung sanay ka sa Pinas na pag-uwi
ng bahay, nakakalimutan ang stress sa trabaho dahil nandyan ang pamilya mo as
your support system, walang ganon sa Saudi.
Buryong ka sa trabaho, uuwi ka ng bahay mo pero walang pamilya doon to
distress you.
Although marami na ngayon ang
naga-grant ng family status pero marami pa rin sa mga Kabayan natin doon ang
hindi ganon ka-swerte. All by myself pa
rin ang drama nila. And the best you can
do is hang out with your flatmates, housemates and friends. Na ang kinakauwian kadalasan ay inuman at
videoke. Ayan na ang umpisa ng problema!
Aside from that, dapat para ka
ring si Superman o Spidey na laging nakataas ang warning systems. Matalas ang pakiramdam sa mga danger. Beware of things and situations na maaring
ikapahamak mo. Better yet, iwasan mo na
lang na malagay sa mga sitwasyon na medyo mapanganib. Wag ng gumala mag-isa kung disoras ng
gabi. Wala ka sa Roxas Boulevard para
mamasyal at magpa-hangin. Rape? Holdap?
Bugbog? Meron ding mga ganyang
kaso doon. So iwas ka na lang.
So ano, gusto mong mag-Saudi para
malaki ang kita? Hindi sa
dini-discourage kita. Pero
pinapa-alalahanan lang kita na pag pumunta ka doon, live up to the tag
“hero”. Dahil hindi ka lang hero sa
ekonomiya ng Pinas. Dapat mala-super
hero ka rin mismo sa sarili mo para tumagal doon at ma-achieve kung ano man ang
goal na sinet mo para sa iyong sarili.
Being an OFW in Saudi is not a
joke, it is a reality show (ay Alabang housewives ng Amazing Race yan
hahaha). Isang reality na mahirap,
masakripisyo at minsan madugo. Na hindi
lahat ng gustong mag-Saudi ay kinakaya.
At doon sa mga Kabayan nating nagiging successful sa pagiging OFW sa
Saudi, they do deserve the tag Bagong Bayani. Dahil talagang mala-super hero
sila sa ginagawa nilang pagsisikap at pagsasakripisyo.
No comments:
Post a Comment