Saturday, November 13, 2010

holiday mode

It’s the start of a week-long holiday with the kingdom celebrating this year’s Hajj holidays. Actually mahaba-haba sanang holiday ito para sa akin coz it started last Thursday/Friday which is our regular weekend plus the 5 day-holiday and the weekend after that. 9 days sana ulit akong babad sa kama para matulog, with mornings actually starting at mid-day. Gigising lang kung nagrereklamo ang bituka for having missed breakfast. Minsan pati lunch.

But here I am, tied up to my work station, cursing the system for yawning and crawling while I was pummeling it with my uploads that was the reason why I was here in the first place. Damn system! Looks like he’s on a holiday mode too! Grrr… hindi ka pwedeng mag-holiday no. Gumising ako ng maaga para pumasok kaya hala, mag-trabaho kaaaaa!!!

Actually I’ve stayed away from work during holidays for the last 3 or 4 years now. Most of the adiks would say it’s ‘sayang’ coz work during these days is paid double. But I have my reasons. May malalim na hindi ko pwedeng i-share dito. Yong mababaw na reasons na lang like yon nga, mas gusto kong i-enjoy ang kawalan ng ginagawa kahit 9 days lang at naka-tambay sa kwarto ko. Or mag-lakwatsa paminsan-minsan kung saan maisipan. In short, gusto kong i-exercise yong katamaran ko sa mga ganitong araw.

But sometime last week nilapitan ako ng boss ko. Porke kailangan matapos ang ganito, ang ganyan. At lumalabas na kung hindi ako papasok this week, I’ll be in a hell hole after the holidays. As in maraming bida ang sisigaw at magwawala dahil hindi natapos ang ganito at ganyan. They sure will breath fire on somebody’s neck. And it will be nobody else’s neck but mine.

O sya hala, di sige pumasok. Kahit masira ang panata ko sa mga ganitong panahon. Kahit sabihin ng mga adik na bigla akong naghirap kaya pinatulan ko na rin ang overtime pay. Totoo naman. Hehehe.

Ang usapan namin ng amo, 3 days ang ipapasok ko out of the 5-day holiday. Ibig sabihin I have until Monday to finish all the stuff that was supposed to be ready by Saturday next week. Pero may pahabol naman sya na kung hindi raw matapos, pwede pa akong mag-work even beyond the agreed 3-days. I-inform ko lang daw sya. Kung ikaw naman siguro ang sabihan ng ganon at nag-inarte ka pa, wala ka nang budhi. The message is loud and clear: tapusin ang dapat tapusin!

Kaya lang, at the rate the system is doing his part, mukhang aabutin pa nga ako ng Tuesday nito. Sana naman wag nang umabot ng Wednesday. Kahit 1 day na lang, I just have to experience Hajj holiday for myself this year. Kaya hala kang sistema ka! Trabahoooo! (kung pwede lang gamitan ng latigo ito! Hmmpffttt!)

4 comments:

espiyangmandirigma said...

Hayyysss... Same-Same! It's just parang di nga holiday... Di parin ako makapagconcentrate dito sa MSDS'sssssssssss... Hayyyss...

Anyway, let's just enjoy our work and like my wife said... Instead na pressured sa work or toxic... let's say nakaka Overwhelm...

°eGa° said...

tamaaaaaaa!!...
dati naman na our take home pay is just enough eh sumasapat sa pamumuhay, ngayon parang kahit lumaki na eh we're wanting more....
akala ko ill grab d opportunity to earn double kasi "sayang" nga, pero i realized na, d naman talaga sayang...
so, im off to riyadh tom with marco, marvin and neil (not the pne guy) hehehe...kalli walli na ang OT pay! yallah!

Trainer Y said...

goodluck kuya!
hahahaha apir sa workload... meron din ako nyan... superrrrrr dammeeee kong pendings this week nadagdagan pa lalo dahil sa one day kong pagbaba sa kapatagan i havent done anything.. at nakikisabay ung desktop ko kung nasan lahat ng trabaho ko andun.. restart ng restart..

x3m_901 said...

buti na lang di uso ang overtime sa work ko... pero i am on-call during the hajj holidays... hectic at tight sked ko nung holidays... my bro (a first timer in KSA, 2 months old) came from riyadh with his 2 friends and stayed in my flat. i let them do their thing dahil may tennis tour ako all throughout the holiday plus a costume/maskara party... holidays was too tiring but enjoyed though! cheers!