I met an old acquaintance (buti na lang hindi friend) the other day. Kamustahan… kamustahan…. pero in less than a minute na usapan namin, I decided that it’s better to leave him alone na lang. Or else baka mapaslang ko lang ng hindi oras.
Akalain mong sa napaka-iksing oras ng usapan na yon, dalawang beses nya akong tinanong kung saan ako nagwo-work. At hindi lang yon, dalawang beses din nyang inulit kung ano ang work ko. Both questions repeated in just a space of few exchanges of lines.
Malaking kalokohan na nag-uusap kayo, malinaw na malinaw ang usapan, Face to Face ni Amy Perez, and yet uulitin mo ng dalawang beses ang dalawang tanong sa akin. Either you’re not listening or not really interested with the conversation. Kaya lalayasan na lang kita kesa makapanakit pa ako ng tao!
Pag-uwi ko ng bahay, sa FB chat, may isang kamag-anak ng kamag-anak ko (buti na lang hindi directly related) ang nagtatanong tungkol sa visa papunta sa isang European country. Porke kukunin daw sya ng kuya nya. Ang unang tanong ko – legal ba o illegal. And with that question I’m sure alam nyo ang ibig kong sabihin.
Kung legal, may working visa na ii-issue sa kanya. So dapat wala syang problema. Kung illegal, tourist ang pasok nya and she has to produce all the ‘cooked and baked’ documents para maka-apply ng visa. Eh bakit daw kailangan nyang mag-fake ng mga papeles eh meron naman daw syang totoong dokumento.
Aba eh di dalhin mo kako yan sa embassy at tingnan mo kung mabibigyan ka ng visa! Ay bibigyan naman po ako ng visa kasi Italian citizen na si kuya! Eh ganon pala eh ano’ng problema mo’t inaaksaya mo ang oras kooo??? Muntik ko nang maibato ang laptop ko sa bintana! (sa citizenship part at sa inis).
Just yesterday I was in a meeting (trabaho na to) at may ini-esplika ako sa isang grupo ng mga inhinyero tungkol sa trabaho. Isang simpleng idea ng hierarchy. Pero inabot ako ng mahigit isang oras sa pagpapaliwanag ng konsepto. Sabi ko nga sa mga kaibigan ko, either magulo akong mag-explain (which I doubt) or talaga lang hindi ako maintindihan ng mga hinayupak at kailangan ko pang i-esplika sa urdu, malayalam o hindi ang pinag-uusapan.
In all the cases above, napaisip tuloy ako. Was it really me? Nag-deteriorate na ba ang aking communication skills? If it did, I’d be damned. Dahil isa yon sa mga kino-consider kong personal strengths. A skill that I honed for so many years. Tapos di na effective?
Magagalit ang isa sa mga ini-idolo kong boss who taught me that good communication includes the ability to talk to a janitor up to a company CEO. Meaning – any level, any strata, any form, any color, size and shape ng kausap mo, if you can come across, be heard and understood, is the sign of an effective communicator.
But in the three instances I mentioned above, bakit parang mga deaf and blind ang kausap ko. Na parang alien language ang ginamit ko at hindi ako maintindihan.
But after all the unwarranted introspection, naisip ko… hindi nga siguro ako ang may problema. Sila. Sila ang either bingi, may sariling mundo at agaw-autism. Kaya unfair na i-blame ko ang sarili ko at kwestyunin ang aking communication skills. Afterall, a tree or a wall can be good barriers but can never be good listeners!
No comments:
Post a Comment