18 months nang...
1.
Wala nang tatlong alarm clocks na nanggigising sa umaga na lahat naman ay
ini-snooze din saka hihirit pa ng tulog kaya laging last minute kung bumangon
2.
Hindi nagmamadaling mag-shower, mag-bihis at
tatakbo sa bus stop para hindi maiwan ng service. Sa kakamadali may sinturerang
hindi nasuotan ang belt.
3.
Wala nang good morning how are you fine thank
you na ilang libong beses nang kumulili sa tenga.
4.
Walang libreng kape, coffeemate at tsaa sa
pantry.
5.
Wala nang sangkatutak na meeting na kailangang
atenan kahit pa hate ang ka-meeting. Kunyari nakikinig pero iniisip kung ano ang
magandang ipainom sa kanya – dora o
silver cleaner.
6.
Hindi na trabaho ang kinukutkot sa computer,
games na lang, fesbuk, blog at kung ano-ano pa
7.
Walang deadlines, schedule, objectives,
evaluations, presentations at ang pinaka-da bes... walang pressure
8.
Walang nakaka-high blood na email o tawag sa
telepono na sinasagot ng mas nakaka-high blood na email o talak sa phone.
9.
Hindi nagtatago sa CR para umidlip dahil antok
na antok kahit 9 am pa lang
10.
Hindi nagtitiis sa pagkain sa cafeteria during
lunch na bangla o itik ang nagluto
11.
Hindi natutulog after lunch ng nakasubsob sa
office table at magigising dahil naririnig ang sarili na naghihilik
12.
Hindi na tingin ng tingin sa oras, halos
tuktukan ang relo para bumilis ang takbo at mag-alas kuwatro na at maka-uwi
13.
Walang pa-sosyal na dinners sa steakhouse at
pa-sosyal na macchiato na hindi talaga inuubos para mabitbit sa labas at makita
ng mga utaw na sa Starbucks nag-kape
14.
Wala nang plis sadik dagika sa tinderong
nagsasara na ng kanyang shop dahil sumisigaw na ang salla
15.
Hindi na napapaso ng 45 degrees na init or nagdudoble-doble
ng jacket para hindi manginig ang baba sa sobrang lamig
16.
Hindi na natatakot bumirit sa videoke dahil wala
ng mutawang kakatok sa pinto
17.
Hindi na nagtsa-chat na biglang imi-minimize pag
lumapit ang boss at magkukuwaring bising-bisi sa trabaho
18.
At... wala nang sweldong dumadapo sa kamay.
18 months nang tahimik at masaya ang buhay!
No comments:
Post a Comment