Tuesday, June 7, 2011

si bruce lee at si juan peklat

A few days ago may nagbakbakan sa cafeteria namin.  Isang Pinoy versus 3 itik (sa mga hindi nakaka-alam, Itik ang tawag ng mga Pinoy sa mga Indiano).  Nagkapikunan sa trabaho.  Ang ending, nalipat si kabayan ng assignment.  Pero dinig ko, napahanga ang ilan dahil nga nag-iisa sya.  Naging biruan pa nga raw na may pagka-Bruce Lee pala si kabayan dahil hindi niya inurungan yong tatlo.
.
Kahapon naman, nagkukuwento ang isang kaibigan na ang isang office mate nyang kabayan din, inaway daw ng among itik.  Nadisgrasyang maitulak ng among itik si kabayan, nauntog ang ulo at dumugo. 
Two different situations.  Two different stories.  Pero ang mga karakter, iisa – pinoy vs itik. 

Marami na rin akong na-encounter na mga itik na nagpakulo ng dugo ko.  Fortunately, wala pa naman akong eksena na nag-ala Bruce Lee ako.  Pero yong pinaka-unforgettable, pang-drama anthology pa rin.

It happened back in ’88 (naku dami na naman magre-reak nito!).  Kararating ko pa lang ng Saudi.  I was a contractor then, na-assign sa isang malaking kumpanya sa industrial city.  May kasabay akong 2 pa na kabayan din from the same contracting company, sa iisang office kami napadpad.
Ang dinatnan namin sa office na yon, isang kabayan na direct hire (again, sa mga hindi nakaka-alam, sila yong employees hired directly by the company as opposed to an employee hired through a  contractor na tulad namin) at dalawang itik na contractors din pero ibang company ang sponsor.
Si kabayan (san na kaya tong si Tatay Ben), tahimik lang at cool.  Bising-bisi sa trabaho.  Kaya ang isang itik ang na-assign na mag-orient sa akin. He was a kind fella (Francis where ever you are, I owe you a lot).  I have to emphasize that part to put things in perspective – hindi hate blog ito against mga itik.  Nagkukwento lang ng mga encounter natin sa kanila.  Para malinaw lang. 

Pero kung mabait yong isa, yong isa feeling bossing.  Mayabang.  Arogante.  Let’s call him JP for Juan Peklat.  John talaga ang first name nya at ang apelyido ay malapit na sa Peklat.  But I’ll tell you about the Peklat later.

Hindi pa yata ako nakaka-tapos ng 3 months proby when one day, nag-ligalig si Peklat. May hinahanap na dokumento.  Tinanong ang isang kasabay ko.  Sinunod yong isa.  Saka lumapit sa mesa ko, asking the same question. 

“Wala sa akin yan” sabi ko.  “At hindi ko nakikita ang dokumentong sinasabi mo.”

So akala ko tapos na ang eksena.  I went out (nag-CR yata ako o kumuha ng print-out, whatever) pero pagbalik ko, nandon si Peklat sa workstation ko.  Naghahalungkat ng mga papel sa mesa ko.  Boiling point agad ang high blood ko!

“What do you think you’re doing?”

“I’m looking for that document” sagot ng impakto sa akin.  Kaswal na kaswal.  Parang wala syang keber kung maghalungkat sya don. He thinks he owns the place kaya gagawin nya ang gusto nyang gawin.

“Di ba sabi ko sa yo wala dyan” syempre ingles yong dialog ko…

"I don't believe you"  ang sagot ng impakto sa akin.  At dinagdagan pa ng “I don’t trust you”.

Eh di sumabog ang dapat sumabog.

Hindi ko matandaan kung ano ang mga eksaktong words na binuga ko sa kanya.  Basta ang alam ko 5 octaves higher ang boses ko kaya nagsilipan yong mga Bisor na nasa adjacent room namin.  Ang hindi ko lang makalimutan ay yong closing remarks ko na pang-teleserye…

“Don’t treat us like a bunch of idiots” (para sa 2 kong kasama) “I’ll show you that Filipinos work better than you do (at para sa lahat ng mga Pinoy).

Binalingan ko pa ang dalawang kasama ko…  “huwag nga kayong papayag na tinataran**do nitong ga**ng to”. (oh, Noel and Danny, sa totoong buhay lang to di ba).

Natulala si Peklat.  Hindi nya siguro ine-expect na sa liit kong yon, at sa bata kong yon eh papalag ako ng ganon.  Well, hindi siguro nya alam that dynamite comes in small package.  Hindi rin siguro nya alam na 23 yo pa lang ako pero 130/90 na ang BP ko na hinilot ko lang sa clinic na nag-medical sa akin para ipasa ako.  At lalong hindi nya alam na lahing dragon ako kaya nabugahan sya ng fireball ng wala sa oras!

Up until this day, wala akong kahit na katiting na doubt or worry sa ginawa kong yon.  Siguro dahil nga bata pa ako, hindi ko inisip na pwedeng lumala yong sitwasyon at mapa-uwi ako.  Basta ang alam ko I have to stand my ground.  Kahit pa sabihing nagbabayad pa ako ng inutang kong pang-placement fee.

Basta hindi ako papayag na i-violate ng ganon.  Wala akong maling ginawa.  And I wouldn’t allow anybody to strip me of my dignity ng ganon-ganon lang.  Kaya kahit anong mangyari, all I know is that I did the right thing for myself, para sa 2 kasamahan ko at para sa iba pang Pinoy na pwedeng abusuhin nitong Peklat na ito.  Well it turned out that I did the right thing.  

In fact, validation came early.  Dahil as soon as I reached my first year don sa office, inumpisahan na ng boss ko na ilatag yong pagdi-direct hire sa akin.  Which is a big deal nong mga panahong yon dahil wala pa raw nangyaring ganon. (I had to highlight the ‘raw’ dahil hindi ko nga alam kung gaano katotoo).  In short, precedent daw ang nangyari sa akin (sa amin actually dahil 2 kaming sabay na ginawan ng ganitong proseso – the other one is still very much alive and kicking na ka-FB ko pa – hi there Verns!).  In fact one doubting Thomas ang nag-linyang ipapaputol daw nya ang daliri nya pag natuloy yong DH namin.  Eh natuloy nga.  Pero yong putulan ng daliri wala lang… jowk! Hahahaa.  (please Buboy wag mo akong multuhin haaa)

And so my hardwork paid off.  Pinanindigan ko yong sinabi kong Filipinos work better.  At nasabi kong validation ito dahil si Peklat, nong matapos ang kontrata, hindi na ni-renew.  My boss might be an old man but he is wise enough to know that Peklat is a poser.  Nagkukunwari lang na busy at nagta-trabaho pag nandyan ang amo.  Pag wala, nakataas ang paa habang nagtsa-tsaa at at nakababad sa telepono with his friends.
.
With his air of superiority and arrogance, alam ko na nag-iwan ng peklat sa pride nya ang nangyari (so malinaw na why I call him Peklat?).  Hindi ko lang alam kung natuto sya sa nangyaring bugahan portion na yon.  Pero kung hindi man at ginawa nya ulit sa ibang Pinoy ang ginawa nya sa akin, I’m sure madadagdagan pa ang peklat nya. Dahil marami pa syang mae-encounter na Pinoy na bumubuga ng apoy (my friends Raoul and Edgar included! hahaha).  At laking malas nya kung si Bruce Lee pa ang masagupa nya!

2 comments:

°eGa° said...

bakit nakasali ako, ang bait bait ko kaya sa knila...hehehhee...
il do the same thing kung ako rin ang nasa lugar mo, i did that already to so many itiks here...kaya notorious ako sa knila d2 s ofc. hehehe

hapi said...

Hi Dante, Nice blog! How to add the Glitter Effect Mouse Pointer to your Blog