Wednesday, September 22, 2010

hotnothot 38

unfortunately wala akong makitang ka-hothot sa mga balita kaya puro nega tayo ngayon.  here we go...

Hotnot: The IIRC Report. Lumabas na ang investigation report ng madugong hostage taking na nangyari last month where 8 Hongkong tourists died. The report recommends filing charges against recognizable names (the first set of names include 12 and there are still 2 or 3 unnamed) including Manila Mayor Lim, Vice Mayor Ishko Moreno plus a host of police officers and media men like Raffy Tulfo. Sabi ni PNoy, ipapa-review pa raw sa Malacanang legal team ang report bago mag-file ng kaso laban sa mga na-identify. I’d say that is already moot and academic considering the fact that the head of the investigating panel is already the highest legal person – Justice Secretary De Lima herself. What if after the review, sasabihin ng team ni Pnoy na hindi dapat kasama si ganito, si ganyan. It will not only cast doubt to the credibility of the review panel dahil kung may ililibre sa mga pangalan na recommended for charging, siguradong pagdududahan sila that they’re only playing favorites. Palakasan. Bad for PNoy’s credibility. Besides, what does that make of De Lima and the team that she headed? (PS:  China daw is ok with the report but not HK. Aba at ang mga tinamaan ng magagaling!  Ano'ng gusto nitong mga ito, isama ang buong ka-Pinoyan sa kakasuhan?  OA na kayo ha! Kaya ako hinding-hindi ko kayo patitikimin ng dolyar ko.  Isaksak nyo sa baga nyo yang Disneyland nyo.  May Enchanted Kingdom ako sa labas ng bahay! Hmmppff!)   

Hotnot: Robin’s Folly. Minsan talaga if we act impulsively without thinking things over, we get into sticky situations. Look at what Robin did. Siguradong spur of the moment yong ginawa nyang wedding with Mariel with an Ibaloi priest officiating. Nakalimutan nyang may mahigpit na batas ang Islam na buong yabang niyang niyakap noong nakulong sya. Nag-react ang mga kapatid nyang Muslim. Super explain sya lalo don sa part ng dugo ng baboy na pinahid sa kanya. Nevertheless, nagalit pa rin ang mga kapatid nya sa Mindanao. Paano pa sya ngayon magiging peace negotiator kung ganyan that he has earned the ire of his brothers? Worse, ginalit pa nya ang Ibaloi priest na nagkasal sa kanila because of his denials. At kung ako ang fans nila, magagalit din ako sa palusot niya na porke part daw yon ng bagong show na gagawin nila. Sobrang cheap na non huh. Tsk, tsk, tsk. Can love really make us do stupid things even if we’ve gone past our teenage years centuries ago?

Hotnot: Weekend homework no more. Nakakatawang nakaka-inis itong DepEd natin. Sa halip na mag-focus maige kung paano mai-elevate ang quality ng education sa atin which, unfortunately, has been on a downward spiral for so many years now, ayan at may ibang gimik na naisip. Bawal na raw magbigay ang mga teacher ng homework kung weekend. Ang dahilan? Para daw makapag-bonding ang mga anak sa mga magulang! Whaaattt???? Saang tambakan ng basura nyo napulot ang idea na yan? Sigurado ba kayong kung may free time ang mga bata during weekend, kakabit sila sa Tatay at Nanay nila? Hindi kaya mas marami ang gigimik kasama ang mga barkada Friday night pa lang? Hindi ba mas magandang bonding ng parents with the kids kung magtuturuan sila ng homework during weekends kung saan most of the parents ay wala ding pasok? Tell me if I’m just too dim to comprehend your ideas. O baka naman kayo ang pinanlalabuan na ng paningin at pag-iisip kaya ganito ang pinag-gagagawa ninyo!

Hotnot: Jueteng na naman!!??? We’ve seen the fall of President Estrada dahil sa eskandalong dala ng jueteng. Eto at kabago-bago lang ni PNoy, jueteng na naman ang pinag-uusapan sa Senate. Lingayen Archbishop Cruz faced the Blue Ribbon Committee and divulged names of prominent politicians/businessmen allegedly accepting jueteng payola. Kasama si DILG Sec Puno, retired PNP Chief Versoza, Pampanga Gov Pineda, pati si Tony Boy Cojuangco kasama daw. Ang sa akin lang naman, ang tagaaaaaaaalllll-taaaagaaaalll na ng jueteng issue na yan wala naming nangyayari. Napapalitan lang ang mga pangalan, ang mga mukhang sangkot pero nandyan at nandyan pa rin (although 2nd time na nitong si Puno na mapangalanan). Hangga’t maraming Pinoy ang tumataya, hindi mawawala yan. At tataya at tataya ang mga kababayan natin for the hope of getting easy money. Sad to say, naging part na ng kultura natin yan lalo na sa mga probinsya. Hangga’t hindi nagkakaroon ng improvement ang malalang poverty level sa atin, marami pa ring Pinoy ang tataya sa jueteng na nakakapag-bigay sa kanila kahit kaunting pag-asa na makahawak ng perang mas malaki sa nahahawakan nila araw-araw. At ang mga bida sa Senado, magbabangayan lang, magda-drama sa national tv at pagkatapos ng ilang araw, wala na. Move on to another ‘hotter’ topics. Ganon lang.

Hotnot: Sheltering the prodigal host. If we are to believe entertainment reports these past few days, mukhang lilipat na nga raw si Revillame sa TV5. Ayan at may bago raw show na gagawin come Oct 10 (10.10.10 na ewan kung anong relevance sa feng shui pero para sa akin 1 lang o bokya ang magiging score nitong show na ito). So, ano’ng nangyari sa contract niya with ABS-CBN? Was he finally given a release? Ang alam ko hindi pa and in fact nag-demand pa ang company ni Mr. Lopez na bayaran sila nitong si Revillame ng almost half a billion pesos for whatever damages they said Revillame’s kahambugan brought them. Kung true itong magsu-show na si Revillame sa Ch5, ibig sabihin umaatikabong bakbakan sa korte ito. Baka kaya malakas ang loob ni Revillame dahil may backer syang Manny na maraming money? Manny Pangilinan of course na alam nating bilyon ang binuhos na pondo for TV5. So anong mangyayari, pahabaan na lang ng pisi ang mga Lopez vs Pangilinan while Revillame is laughing his way to the banks once again? Anong nangyari sa legality ngayon ng mga kontratang pinipirmahan kung madali din palang isuksok sa shredder? Pasalamat kayo at wala kayo sa Saudi. Or else nakasuhan na kayo ng paglabag sa rule ng NOC!

2 comments:

°eGa° said...

i think PNoy's popularity is declining...a lot of boooboooos recently he himself made. maybe a lot of people are realizing their mistake in choosing him...i didnt vote for him, pero im getting disappointed. magkakatatotoo yata yung sinabi na hindi sya aabot ng 1yr in his position.

Dante said...

medyo nga. either from himself or sa mga appointee nya na ewan kung bakit maraming palpak na move. sabi nga ni joker this is not a government in training, totoong buhay na ito so he should do his best to prove his worth. i just hope he'll change for the better from hereon. kasi pag talagang pumalpak sya, our dear Pinas will suffer at lahat tayo apektado na naman. tatagal na naman ang sentensya natin dio sa saudi!