Actually ang buong title nito ay
Raising a Monster – Scenes from a Burger Joint.
Mga eksena kasi itong nahagip ng ewan ko ba naman at kahit singkit na
mata ko eh kung ano-anong nakikita kapag kumakain sa mga burger houses or any
other fastfood joint at may mga batang nasa paligid. Oh yeah, pati bata pinatulan! Hahaha...
Having a quick bite in burger
houses here in the Phl is an entirely different experience compared to that in
KSA. Sa Saudi kasi, separate ang family
section kaya ang tulad kong singgol ay pwedeng kumain nang tahimik sa isang
sulok. Hindi tulad dito sa Pinas na pag minalas-malas ka, you’ll choke on your
fries pag nagulantang ka ng mga nagtatalunang paslit. Much more the sound of their shrill screams
when they throw serious tantrum coz mom or dad didn’t get them the toy that
doesn’t really come free with the kiddie meal.
I can only grimace in silence pag
ganito ang mga eksenang nakikita ko. Little
brats na hindi kayang kontrolin ng mga magulang lalo na sa public places. At first,
nakaka-awa ang mga magulang dahil napapahiya sila syempre. Worse, nakaka-awa sila dahil more likely than
not, sila din ang sisipain o sisigaw-sigawan ng mga batang ito pag lumaki na at
dinala ang pagiging monster ng mga ito.
Wala akong parenting experience
kaya hindi ko sasabihing may authority ako na magsabi ng ganito ganyan sa
pagpapalaki ng bata. But from a plain
onlooker’s view, nakakainis lang na kaliliit pang bata pero naging monster na. Sana
lang, parents would exert more effort to take on their role as parents. For their own good and, most importantly, for
the kid’s.
Scene 1: Physically challenged
ba?
Isang Tatay, kinarga si little
boy sa harap ng counter. Cute. Hindi kasi maabot ni little boy yong counter
from where he can see the pictures of the kiddie meal. Cute nga di ba.
But just outside the glass panel,
sa labas nong burger place, ibang eksena ng kargahan ang nangyayari. Si little girl na nagha-hopscotch pa while
walking along the mall’s corridor, biglang nagpapa-karga kay Mommy. Eh porma si Mommy kaya no-no. Andyan kasi si yaya. So si yaya na medyo payat naman, kinarga si
little girl na hindi naman little dahil mukhang 80 kilos ang bigat.
What’s wrong? Ewan ko pero it doesn’t sit right to me. Kung hindi physically challenged ang bata,
let him or her walk. Gawin ang mga bagay
na kaya nyang gawin. Karga is cute
sometimes like the father and the kid in front of the counter. Pero pag ganito, that’s plain laziness and
rottenness for me.
Wag ka ng magtaka Mommy pag
lumaki ang anak mong maarte, tamad or pala-asa at pala-utos. Coz that’s exactly what you’re teaching your
girl right now.
Scene 2: Bibo vs Pilyo
This little boy na parang
kiti-kiti keeps on running around the place.
Wala kasing play area yong McDo na kinakainan ko. So ginawa ni little boy na play area ang
buong lugar. Takbo dito, takbo don. Eh nasagi si staff na may ise-serve na
food. Buti na lang hindi bumagsak ang
tray ni staff. What did the boy do? Just stare at the staff and resumed his
running streak. Walang sori-sori!
A few minutes passed. Napagod na siguro katatakbo ang kiti-kiti
kaya umupo na at kumain. Pero maligalig. Naririnig ko ang angilan nila nong
Nanay. Pati yong katabi nyang bata (which
I suppose is his brother) inaaway nya.
Maya-maya binatukan na si little brother. Ngalngal si binatukan. Si Mommy, piningot si kiti-kiting nambatok. Dalawa na ang ngumalngal!
I know kids can be too much to handle
lalo na pag pilyo. Pero ang alam ko rin,
hindi nakukuha sa pingot ang ganon. I
think mas effective kung kakausapin, papangaralan at ii-explain kung ano yong
ginawa nya. Teaching kids the idea of right
and wrong can never be through pingot or any physical pain na ii-inflict mo sa
kanya.
DSWD is now on the lookout for
parents physically hurting their children.
This is no longer the dark ages where the adage ‘spare the rod and spoil
the child’ is a creed. Kaya dapat ibang
strategy ang gamitin ni Mommy para si kiti-kiti ay mailagay sa tamang
ayos. I just wish she’d find that
strategy and find it soon. Dahil
potential barumbado si kiti-kiti and heaven knows what he will be ten, twenty
years from now.
Scene 3: The high and mighty.
I’m seated facing a young
family. Mga late 20’s lang siguro si
Mommy at Daddy. Mommy tends to the
toddler na naka-high chair while their obviously elder child, a boy (must be 5
or 6 years old) seems to be sulking.
Nagmamaktol. Ayaw kumain.
Naririnig kong pinipilit hingin
sa Daddy yong toy na nasa picture ng kiddie meal. No ng No si Daddy. Eat your food. No.
Eat your food or i’ll leave you here.
O di ba ang sosyal ni Daddy.
Pero alam ko hindi sosyal yong
ginagawa nya sa little boy nya.
Nagmamarakulyo ang bata but instead of using other tactics, Daddy is
throwing his weight as the one who’s bigger and mightier between the two of
them. Kaya si little boy ngumalngal na
ng tuluyan.
Again, wala akong parenting
experience pero hindi kaya magandang ginawa ni Daddy ay i-explain sa bata kung
bakit hindi pwedeng ibigay ang hinihingi nya?
Again, talk. Make him understand
whatever your reason kung bakit hindi mo binibigay ang gusto nya. A stern NO, no matter how authoritative
wouldn’t do. Bata yan eh, hindi nya
maiintindihan kung hindi mo ii-explain.
At lalong hindi nya maiintindihan kung bakit may threat ka pang
ginagawa. Ayan, ayaw ng tumigil ni
little boy sa pag-ngawa.
Scene 4: The Inquisition.
Katabi ng table ko ang table ni Mommy
at little boy. Mommy was so busy texting
hindi ginagalaw ang pagkain while little boy munches happily on his burger and
fries. Slurping pa on his soda, natatakot akong sumama sa pagsipsip si straw at
mabilaukan ang bata ng hindi oras!
In between nguya ni little boy,
he asks Mom so many things. Bakit daw
malamig ang ice. Bakit daw color red ang
catsup. And so many things na inane para
sa ating mga grown ups.
Gusto ko nang sagutin ang mga
tanong ni little boy dahil si Mommy, hindi pinapansin si little boy. Text pa rin ng text. Kumain ka lang dyan. Wag kang tanong ng tanong. Sabi ba naman sa bata.
But the boy kept on with his
inquisition. Where’s daddy ba? Obviously an innocent question from an
innocent mind. Akalain mong singhalan ni
Mommy. Shut up. Sabi ba naman.
Effective dahil tumahimik ang
bata. Pero gusto kong batukan si
Mommy. Kung may problema ka sa asawa mo,
wag mong i-shut up ang bata. Asking questions
is your little boy’s way of saying na “Mommy I want to learn something
today”. Eh bakit sina-shut up mo? Don’t you want your kid to learn things?
Granted na may LQ si Mommy at si
Daddy. Baka may kabit si Daddy kaya
mainit ang ulo ni Mommy. But I pray that
Mommy doesn’t do that ‘shut-up’ stunt all the time. Kawawang bata walang matututunan kungdi shut
up!
So why am I making a blog out of
this?
Siguro to remind parents to be
more careful in dealing with their kids.
Dahil may mga katulad kong walang magawa sa buhay at pati parenting
skills nila ay nakikita at pinapatulan.
Damn, I should stop eating at those fastfood chains soon. Kung ano-ano na ang nakikita ko! Hahaha.