Saturday, March 5, 2011

bata, bata.... stay ka munang bata ha

Sa araw-araw na nakababad ako sa harap ng tv even when I’m on-line o kahit kumakain nakatutok pa rin sa tv, eto at may napansin na naman ako. Three adverts – actually four – pero I’ll concentrate on the three and tell you why I’d spare the fourth one. Eto yong mga advertisements using the storyline of young – I mean very young – flirting.

Safeguard Tawas Fresh shows a young boy na mukhang 10 or 11 yo draping his arms around a young girl na kaedad nya. Tapos pinapalabas na may B.O. si young boy. Si mommy ni young boy, pinagamit ng Safeguard si anak. In the end, nong akbayan ulit ni young boy si young girl, okey na. At si mommy, sabi nong ad, mukhang may naaamoy nang iba. Kinilig si mommy ha.

Then there’s this other pair of young boy and girl, mukhang hindi pa teeners, na dumalaw si young boy sa bahay ni young girl. Si young girl super kilig kaya sabi ni mommy sya na ang bahala. Naghanda si mommy ng spaghetti with Del Monte white sauce. Si young boy sarap na sarap. And as the little girl continues her giggling over the cute boy na nilalantakan ang carbonara ni mommy, si mommy naman tuwang-tuwa dahil nagustuhan ng future manugang nya ang spaghetti.

Itong ad ng isang milk ang mas matindi. Sa ad, siguro 7 or 8 years old ang pair of little boy and girl na bida. Super excited si little boy na inaantay ang pagdating ni little girl with her mom. Si mommy ni little boy, naghanda ng milk. Then pagdating ng mommy’s girl, hindi makita ni little boy si little girl. Yon pala, naka-hide sa likod ng mom si little girl. When shea appeared, the boy’s face lit up, sabay abot ng milk don sa little girl.

What’s wrong with these ads? Ha? Wala? Come on, think again. Really. Kasi something doesn’t sit perfectly in my ever-quizzical mind.

Cute nga yong mga ads pero bigla akong napaisip. Beneath the cuteness and linen-white cleanliness of the ads, merong mas matindi at delikadong message na dala itong mga ito. These are the kind of visuals na wala kang nakikitang violence or lewdness onscreen. But the idea it brings is far more lethal than naked bodies copulating. Lalo’t mga bata ang pinag-uusapan.

Why use these youngsters in a storyline tungkol sa love eh napakababata pa nitong mga ito? What message are we sending our youth – specially those in their very tender, highly impressive years? Na okey lang mag-flirt at that age? Na okey lang to think about crushes and puppy love instead of their homeworks, grades and memorizing the multiplication table? That mommy’s ok with it – in fact the ads show that the moms were condoning it with a smile!

Upakan ko muna yong mga ad agencies na tumira nitong mga campaign na to. Kung sino man ang nauna don sa idea, sa yo ang pinakamalaking NO from me. Don sa mga kumopya ng idea, dobleng NO NO ang ibibigay ko sa inyo. Wala na ba kayong maisip para gamitin ang ganitong istorya. Isama ko na rito kung sino man ang regulating body ng mga advertisement. Did you actually watch these ads bago nyo in-approve na i-ere? Coz if you did, I’m sure makikita nyo rin yong POV ko.

Some might say OA ako. Some might say I’m too uptight. But when it comes to protecting the kids, I’m sure parents will understand where I’m coming from.

Sinabi ko na kanina at uulitin ko – what message are we sending our very young tv audience? Sobrang distorted na ba ang social at moral values natin para hayaan natin itong mga commercials na ito na i-tamper at i-pollute ang malilinis at inosenteng pag-iisip ng ating mga kabataan? Why show them about flirting samantalang napakaraming pwede nating ipakita sa kanila na may matutunan sila. Na may mapupulot silang mabuti. Hindi yong makipag-landian ng ke babata pa. O kailangan ko pa kayong i-remind how powerful television can be pagdating sa impluwensya sa mga kabataan?

Bago ko malimutan, yong fourth ad na sinasabi ko hindi ko na isasama dito. It was the Nestea ad where a boy na mukhang 17 or 18 yo was online habang nakaupo sila sa dining table with the whole family. The boy gets a Hi and a smiley from his crush na girl. The family was ecstatic about it. Then the mom pours some Nestea into the boy’s glass sabay linya ng ‘show me some love’. Flirting pa rin.

Pero yon nga palalagpasin ko kasi talagang of age nang makipag-lablaban si bidang lalake. At sabi ko nga, hindi naman ako uptight. Kung pwede na, pwede na. But not on kids na ang dapat maging concern muna ay maglaro, mag-aral at ma-enjoy ang kanilang kabataan. Hindi ang pakikipaglandian. Tapos magtataka kayo kung bakit ang daming nag-aasawa ng bata at mataas ang teenage pregnancy sa mga kabataan ngayon?



2 comments:

YanaH said...

ang tagal ko ng hindi nakakapanuod ng tv.. siguro several months na.. at ngaun ko lang nawatch itong mga advertisments na ito.. dito pa sa blog mo kuya hihi amsuchaloser! lol

nways, its like they're saying na its ok to be that close and be in that level with the opposite sex at an early age? ewan ko...

ngaun lang ulit nakapagblog hop.. hayssss uber sa busy..

how is the you kuya? amisyuuuu! hihihi

Dante said...

kaya nga... would you like your little dagas to be aligaga with crushes at their age right now? as a responsible parent parang hindi mo papayagan yon di ba...