Wednesday, October 7, 2009

sabi me... #1

We all have these nuggets of wisdom na nakatago sa ating mga kamalayan. Ito yong mga bumubuo ng paniniwala natin at prinsipyo sa buhay. Kelan lang, sumikat si Bob Ong sa email dahil sa kanyang mga one-liners. Mga nakakatawa yet very true na pananaw sa buhay.

But since may kanya-kanya tayong ideas at paniniwala, I thought of doing my own version. I-share ko lang sa inyo yong mga mumunting pamimilosopo ko. I’ll be doing this in installment para may time kayo to digress and tell me how stupid, twisted, jaded or ridiculous my ideas might be. Ito po ang unang installment:

On Opportunities:
Sabi nila, when a door closes, a window opens daw. Sa akin naman, tingnan mo mabuti yong bintana bago ka mangalakyat. Baka naka-grills. Or kung nakasara ang pinto, i-check mong mabuti baka hindi naka-lock. Laki mong engot kung hindi mo man lang tinulak.

On Life:
Alam mo ba kung bakit puno ng hirap at drama ang buhay? Kasi umpisa pa lang pina-iyak na tayo. Di ba paglabas natin sa ating mga nanay, tinampal na tayo agad para umiyak. Bakit hindi na lang tayo kiniliti. That way baka mas masaya pa ang buhay.

On Love:
Kung gusto ka rin ng gusto mo, swerte ka. Kung gusto mo naman at hindi ka gusto, swerte ka pa rin. Makakapili ka pa ng mas maganda/gwapo at mas mapagmahal. Dami kaya dyan. 94 million na ang populasyon Pilipinas pa lang kaya move on agad!

Saturday, October 3, 2009

real survivor

Just a day after Ketsana battered various parts of Metro Manila killing a few hundreds of my kabayans, dumiretso ito sa Vietnam at ilang Vietnamese din ang pinatay. Oras lang ang pagitan, isang tsunami naman ang tumama sa Samoan islands kung saan marami ding namatay. Almost simultaneously, a killer quake hit Sumatra which has the biggest casualty (estimated at around 1,000 last night). Kahapon naman, flooding and landslide hit a small town in Sicily. Ano na bang nangyayari sa ating mundo?

Habang pinapanood ko ang mga balita tungkol sa mga kalamidad na ito, hindi maiwasang tumakbo na naman ang utak ko. Let me share some of my random thoughts about these events.
.
Medyo mababaw:

- Marami siguro sa binahang kababayan natin ang nag-iisip na kung sa mataas na lugar tulad ng Sicily sila nakatira, hindi sila aabutin ng baha. Marami naman sa mga taga-Sicily, siguro nag-iisip na kung sa may beach lang sila nakatira tulad ng beaches sa Samoa, walang landslide. Pero ang mga taga-Samoa siguro, iniisip na mas mabuti pang sa city na lang sila nakatira, sa condo tulad ng sa Sumatra para hindi abutin ng tsunami. Samantalang ang mga taga-Sumatra nag-iisip na kung sa isang mababang bahay sila nakatira, something like yong mga bahay sa Marikina, ligtas naman sila sa lindol. Ironic di ba.

Medyo malalim:

- Ang daming nega sa mga tumutulong lalo na pag celebrity o pulitiko. Talaga naman kasing nakakainis pag masyadong obvious na umeepal lang. Pero kung ako naman ang nasa evacuation center, wala akong paki kung totoo sa puso mo ang pagtulong o nagpapapogi ka lang. Ikaw ang may alam sa totoong dahilan ng pagtulong na ginagawa mo. And you’re the one going to go to bed with it.

- May nakita akong report ng isang lalaki na after ng baha at bagyo, naghalungkat ng basura para kumita ng pera (24 Oras, Thursday, 01 Oct 09 report). Kumita sya ng halos 1,000 pesos na pinangbili nya ng pagkain ng kanyang pamilya. Bilib ako sa kanya. Tinulungan nya ang kanyang sarili instead na mag-ngangawa sa paghihintay ng tulong ng kung sinong pulitiko.

Eto talagang malalim:

- Some call these calamities ‘acts of God’. Parang sa akin hindi ko kayang sabihin yon. Coz I know the God that I believe in is not killing his people senselessly. Bakit hindi na lang natin tanggapin na parte ito ng balance of nature. At parte din ng circle of life. We should all understand that there is one grand scheme na hindi natin kayang unawain dahil ang utak at pang-unawa natin is too miniscule to fathom the wisdom of God.

- Pag may ganitong mga pangyayari, very common maririnig natin, pinaparusahan daw ng Diyos ang mga tao dahil sa mga kasalanan. Again, bakit ang Diyos ang ituturo? Aren’t we the bigger part of the problem? Na kung hindi inaabuso, pinakialaman at dinadapurak ng tao ang maraming bagay sa mundo, hindi masisira ang magandang balance nito? Example na lang ang missile testing. Most of these testing is done underground. Imagine the destruction it brings to the intricate layers of earth that, when disturbed, causes movements of plates. Tapos ituturo natin ang Diyos pag may lindol? Kung hindi ba naman tayo isang bulto ng mga ingrato.

Eniweys, nuf said. Let’s just be thankful that Pepeng didn’t hammer us as hard as it can. At sana wala nang susunod pang mas matindi. Let us pray that people will be given enough chance to restart their lives. Hindi biro ang kakaharapin nilang challenge. This is Survivor, real life edition.

Tuesday, September 29, 2009

hotnothot 17

let me devote this edition to the aftermath of typhoon ketsana... (ayaw talaga ng local name! hahaha)

Hotnot. Global warming – a serious threat. Kasabay halos ng pananalasa ni tukayo sa Pilipinas, isang conference ang ginaganap sa Bangkok kung saan pinag-uusapan ang tungkol sa Global Warming. Related reports about this conference shows that sometime towards the end of the century, kung hindi matitigil ang global warming, cities like Mumbai and Miami could be wiped out due to massive flooding. Wala naman sigurong hindi maniniwala dito. Nakita na natin kung anong nangyari sa Pilipinas, particularly in Metro Manila. Now, more than ever, is the time to accept the fact that global warming is a real threat and not just a baseless prediction.

Hothot. Richard Gutierrez to the rescue of Christine Reyes. Parang pelikula. Or at least parang early promo ng pelikula nila. But seriously, is box-office returns worth it? I Don’t think so. Siguro talagang hindi kaya ni Richard dedmahin ang SOS ng isang kaibigan. Kahit siguro ako, if a friend in grave danger asks for my help, hindi ako makakatulog knowing that one soul I know is crying for my help. At don sa mga nagrereklamong bakit si Christine lang ang tinulungan ni Richard, natural lang siguro na uunahin natin ang mga kaibigan at kamag-anak. Wag nating kalimutan na tao lang sya, hindi totoong sya si Captain Barbel. Magkalinawan lang, hindi ako fan ng batang ito. Never watched any of his soap or his film. I’m just giving credit where credit is due.

Hotnot: NDCC’s response to the calamity. Inaatake ngayon ang National Disaster Coordinating Council na under pa mandin ni Gilberto Teodoro, ang manok ni Gloria para sa 2010 Presidential Elections. Tumakbo pa kaya sya after this, ngayon na kita nyang nega ang dating nya sa mga Pinoy? But politics aside, personally hindi ko masisi ang NDCC. Third world country tayo where government agencies like this gets the tiniest of budget allocation. Wag na muna nating isama ang matinding graft and corruption. Pero kahit saan ka tumingin, walang bansa, even highly developed countries, ang makakapag-sabing well prepared sila sa mga ganitong calamities. Look at China nong malakas na lindol sa Sechuan province. And even US when Katrina hit Florida. Nobody can be ready for nature’s wrath.

Hotnot: Our irresponsibility. Ngayon dapat natin ma-realize kung ano ang epekto ng pagtatapon ng basura kung saan-saan lang. Our drainages within Metro Manila are mostly clogged with basura. Pati mga kanal, imburnal at ilog, ginagawang malaking basurahan. Kung may kakulangan ang gobyerno sa pag-respond sa mga biktima, malaki rin ang kakulangan nating mga Pinoy. Malaki sanang tulong kung walang bara ang mga daanan ng tubig. At dapat siguro suportahan natin ang tree planting project ni Loren. Schools should make it mandatory for one student to plant at least one tree. I did that nong High School pa ako. Ewan ko lang kung nabuhay yong tinanim ko.

Hotnot. Jacque Bermejo, the most hated girl on the net today. Thanks to her senseless posting in Facebook regarding the typhoon that hit the PI, she got what she wanted : worldwide attention na hindi nya makukuha by simply being a real estate officer in Dubai. Her case is one good example of the powers of social networking sites. Sure it can make you popular. But it can also turn your charmed life to a living hell kung ang ilalagay mo lang ay walang kawawaan, kababawan at kagagahan. No doubt, tinalbugan nya si Marilou Fernandez.

Hothot: GMA and ABS-CBN spearheading fund-raising drives for the typhoon’s victims. Eto lang ang maganda sa dalawang tv networks na ito. They give back to the people who sustains their existence in the first place. Minsan nga mas effective pang trumabaho itong mga ito, nakakatulong talaga kesa sa mga pulitiko. Most politicians, mamimigay lang ng isang latang sardinas at isang kilong bigas with todo press coverage pa. Besides, parang mas may integrity ang tv networks na ito. Bakit kamo? Mas magbibigay ako ng donasyon, lalo na kung pera, sa kanila coz I know talagang mapupunta sa nangangailangan. Sa mga pulitiko? Sorry but I can’t say the same thing.

Sunday, September 27, 2009

bagyong malupet

Bagyong Ondoy tumangay ng maraming buhay. Bagyong Ondoy nanalasa. State of Calamity dahil sa bagyong Ondoy. Yan ang mga headline sa radio at tv ngayon.

Wow. Sobrang sikat ng apelyido ko huh. Thanks to PAGASA na ewan ko kung bakit sa kina-unique-unique ng apelyido ko eh sya pang nakalkal at pinangalan sa super typhoon na tumama sa Pinas. At ewan ko sa PAGASA na yan kung bakit ako ang napapagdiskitahan. Dante (international code: Kujira) yong bagyong tumama sa Bikol last May di ba. Eto ngayon at apelyido ko naman ang dinale.

Ondoy (international code: Ketsana) ang humagupit sa bansa kahapon at nilubog ang malaking parte ng NCR. Binuhos daw ang isang buwan na ulan in just 6 hours. 9 agad ang namatay sa initial reports pa lang. 23 provinces agad ang nasa state of calamity. Grabe.

Nagpapagupit ako kahapon at yan ang kwentuhan ng mga barbero at mga tambay. Yong isang tambay kausap ang misis sa cp at kinuwento agad na si Christine Reyes daw nasa bubong ng bahay. Eto namang gumugupit sa akin, taga-Pampanga pala at may landslide daw sa kanila. Hindi ako nakihalo sa kwentuhan. Baka pag nalaman pang kapangalan ko yong bagyo magupit pa ang tenga ko ng hindi oras!

As early as Thursday night, friends were texting me na at jino-jowk nga ako dahil sa bagyo. May isang friend pa ako sa Pinas na hindi nagparamdam for the longest time pero heto at tinext ako just because of the bagyo. Lahat ng makita kong friends at kakilala yon ang bati sa akin. Malupet daw ako. Bagyo daw talaga ako. Oo naman sabi ko. Bagyo na yummy pa. Hehehe….

I was just kidding along. Nakikitawa at nakikibiro. Wala kasi akong paki dahil malayo sa Mindoro ang sentro ng bagyo. At least hindi mangangatog sa takot si Madir. At ka-text ko ang pamangkin ko sa Laguna hindi naman daw pinapasok ng tubig baha ang bahay ko. Kaya sige, jowk, jowk, jowk.

Pero nong makita ko yong pics ng baha, nawala yong pakiki-jowk ko. Reality bulldozed whatever apathy I had. Ang dami na namang bahay at buhay na nasira. Kawawa naman ang mga kabayan ko. Marami sa kanila, hirap na hirap na ngang magkaron ng bahay at kotse, nilamon pa ng tubig na walang kaabog-abog. Kakaawa ang mga nagkumahog magpundar ng kabuhayan tapos mawawala lang ng ganon.

And I’m sad na nagkaron ng ibang connotation ngayon ang pangalan ko. Pag nakilala ako, sasabihin agad ‘ah ikaw yong sumira sa bahay ko’… etong sa yo… POK! Nasapak ako ng hindi oras! Hayyy…

Paging PAGASA… pwede wag nyo na isunod ang middle name ko? Tama na yong kasikatan ko. Buti nga kung fame eh notoriety ang inani ko. I will now be remembered by friends as the one whose name brought destruction to many lives. Parang devil incarnate naman ako nyan samantalang napakabait kong tao. Tanong nyo pa sa mga kaibigan ko.

Kaya sa PAGASA, etong suggestion ko: siguradong next na bagyo P ang ipapangalan nyo, I have quite a few choices for you: Paoul, Pedgar, Payren or Park ang gamitin nyo. Kahit alin dyan is a very good choice.

Friday, September 25, 2009

soxie's best

There are films that do nothing but entertain you. Some will make you laugh. Some was made simply to make you cry. And there are some that can make you do both – laugh and cry – and still get entertained. Madalang yan sa pelikulang Pinoy. Fortunately, Ded Na Si Lolo is one.

Unahin natin yong nakakatawa. Totoo pala yong mga nababasa ko na nakakatawa itong movie na ito. Kung may nakakarinig lang sa akin, iisipin na ang OA ko namang tumawa. Eh wala akong magawa, talagang napahalakhak ako sa ilang eksena. Eto kasi yong kind of comedy na hindi pilit, hindi slapstick at lalong hindi toilet humor na madalas sa pelikulang Tagalog.

The comedy comes from situations na dinevelop ni Soxie (Topacio, the Writer/Director) base sa mga totoong nangyayari sa isang pamilya pag may namatay. From the himatayan blues ng mga OA na Ate, Tiya at minsan may mga Kuya rin, to the numerous beliefs na ino-observe natin sa ganoong okasyon.
.
And if Soxie was so clever in mounting those funny scenes, it was his fine ensemble of actors and actresses na inin-terpret yon on screen with so much reality. Pero mamaya ko na isa-isahin ang cast. I’ve still got a lot about the whole film.

Drama rin yong film, something na hindi ko nabasa dati. Puro nakakatawa ang press release kaya akala ko comedy ito through and through. But the truth is, it has one serious story beneath the comedic surface. At kung may ilang scenes na humagalpak ako ng tawa, there were a few scenes also that melt me. Pagka ganon, I know it’s effective. Hindi kasi ako madaling paiyakin lalo na kung pelikula lang.

But this film was so successful in presenting conflicts within the family. Mga tampuhan, samaan ng loob, away at mga komprontasyon na madalas nagsu-surface kapag nasa ganong sitwasyon. At dahil nga totoong istorya ng mga Pinoy, nakaka-relate ako dahil sa mga kadramahan na nakikita ko sa mga burol/libing. Naalala ko tuloy yong hysterical at OA na tiyahin ko nong nakaburol ang Tatay ko.

Eniweys, ang nakakabilib pa sa film na ito ni Soxie, patatawanin ka sa isang eksena but right there and then, ilang seconds lang at ilang linya lang ng mga karakter, before you know it, naiiyak ka na. It simply stretches your emotions from one end to the other. But it was one roller-coaster ride na hindi pwedeng hindi ka sasakay. Kaya ko nasabing effective yong film.

But beyond the emotions, it also has something for you to ponder. That is, if you’re sensible enough to use the scenes as a springboard para mag-isip at kuwestiyonin ang mga bagay na pinaniwalaan nating mga Pinoy. Lalo yong mga sabi nila.

Sabi kasi nila, bawal magsuot ng pula pag may patay. Sabi nila, bawal maligo. Sabi nila, bawal ding maglinis ng bahay. Sabi rin nila, bawal ang pagkaing may sabaw sa lamay. Sabi rin nila, kailangang ilaktaw ang mga bata sa kabaong ng iliibing para hindi dalawin ng namatay. Sabi nila. Sabi nila. Pero, sinong sila?, sabi nga ng karakter ni Roderick.

The film maybe hilarious but it gives us the real picture na marami tayong paniniwalang basta na lang natin pinaniwalaan. Mga pamahiin at sabi-sabi na ewan kung sino ang umimbento pero wala namang nagagawang mabuti sa atin. And Soxie, with this film, is challenging us to rethink those beliefs.

But enough of Soxie. Because beyond the wonderful script, realistic story line and marvelous directing, malaking factor pa rin yong mga actors. Kung bano at walang kwenta yong mga gumanap, wala ring kwenta ang pelikula.
But if you’ve got Dick Israel, Elizabeth Oropesa, Gina Alajar, Roderick Paulate and Manilyn Reynes as your principal characters, you’ll never go wrong.

Elizabeth is Dolores, the second of the brood at pinakamatandang babae sa magkakapatid, who has the most conflict with her father. Marami syang tampo sa tatay nyang namatay, damay ang kapatid nyang si Mameng. Pero sa burol na yon nasagot ang mga tanong nya at nalaman nya kung ano ang totoo sa likod ng kanyang mga tampo.

Gina is Mameng. Ang katampuhan ni Dolores. Dahil daw sya (Mameng) ang favorite ng tatay nila. Isa sa mga dramatic highlights ng pelikula ang confrontation scene ni Mameng at Dolores.
Roderick is Junie, ang pang-apat sa magkakapatid at junior pa mandin pero naging bading na showgirl. Tawa ako ng tawa ng dumating sya sa burol ng tatay nya na naka-red gown na backless pa mandin at halos kita na ang kuyukot. Sya yong kumu-kwestiyon sa mga pamahiin na nagkalat sa buong istorya.

Manilyn is Charing, the bunso among the 5 siblings na mabunganga at palengkera. Pero lumalabas na sya pa ang peace maker sa magkakapatid.

And Dick is the eldest. Nong una akala ko walang istorya si Kuya. Pero sya pala ang may hawak ng isang lihim na matagal nyang tinago at doon lang sa burol sinabi sa mga kapatid. Ano yong lihim? I’m not giving it away. Panoorin nyo na lang yong pelikula.

And oh, before I forget. Bakit Ded Na Si Lolo ang title at hindi Ded Na Si Tatay? Coz in the end, the story was told from the point of view noong bunsong anak ni Charing. At 9 years old, sya ang may pinakamagandang habilin sa lolo nya bago ipinasok ang kabaong sa nitso. Again, something na dapat nating pag-isipan at ma-realize na totoo. Ano yon? Hindi ko rin sasabihin. Bahala kayong manood.

It's Soxie's best work and I think it's gonna be difficult to top it. But I hope he still have a few tricks left in his bag and 40 Days Na Ni Lolo will be just as good.
.

(with thanks to Miss Jones na nagbigay sa akin nong film).

Tuesday, September 22, 2009

beach

dahil eid holiday, nag-beach po ang mga adik nong monday sa al-bahar na akala ko eh sa half-moon beach ang punta. supposedly, swimming ang lakad namin don pero si james lang ang naligo at kami ay naghuntahan lang after dinner. after a while, nag-uwian na rin. nasabi lang nag-outing. at least nakalabas naman ako and had a break from my boring schedule na kain, tulog at internet.
.
here's a few pix, sensya na late na kasi parang ang hirap mag-upload ng pix ngayon dito.

Sunday, September 20, 2009

struggles in the sand

I’m not really into tv series. Lalo na pag soap operas. I’m too lazy to keep up a schedule pag nasa bahay ako. Ayaw ko rin nong nagmamadali akong umuwi so I won’t miss a tv show. Besides, it takes a lot para ako tumutok sa isang series. Nagsawa na ako sa dry humor ni Frasier, pati sa mga kasong paulit-ulit na sa CSI. Even Grey’s Anatomy naumay na ako. Sa Pinoy tv naman, kung sigawan, sampalan lang at mga bidang nag-iiyakan (even the lead male characters are now weeping like wimps!), wag na lang.

The last one I followed was Dr. Heo Jun, a South Korean soap (see posting beneath the bubbles dtd 24 nov 2007) mainly because it was replete with the Korean culture from customs to costumes, beautiful houses and palaces and breathtaking landscapes. In fact, it was my curiosity with their culture that caught my attention. Then the beautiful story sustained my interest.

This Ramadan, Arabian culture naman ang natutukan ko (dapat lang dahil nandito naman ako sa middle east di ba) when Dubai One showed a series called Seraa Ala El Remal (Struggles in the Sand). It’s an epic based on the lyrical poetry of Sheikh Mohammed Bin Rashed Al-Maktoum of the UAE. Again, it’s the culture that caught me. Then the beautiful story got me hooked. May iyakan pa rin, hindi naman mawawala yon. But it’s way beyond the drama.

It’s a story about love, war, treachery, forgiving and reconciliation between two tribes of the arabian Bedouins. A story beautifully presented by the production team using colorful depiction of traditions, habitation and costumes of men and women in their nomadic life. And so did the cinematography that captured life in the overwhelmingly beautiful yet unforgiving deserts.

Magagaling naman yong mga actors coz they were convincing kahit sabihin pang malayo ang hitsurang artista nila from the real Bedouins. Magaling din yong musical director dahil kahit hindi ko naintindihan yong theme song (which, of course, is in Arabic), it got stuck in my consciousness because of the haunting melody. Most importantly, the director Hatim Ali did a wonderful job of executing a project this size. Something known as tele-movie by the Pinoy tv lovers.

It’s a love story between Fahad and Hanouf, parehong anak ng mga sheikh of two warring tribes. Destiny brought them together in a beautiful brook in the middle of the desert. Fahad fell totally in love with Hanouf and he had to hide his real identity dahil nga magka-away ang tribo nila. Hanouf also felt deeply for the stranger who presented himself as Jawad. Imagine her anguish ng madiscover nya na ang lalaking minahal nya ay isa palang general ng kabilang tribo who is killing her own people in a war that put their love story through hell.

It’s also a story of two fathers – Sheikh Hammad and Sheikh Waddah – mga ama hindi lang ng kani-kanilang pamilya but also of their tribes who depend on them for their guidance and leadership. Nasa kanila ang gist ng story. Both compelled to engage in a war but later on realized the evil it brings. I could only surmise that it was Sheikh Mohammed’s own statement against tribal wars of the early Emirates.

It’s also a story of mothers – Um Amir and Um Fahad. They provided the heart of the story and you have no reason not to sympathize with them when they lost their respective children in a senseless war.

It’s also the story of Amir – Sheikh Waddah’s son and successor – whose kind heart resented war and violence. Parang dito inilagay ni Sheikh Mohammad ang kanyang personality coz Amir started writing poetry noong na-paralyze sya after fighting half-heartedly for his tribe. The poetry resurrected his hope, spirit and faith in God and life.

Behind it all, it’s the story of treacherous Speckled – pamangkin ni Sheikh Waddah (na hindi ko na nakuha ang totoong pangalan ng character. He was simply called speckled dahil may marka sya sa mukha). His hunger for power drove him to plot a devilish plan designed to give him the leadership of the tribe and, on the side, the love of his cousin Hanouf who loathes him. Together with his two cohorts, sya ang nag-orchestrate ng giyera between the tribes starting with the kidnapping of Hasnah and Nemah, both younger daughters of the two Sheikhs. But of course evil will not triumph over good kaya syempre, he was discovered.

Medyo complex ang story but what’s good about it is that well-developed ang lahat ng characters. At nabantayan ang mga actors in their respective portrayal making the whole thing quite believable. Dapat hindi lang sya pang-tv. It could very well be a full-length epic movie.

According to Wikipedia, this is the most expensive Arabic production for television at US$ 6M. Sulit naman dahil talagang maganda. It’s something the arabs can be proud of pagdating sa entertainment world.

And as a Pinoy, ako’y naiinggit. Bakit hindi tayo makagawa ng ganito kagandang production. Something na maipapakita ang kultura ng mga Pinoy. Something that can go beyond the materialistic mall culture na masyado nang sumira sa identity natin as Pinoys. I hope our television stations will come up with something better than remakes of old movies and Caparas’ novels.