While checking in at the airline counter last week pauwi ng Pinas, may nakasabay akong isang Kabayan na sa tingin ko ay nasa past 50 na ang edad. Then napansin ko na may kasama syang little boy na mukhang 5 years old. Naisip ko apo. O baka naman kako anak na bunso.
Since pareho kami ng flight, nakita ko ulit si Manong sa departure lounge. This time, kasama na ang buong pamilya. Mukhang anak nga ang little boy. Kasama ang isang little girl pa na siguro mga 3 years old. At ang babaeng kasama na obviously ay misis, definitely looks a good 20 years younger than him.
What’s the big deal? Sa una wala. Hindi naman bago yong sitwasyon nila. Libo or milyon naman siguro ang kaso na tulad nilang mas matanda ng di hamak si mister kay misis. But Manong reminds me of one colleague na alam na alam ko ang istorya. Lolo na talaga sya dahil bago pa sya mag-abroad ay meron na syang mga apo. Pero pag nakita mo sya ngayon, ang misis nya ay parang anak nya lang. Same situation nitong kasabay ko sa flight.
Kaya tumakbo na naman ang utak kong walang magawa habang naghihintay ng tawag ng boarding for the flight. Kung hindi kayo pareho ng sitwasyon ng kakilala ko, sorry Manong. Hindi na kita idadamay dito sa sinasabi ko. But you provided a springboard para makabuo na naman ako ng isang mahaba-habang blog.
Kung OFW ka sa Saudi (at syempre sa ibang bansa din), you would agree with me na maraming kaso na ng ganyan. In fact, it’s one of the risks families of overseas workers are facing. Yong masira ang pamilya dahil si mister na nag-aabroad, nakakita ng ibang babae. And decided to start another family. Kaya ang original na pamilya sa Pinas, naiwang devastated. Sa pamilya ko mismo, merong mga kasong ganyan. Meron akong isang pinsan na iniwan ng mister dahil may nakilalang babae sa Saudi. Lately, ito namang isang pamangkin ko.
The stories run along a single pattern. Matagal hindi umuuwi si mister. Porke ayaw pauwiin ng employer. Porke hindi pinapasweldo. Porke walang pamasahe. Noong una, regularly nagpapadala ng pera. Then dumalang ng dumalang hanggang tuluyan nang walang tinatanggap na sustento si misis. Then the wife will eventually find out na ganon nga, she lost her husband to someone she’d curse under her breath and call a bitch.
Needless to say, nasisira ang pamilya dahil sa pangagaliwa ni mister. Para sa misis, ang sakit ng ganon. But on top of the pain, mas malala ang nagiging epekto sa mga anak. Nakaka-awa ang mga bata, lalo yong mga wala pang muwang, na makitang nasisira ang pamilya nila. Na bigla na lang mawawalan ng Tatay. Akala nila nasa Saudi lang. Yon pala nandyan lang sa tabi-tabi. At magugulat na lang silang meron silang kapatid pero iba ang Nanay.
Pero syempre hindi lahat ng kasalanan pwede nating ibunton lahat kay lalake. Meron ding ilang kaso na kaya nagloko si mister ay dahil may problema rin kay misis. Baka sumobrang demanding sa pera. Naging gastador. Nagkulang sa pagmamahal kay mister. O sya mismo ay nagloko at naglaro ng apoy na ibang klaseng sunog ang dala habang kayod-kalabaw si mister sa Saudi.
But in majority of the cases, plain and simple pagtataksil ang ginawa ni lalake. Ang unang-unang rason, nakakita ng mas maganda o mas bata sa Saudi. Kung dalaga ang nakuha ni mister, isang pamilya lang ang masisira. At hindi ko sasabihing masisira ang buhay ni dalaga dahil I’m sure alam nyang may asawa ang lalake. Wag syang sisigaw ng ‘niloko mo ako’ dahil para kang natulog sa pancitan kung naniwala pa syang binata ang nanliligaw sa kanya eh sa itsura pa lang tatlong dosena na ang pinapakaing anak. Besides, madaling mag-background check kung kailangan.
Kung may asawa din ang nahagip ni mister, grabe na yon. Dalawang pamilya ang masisira. Ilang mga anak ang magiging pasaway. Madadagdagan ang mga kabataang nagdo-droga. Or nabubuntis na teenagers. At buti sana kung yong mga asa-asawa nila pwedeng magkasundo na sila na rin lang ang magsama. Parang exchange gift.
Sa mga ganitong kaso, ang laging idadahilan yong kalungkutan sa Saudi. Porke sobrang homesick. Kaya ng may makitang nagpa-charming, na-excite. Parang naging 16-year old na noon lang nakaranas ng first love. Hindi na nag-isip. Hindi na naalala ang mga pamilyang iniwan sa Pinas. Basta mairaos ang init ng katawan sige, go.
Buti sana kung iraraos lang ang tawag ng kalamnan. Eh ang masakit, lumalalim pa ang relasyon. Because they assume the role of husband and wife. Bahay-bahayan matured version. Sosyal pa ang venue dahil Saudi. Kakaunti ang makakakilala sa kanila at makakapagsumbong sa ginagawa nilang laro sa baga.
Buti nga lately ang gobyerno ng Saudi ay nag-luwag na sa patakaran tungkol sa family status. We now see a lot of OFWs bringing in their ‘real’ families over. This way, napi-prevent ang mga hindi magagandang pangyayari.
Although mas marami pa rin ang nagre-rely sa tawag sa phone or chatting dahil hindi sila pwedeng magdala ng pamilya dito. Technology has certainly made it a lot easier for OFWs nowadays. Di tulad nong unang panahon na magaantay ka ng snail mail na darating buwan-buwan or linggo-linggo kung masipag sumulat ang misis mo. Ngayon, text or call pwede mong gawin anytime. At syempre ang webcam chat where you can see your wife and kids pati na kapitbahay mo, kasama na si kumpare.
But if that technology can be your best friend, it could be your foe as well. Dahil nga maluwag na ang means of communication ngayon, ayan na naman, may nauuso na namang hiwalayan dahil si mister, may na-meet sa chatroom na mas maganda at mas sexy. Nagpakita ng boobs. Nabaliw si mister. Iniwan si misis at mga anak. Back to square one na naman tayo!
Segue lang ha pero sorry guys but I’ve got no love for web-based romance. I can’t understand the fact that people can create and build a relationship just through webcam. Or chatting. Or even texting. Really guys, kung ang pag-ibig ay ganyan kadali nang makita, I guess you have to stand back and think a thousand times what kind of relationship that is.
Balik tayo sa main story nitong blog ko. Hindi ako moralista. Sakay ko at naiintindihan ko ang hirap ng malayo sa pamilya. Ang magtiis sa malalamig na gabing kahit patong-patong ang comforter mo eh hindi ka makatulog. Alam kong maraming emotionally weak na tao, kahit sa mga lalaking barumbado at basagulero ang dating. You’re looking and longing for the caring and the love ng isang nagmamahal sa inyo. Kaya kung hindi maiwasan, di sige. Kaso lang, play your cards well.
Pag dumating yong time na nararamdaman ninyong in love na kayo sa ka-date nyong nurse sa Kadiwa tuwing shopping day, close your eyes and think back to the day na una kayong umalis ng Pinas. Alalahanin ninyo yong mga hitsura ng mga anak ninyong umaasang gaganda ang future nila sa pag-aabroad mo. Remember the look in your wife's eyes na umaasang gaganda ang buhay ninyo dahil sa pagsasakripisyong ginagawa ninyo.
Whatever you have in your had right now, sobrang ganda, sobrang seksi, sobrang puti, sobrang galing, sobrang sarap… it wasn’t what you’re looking for kaya ka nag-Saudi. Swerte lang na nakita mo sya. Pwede mong damputin dahil nakita mo. But don’t let it derail your focus. Hindi worth sirain ang pamilyang pinag-sikapan mong pagandahin ang buhay dahil lang sa isang maling pag-ibig (naks!). You might think it’s gold you found. But the real diamonds are waiting for you back home.
1 comment:
korek na korek po kau sa blog ninyo, ang ganda.
marami sa ating mga OFWs yung unang rason kung bakit tau ng abroad para mag trabaho.
nawala yung focus. at napalihis sa guidance with the LOrd God kaya nalugmok sa hindi dapat.
Post a Comment