Friday, April 4, 2008

a bleak future

The most recent and probably the most serious problem that hit the Philippines is the rice crisis. Sabi sa mga report, dahil daw sa shortage of supply, ang presyo nito ay tataas and will hit 50 pesos per kilo. Sabi pa ng ibang technocrats, aabot daw ng tatlong taon ang krisis na ito. With that, they even predicted that it will hit as high as 100++ pesos per kilo. Sana, mga alagad lang ni Madam Auring ang mga nag-predict nito.

However, it looks like this is no longer just a hit-miss forecast like that of PAGASA’s. Instead, it’s already a morbid reality staring the Filipino people right in the face. In fact, katatawag ko lang sa nanay ko a while ago at ito agad ang tinanong ko sa kanya. Sabi nga nya, 36 per kilo na ang binibili nyang bigas na dating 26 lang noong January.

This is bad, ugly and ominous news for you and me and the rest of the 80++ million Filipinos who depend on rice as staple food.

At kung ang mga tulad nating nakaka-afford pa ng internet connection ay matatakot sa sitwasyon na ito, paano na kaya yong mga tao who have been barely surviving even before the onset of this crisis. Malaking problema para sa akin na i-budget ang kalakhan ng pera ko para sa pambili ng pagkain ng aking pamilya. Pero mas malaking problema sa mga taong wala namang perang ba-budgetin to begin with. Lalo na doon sa 9 milyon Filipinos who are unemployed or underemployed according to the latest NSO survey.

Ang ibig sabihin, may possibility na mag-downgrade ako from three square meals a day to two. Huwag naman sanang one. Pero paano na yong mga kumakain na lang ng lugaw isang beses isang araw bago pa nangyari ito. Hindi na sila kakain totally? God forbid. Wag naman sanang mangyari.

At syempre pag mataas ang presyo ng bigas, may epekto yon sa iba pang bilihin. It will start a ripple effect on other prime commodities. Nag-umpisa na rin nga dahil sabi ng nanay ko, kahit pork, isda, cooking oil and even canned goods ay tumaas na ang presyo.

Ang masakit nito, may mas malaking epekto pa ito pag tumagal at lumala ang sitwasyon. Crime rate will even worsen. Maraming magugutom kaya maraming gagawa ng kahit anong paraan para lamang mag-survive. Worse, riots and chaos could errupt anytime. Wag naman po sana.

For this to happen in an agricultural country like the Philippines is so incredible. Ano ang nangyari sa libo-libong ektarya ng rice fields na meron tayo? Bakit ngayon ay nag-iimport tayo ng bigas sa ibang bansa, some even from the USA na tayo ang dapat nagsu-supply? Bakit hindi ito na-forecast at nagawan ng paraan ng maaga samantalang napaka-gagaling ng mga utak ng nasa Arroyo government?

Apparently, they are busy on something else.

According to reports, isa daw sa dahilan ng shortage na ito ay dahil nagastos ang bilyong piso na dapat ay pambili ng binhi ng palay to support the farmers and the agriculture industry in general. Kurakot na naman. Kurapsyon na naman. Bukod pa sa 170 bilyon piso na nawawala daw sa kaban ng bayan dahil sa rice smugglers. Rice smugglers na sabi ng isang Senador ay kinu-condone ng gobyerno itself. Well of course, we don’t need a Senator to tell us that, do we?

Huwag kalimutan ang fertilizer scam na hindi pa rin naso-solve dahil nagtago sa US si Bolante. Pati daw pondo para sa swine industry, bilyong pisong nawala rin daw at ngayon ay sya namang dahilan ng pagtaas ng presyo ng baboy.

But this corruption in the government is already old news. I will leave these corrupt government officials to the mercy of the Greater Being. Magbabayad sila sa mga ginagawa nila na nagiging dahilan ng sobrang kahirapan ng Pilipinas. Ng pagkamatay sa gutom ng maraming Pilipino. Kung hindi sila maparusahan ngayon in their lifetime dahil hawak nila ang leeg ng mga dapat umaresto at mag-kulong sa kanila behind bars, let them deal with this later in their already doomed existence. I woulnd’t mind them rotting in hell.

Mas focused ako ngayon kung paano magsu-survive in this crisis. I’d have to prepare myself and my family para hindi mag-suffer ng husto. More than ever, this is the time to save instead of spending unnecessarily. And watch every grain of that precious rice na matagal din nating taken for granted.

With that, I’d pray as hard as I could na sana, wag magtagal ang krisis na ito. At wag nang lumala. And most importantly, I hope we’d survive it all in one piece. God help us.

2 comments:

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
°eGa° said...

ang Pilipinas ba ay isang bayang isinumpa?....HINDI NAMAN SANA.
with these things happening in our very eyes, can we the Filipinos take more????...PARANG ANG BIGAT NA.
nakakalungkot, nakakapanlumo, nakakatakot....
ano ang susunod na krisis na ating dadanasin?.....tubig, kuryente, hangin....?...TAMA NA PLS
...r we reaching the point of being helpless???...PARANG.
again, all these things will go back to the kind of leaders we have....TAMA, LETS LEAVE IT TO THE ALL KNOWING GOD TO MAKE THEM PAY FOR WHAT THEY HAVE DONE.

nakakapagod nrin. nakakasawa. we dont want to get saturated with day to day news about corruption, scam, leaders fighting each other, poverty, crimes....is ours not really a forsaken country?...HOPE NOT!