Wednesday, February 13, 2013

raising a monster


Actually ang buong title nito ay Raising a Monster – Scenes from a Burger Joint.  Mga eksena kasi itong nahagip ng ewan ko ba naman at kahit singkit na mata ko eh kung ano-anong nakikita kapag kumakain sa mga burger houses or any other fastfood joint at may mga batang nasa paligid.  Oh yeah, pati bata pinatulan! Hahaha...

Having a quick bite in burger houses here in the Phl is an entirely different experience compared to that in KSA.  Sa Saudi kasi, separate ang family section kaya ang tulad kong singgol ay pwedeng kumain nang tahimik sa isang sulok. Hindi tulad dito sa Pinas na pag minalas-malas ka, you’ll choke on your fries pag nagulantang ka ng mga nagtatalunang paslit.  Much more the sound of their shrill screams when they throw serious tantrum coz mom or dad didn’t get them the toy that doesn’t really come free with the kiddie meal.

I can only grimace in silence pag ganito ang mga eksenang nakikita ko.  Little brats na hindi kayang kontrolin ng mga magulang lalo na sa public places. At first, nakaka-awa ang mga magulang dahil napapahiya sila syempre.  Worse, nakaka-awa sila dahil more likely than not, sila din ang sisipain o sisigaw-sigawan ng mga batang ito pag lumaki na at dinala ang pagiging monster ng mga ito. 

Wala akong parenting experience kaya hindi ko sasabihing may authority ako na magsabi ng ganito ganyan sa pagpapalaki ng bata.  But from a plain onlooker’s view, nakakainis lang na kaliliit pang bata pero naging monster na. Sana lang, parents would exert more effort to take on their role as parents.  For their own good and, most importantly, for the kid’s.

Scene 1: Physically challenged ba?

Isang Tatay, kinarga si little boy sa harap ng counter.  Cute.  Hindi kasi maabot ni little boy yong counter from where he can see the pictures of the kiddie meal.  Cute nga di ba.

But just outside the glass panel, sa labas nong burger place, ibang eksena ng kargahan ang nangyayari.  Si little girl na nagha-hopscotch pa while walking along the mall’s corridor, biglang nagpapa-karga kay Mommy.  Eh porma si Mommy kaya no-no.  Andyan kasi si yaya.  So si yaya na medyo payat naman, kinarga si little girl na hindi naman little dahil mukhang 80 kilos ang bigat.

What’s wrong?  Ewan ko pero it doesn’t sit right to me.  Kung hindi physically challenged ang bata, let him or her walk.  Gawin ang mga bagay na kaya nyang gawin.  Karga is cute sometimes like the father and the kid in front of the counter.  Pero pag ganito, that’s plain laziness and rottenness for me.
Wag ka ng magtaka Mommy pag lumaki ang anak mong maarte, tamad or pala-asa at pala-utos.  Coz that’s exactly what you’re teaching your girl right now.

Scene 2: Bibo vs Pilyo

This little boy na parang kiti-kiti keeps on running around the place.  Wala kasing play area yong McDo na kinakainan ko.  So ginawa ni little boy na play area ang buong lugar.  Takbo dito, takbo don.  Eh nasagi si staff na may ise-serve na food.  Buti na lang hindi bumagsak ang tray ni staff.  What did the boy do?  Just stare at the staff and resumed his running streak. Walang sori-sori!

A few minutes passed.  Napagod na siguro katatakbo ang kiti-kiti kaya umupo na at kumain.  Pero maligalig.  Naririnig ko ang angilan nila nong Nanay.  Pati yong katabi nyang bata (which I suppose is his brother) inaaway nya.  Maya-maya binatukan na si little brother.  Ngalngal si binatukan.  Si Mommy, piningot si kiti-kiting nambatok.  Dalawa na ang ngumalngal!

I know kids can be too much to handle lalo na pag pilyo.  Pero ang alam ko rin, hindi nakukuha sa pingot ang ganon.  I think mas effective kung kakausapin, papangaralan at ii-explain kung ano yong ginawa nya.  Teaching kids the idea of right and wrong can never be through pingot or any physical pain na ii-inflict mo sa kanya.

DSWD is now on the lookout for parents physically hurting their children.  This is no longer the dark ages where the adage ‘spare the rod and spoil the child’ is a creed.  Kaya dapat ibang strategy ang gamitin ni Mommy para si kiti-kiti ay mailagay sa tamang ayos.  I just wish she’d find that strategy and find it soon.  Dahil potential barumbado si kiti-kiti and heaven knows what he will be ten, twenty years from now.

Scene 3: The high and mighty.

I’m seated facing a young family.  Mga late 20’s lang siguro si Mommy at Daddy.  Mommy tends to the toddler na naka-high chair while their obviously elder child, a boy (must be 5 or 6 years old) seems to be sulking.  Nagmamaktol. Ayaw kumain. 

Naririnig kong pinipilit hingin sa Daddy yong toy na nasa picture ng kiddie meal.  No ng No si Daddy.  Eat your food.  No.  Eat your food or i’ll leave you here.  O di ba ang sosyal ni Daddy.

Pero alam ko hindi sosyal yong ginagawa nya sa little boy nya.  Nagmamarakulyo ang bata but instead of using other tactics, Daddy is throwing his weight as the one who’s bigger and mightier between the two of them.  Kaya si little boy ngumalngal na ng tuluyan.

Again, wala akong parenting experience pero hindi kaya magandang ginawa ni Daddy ay i-explain sa bata kung bakit hindi pwedeng ibigay ang hinihingi nya?  Again, talk.  Make him understand whatever your reason kung bakit hindi mo binibigay ang gusto nya.  A stern NO, no matter how authoritative wouldn’t do.  Bata yan eh, hindi nya maiintindihan kung hindi mo ii-explain.  At lalong hindi nya maiintindihan kung bakit may threat ka pang ginagawa.  Ayan, ayaw ng tumigil ni little boy sa pag-ngawa.

Scene 4: The Inquisition.

Katabi ng table ko ang table ni Mommy at little boy.  Mommy was so busy texting hindi ginagalaw ang pagkain while little boy munches happily on his burger and fries. Slurping pa on his soda, natatakot akong sumama sa pagsipsip si straw at mabilaukan ang bata ng hindi oras!

In between nguya ni little boy, he asks Mom so many things.  Bakit daw malamig ang ice.  Bakit daw color red ang catsup.  And so many things na inane para sa ating mga grown ups.

Gusto ko nang sagutin ang mga tanong ni little boy dahil si Mommy, hindi pinapansin si little boy.  Text pa rin ng text.  Kumain ka lang dyan.  Wag kang tanong ng tanong.  Sabi ba naman sa bata.

But the boy kept on with his inquisition.  Where’s daddy ba?  Obviously an innocent question from an innocent mind.  Akalain mong singhalan ni Mommy.  Shut up.  Sabi ba naman. 

Effective dahil tumahimik ang bata.  Pero gusto kong batukan si Mommy.  Kung may problema ka sa asawa mo, wag mong i-shut up ang bata.  Asking questions is your little boy’s way of saying na “Mommy I want to learn something today”.  Eh bakit sina-shut up mo?  Don’t you want your kid to learn things?

Granted na may LQ si Mommy at si Daddy.  Baka may kabit si Daddy kaya mainit ang ulo ni Mommy.  But I pray that Mommy doesn’t do that ‘shut-up’ stunt all the time.  Kawawang bata walang matututunan kungdi shut up!

So why am I making a blog out of this? 

Siguro to remind parents to be more careful in dealing with their kids.  Dahil may mga katulad kong walang magawa sa buhay at pati parenting skills nila ay nakikita at pinapatulan.  Damn, I should stop eating at those fastfood chains soon.  Kung ano-ano na ang nakikita ko! Hahaha.

No comments: