Wednesday, July 27, 2011

walang katapusang babay

In just 24 hours, maiiba ang paligid ko.  Maiiba na ang mundo ko.  At mawawala na sa paningin ko ang mga addikz (buti naman? hehehe).  Not a good prospect but that is one thing I have to bear dahil sa ginawa kong decision.  I’m sure mami-miss ko ang grupo.  No doubt about that.  Ang maganda, I’ll take home with me a thousand and one beautiful memories with you guys.  Not to mention the ten thousand pieces na yata ng pictures ng walang-sawa at walang-katapusang gimik at bonding moments natin.
.
Yesterday, I’ve distributed something where I’ve written a short message to each and every one of you.  Dito ko itotodo yong longer version. My farewell message to you, the one and only addikz group. Here goes…
Ren – I’m gonna miss your deep analysis of situations as well as your commentaries that are usually  politically correct.  Para na ring may lawyer ang mga adik pag ikaw ang nagsalita. Good thing mukhang namana ni bunso ang iyong philosophical thinking. Kaya pag sya ay naging lawyer, it’s just a continuation of the dream you’ve put on hold.  Si kuya naman, I just wish na hind matuluyang maging wrestler.  Masisira ang kapogian.  As for Shiela,  I just wish you’d continue to love and cherish her.  For she’s truly a wonderful lady.  Kaya you’re lucky to have her as your partner sa pagbuo ng isang perfect family. Sila ang precious blessings mo sa buhay so do take good care of them always.  At ikaw?  Sana hindi magbago ang pagiging good provider mo sa iyong family.  At pagiging isang mabuti at ulirang pangulo ng Citrus gang.  Wag lang uulitin na mag-drive ng 2am sa khobar at magpi-peace sign ha! But you can do that shower scene again.  Anytime! Hahaha!
Ega – I hope you never cease to be the exciting person that you are.  Na pinapakinabangan ng mga adiks lalo na pagdating sa mga impromptu na lakwatsa.  Yong mga hirit na ‘saan tayo mamaya’ tapos walang kaabog-abog eh gimik na ang kalalabasan.  It doesn’t only show your love of fun but it also shows your adventurous nature.  It is your free spirit, love of life and how to enjoy it that makes you one truly interesting person.  At syempre ang super intelligence that can solve a sudoko puzzle in record time!  Matalino.  Gimikero.  Mabait.  Sumpaero (ahahhaha... peace my fwend!).  At syempre maaasahan sa lahat ng oras coz you’ve got a big heart and an even bigger bank balance!  Ang wish ko sa yo, sana matagal mo pang ma-enjoy ang company ni Mamoo.  Coz that’s something na hindi na namin magawa ni Raoul.  Nakikita naman namin how you’re loving your Mom to the max right now.  So just enjoy those days.  Saka mo na isipin kung kelan mo bibigyan ng Ninang si Sofie!
Matt –sharing movies na dini-L mo lang naman sa mga free sites is just an example of how selfless a person you are.  Ikaw yong kahit personal comfort mo ay isa-sacrifice mo para lang sa kaibigan.  I’m lucky to have spent most of the lakwatsa time with you.  Kung tama ang nakita ko lately, I think naintidihan mo na ang personality ko. nakita mo kung anong klase akong kaibigan.  Kabarkada.  Kachikahan.  Katropa.  Kasangga.  Nasakyan mo na kung ano ako at kung ano ang hindi ako.  And I hope you’ve finally realized na magaling akong co-pilot dahil meron akong sense of direction para ka na ring may GPS.  And most importantly, hindi ka aantukin sa gitna ng madilim na highway dahil sa kadaldalan ko.  I’m gonna miss those long drives, mash-up music and kwentuhan about the family. I’m looking forward to meeting them soon!
Wing – I’ll forever remember you as one cool guy dahil, most of the time tahimik at pangiti-ngiti lang.  Sa pagiging mainitin ng ulo ko, kailangan ko ng mga kaibigang tulad mo! hahaha…  What’s exciting is that meron kaming inaabangan sa iyo kahit ganyan ka ka-cool.  Ang mga one-liner mong very witty and right on cue.  God bless din sa family mo – a lovely and lively wife na tamang-tamang pang-balanse ng coolness mo.  And of course to your two boys  na lumalaking cool din because of your guidance and discipline.  I’m gonna miss them lalo na si bunso – jaaaa!!!.  God Bless sa iyo at sa iyong pamilya.  Hope to see you all in the future.
Jun – hindi kumpleto ang adiks pag wala ka.  Dahil ang ingay mo ang isa sa mga defining characteristics ng grupo.  Ang mga joke mo na sinusundan mo ng hagalpak ng tawa.  Kaya pag wala ka, madali kang ma-miss.  We’re also lucky to have met your family – Linds, Berlin and Bitoy.  At saludo ako say o dahil nakita ko mismo kung anong relationship meron ka sa iyong pamilya.  Lalo na sa iyong mga anak.  As a husband, a father and a provider, sana marami pang daddy ang matulad sa yo.  Di ka lang sa chess magaling. Pati sa parenting din!
Maccoy  You’re one of the easiest going persons I’ve ever met.  Kaya sa lakwatsa, gathering, bonding moments, walang hirap kausap, go kung go.  Palibhasa you’re also one who knows how to enjoy life.  And that sunny outlook in life shows hindi lang sa yo kungdi pati kay Kumare.  The lovely Pops who’s one of the sweetest and fun-loving persons na na-meet ko.  What’s best, nagkataong pareho tayo ng hilig -  ang kumain! Kaya swak na swak tayo mula SK hanggang Fusion.  I hope si Kuya Alec ay maging isang mabait at proud na Kuya sa isang bubbly, healthy and super cute na bunso.  And I’m looking forward na makarga si bunso pag-uwi nyo ng Pinas.  Sa closeness na pinakita nyo sa akin, I’m damn proud to say na talagang myembro ako ng pamilyang ito.  Kahit invisible yong picture ko sa family iqama!
Ricky – Tandaan mo na sa akin mo unang narinig na ang panganay mo ay magiging isang beauty queen.  Hindi na pagdududahan dahil lumalaki syang maganda at very personable.  Manang-mana sa dunkin at ninong! Pero kanino ba naman kukuha ng genes kundi sa tatay na Tisoy at sa nanay na ma-PR.  Kung meron akong regret sa pag-alis ko, isa na don yong hindi ko makikita ang pagdating ng second baby na ka-birthday ko pa yata.  Nevertheless, I wish your whole family more blessings and happiness.  With that I pray for smoother, happier and better days ahead for you and your family.  May the Lord always guide you and Weng sa pagtahak (laliiiimmm!) ng mas malalim pang relasyon bilang mag-asawa!
John – isa ka sa mga newest addition to the ever-growing addikz.   Pero magaan ka kasing kasama kaya madali ka ring maka-gel sa grupo.  My wish for you is that may you have more success in your career.  At hindi mo man napapansin, you are luckier than most of us who has to contend with one workstation in one place all day, all the time.  At least ikaw mukhang maiikot mo ang buong KSA.  And that, my friend, is one bonus you should be enjoying.  Sarap kaya mag-travel sinu-swelduhan ka pa!
Tito B – hindi kita nabigyan nong award dahil wala akong maisip na sabihin (sa true lang po kinulang ang frame... nagkamali ako ng bilang....hehehe).  At kahit dito, simple lang at wala akong longer version.  Basta eto na lang: sana maraming tilaok pa ang marinig namin sa yo! Hehehee… seriously, sana maging maganda ang bago mong career.  At more tagay pa to come!
Marco – thanks for making DS a part of your thinking.  At salamat sa pag-value sa mga bagay-bagay na naririnig mo sa akin.  You’re one good example na kahit bata pa (may mago-object hehhee), basta gustong mag-seryoso sa buhay, kayang gawin.  And you should be proud of yourself dahil kaya mong gawin yan for the sake of your family.  And your jokes? Kahit corny most of the time, ituloy mo lang.  Coz that love for laughter can make a lot of difference lalo na sa buhay-Saudi.

 Yeng – your singing is something the adikz are proud of.  Ikaw yong tipong pag gumimik sa labas at nagka-hamunan ng kantahan, ikaw ang magiging frontliner ng grupo. At siguradong hindi mo kami ipapahiya.  Wala pa akong nakitang minasaker ang kantang Reasons ng ganon-ganon lang.  Ikaw pa lang.  Aside from that, maraming nakinabang sa iyong mga inspirational stories.  Most importantly, thank you for being our consultant for anything tungkol sa mga bahay-bahayan namin! I’ve got only one wish for you – makita sana kita sa PGT or Talentadong Pinoy na bumabanat ng Journey.  I’m sure sisigaw si Kris ng “I like you na!”.
Tserman – there may be times when your patience is stretched to the limit dahil sa kakulitan ng mga adiks.  Pero alam kong na-appreciate mo ang kakulitan ding yan ang nagpapasaya at nagiging bonding factor na daig pa ang super glue.  Hope you’ll continue to understand and support the adiks, stay as their moral mtrcb dahil pag wala ka, naku umaapaw ang kalokohan!.  On a personal note, thank you for all the support na binibigay mo sa lahat ng oras.  Even up to the point of risking your impartial reputation, you’re doing it for friends. The adiks are really lucky to have you on our side. As a person, sana the good Lord will bless you more with happiness, good health and lots more of gadgets na pag napag-sawaan mo na eh ibebenta mo ng palugi sa mga friends.  You’re really a blessing to us my dear friend!

Romy  - alalaun baga’y hindi pa nagtatagal ang ating pagtatalamitam.  Subalit ang kabunyian ng pagkakaibigan ay agad na pinanaday ng tunay na pagsasamahan.  Isang busilak na pasasalamat sa iyo ka Romy.  Nawa’y biyayaan ka ng Maykapal ng mga bagay na iyong hinihiling sa iyong mga marubdob na panalangin.
.
Thank you my dear addikz.  It’s time to say goodbye.  It really is a GOOD bye.  Dahil nadagdag kayo sa maikling listahan ko ng mga totoong FRIENDS.

(thanks po sa mga profile pic na hinagilap ko! and to the owners of the other pics)

2 comments:

°eGa° said...

...naiiyak ako....yun lang!
now pa lang nagsi-sink in ang mga pangyayari...pero alam namin na hindi naman ito katapusan. kaya magkikita pa tau...
sumpaero pala huh! hehehe
Godbless!

Dante said...

hahaha.. in-edit ko... baka bigla akong maisumpa! hehhee