Tatlong araw nang dire-diretso ang humidity. Masakit sa balat ang init at konting lakad mo lang sa labas, timba-timba ang ipapawis mo. Kaya hindi ako makapag-ikot sa jubail para sa mga iba ko pang kailangang i-prepare. The heat is almost suffocating. Pero wag ka, nakakatawang isipin na from this extreme heat, in less than 3 weeks, puro ulan naman ang mararanasan ko. Pero don excited na ako. Ang sarap kayang matulog na naririnig mo ang tikatik ng ulan. Kaya lang, sana walang bagyo pag-touch down ng eroplano sa NAIA. Katakot kasi pag ganon. At sana walang tv crew na magi-iinterview kung nasampolan ba ako ng Saudization tulad nong mga naka-headline nitong last two days. Naku eh baka sila ang masampolan ko ng blue flame. Kahiya yon, on national tv pa pag nagkataon. Ito kasing mga news reporter sa atin, pinatulan ng pinatulan ang mga feed ng Migrante. Basta may maibalita lang. Hindi nagbe-verify. Ayan ang dami tuloy mga kabayan na ayaw mag-bakasyon dahil natatakot na matatakan ng exit ang passport nila. Eh pano ka aalis ng Saudi kung hindi ka mage-exit? Ano yon kahit umalis ka entry pa rin ang ilalagay? Ewan ko sa inyo. Sabi nga ng kasabihan, ang mga naniniwala sa sabi-sabi, mahilig magbasa ng pinagbalutan ng tuyo. Tuyo! Ang masarap na tuyo! Hmmm…. Isa yan sa mga uunahin kong lantakan pagdating sa bahay. Pati ang laing. At ginataang puso ng saging. Syempre in between adobong baboy, pritong porkchop at sinigang na baboy na maraming taba! Yummm… naka-taas pa ang paa habang kumakain at nanonood ng balita ni Mike at Mel. Ayaw ko kay Kabayan. Pang-kapre at mga multo lang daw sya sabi ni Raoul. Di na kasi maganda ang news buhat nong nawala si Maria Ressa (wala na pala sya sa 2? – Ren). Sabagay ano nga bang magandang ibabalita mo sa mga Pinoy. Puro mga expose na naman ni Lacson na wala naman nangyayari. At mga plunder cases daw ni Gloria. Sus, kasuhan nyo ng kasuhan at ikulong kung ikukulong. Ang hirap kasi puro katsang tapos after a while nakalimutan na. Walang nangyari. Nag-move on sa mas mainit na topic. Masyadong mabilis mag-move on di tulad namin ng mga kaibigan kong sosyalayts. Pag ako nainis sa inyo manghihingi din ako ng birthday gift kay Madam. Gusto ko, Nissan Armada. Birthday ko lang kasi. Pero di naman ako Obispo o pari huh. Kaya nga pro-RH bill ako noh. Hindi tayo aasenso pag puro paurong ang mga takbo ng kukote natin. Dapat isabay natin sa panahon ang mga batas natin. Para hindi na dumami ang populasyon na wala naman kayong maipakain kungdi mga feeding program na ginagawa nyo lang pag may tv camera na nakatutok. Buti na lang si Andi kahit bata pa may ipapakain sa magiging anak nya. Eh pano kung wala. Di dagdag na naman sa mga batang nanglilimahid sa kalsada, nanghihingi ng limos. Parang palimos ng pag-ibig ni Obama sa mga Senator nya na super ang pambabarang ginagawa sa kanyang deficit reduction proposal. Eh kasi naman itong si Uncle Sam, aid ng aid sa mga countries left and right eh yon pala ang budget deficit nila eh trilyon-trilyon na! Nangelam ng nangelam sa mga kapitbahay, ang sarili pala nyang bahay wala nang bigas na maisaing! Miyon-milyon mamigay ng pera yon pala ang pondo nila kapos na rin. Trillions! Hindi ko na yata alam kung gaano kadaming zero at comma ang magagamit ko pag sinulat ko yon huh. Eh bakit ang Pinas, gaganyan-ganyan pero ang economic growth daw maganda during the first half of 2011! Tama bang narinig ko na 7% daw yong economic growth natin? Galing huh. Oh, wag nyo sabihing walang nagawa si PNoy no! Yayaman na tyao. Lalo pa pag nabuklat ang bilyong bariles daw ng oil deposit na nandon sa pinag-aagawang Spratlys. Yon eh kung hindi mang-eepal ang China at pilit aagawin yon. Porke teritoryo daw nila pero tingnan mo sa mapa super layo na sa kanila. Kung proximity ang pag-uusapan, bakit hindi muna nila angkinin ang Batanes bago nila angkinin ang Spratlys Islands. Buti na lang kumita ang Temptation Island. Kung hindi si Marian ang masisisi. Eh maganda pa naman daw ang Amaya. Panonoorin ko nga rin yan. Para malaman ko kung ano yong babaylan. Sabi kasi ni Ega may pagka-babaylan daw ako. Kasi may napo-foresee ako sa mga adiks… nong kasing isang araw @%8blaifoj2-02urt09u;fjoao…. Ay na-virus yata flaptaf ko! %iojooa8dsh4 $#459kjszlo gldo ^4949 a! Bwahahahaaaa…. – D!
1 comment:
natawa ako sa dulo!....hehehhe
at sino si yinxue??? hehehe
Post a Comment