a few days before undas, bumili na ako nitong mga kandila. dahil hindi ako personally makaka-dalaw sa kanilang mga kinalalagyan, i said i'll just light these candles for them. kasi, kahit hindi ako masyadong relihiyoso, i'd still follow a few practices specially when it involves the people i love. more than what other people would say, mas concerned ako na baka isipin ng mga taong mahal ko na kinalimutan ko na sila sa ganitong araw pa mandin.
so while picking out the candles sa grocery, i chose blue para sa mahal kong tatay dahil yon ang favorite color nya. pati nga nitso nya ganyan ang pina-pintura ko noon kaya nagalit yong may-ari ng memorial garden sa akin. sinisira ko raw yong solemnity nong lugar with the blue sticking out like a sore thumb among the all-white tombs. (she must be thinking of me now dahil nakita ko sa news na uso na sa mga sementeryo ang multi-colored tombs).
for my nanay, i chose yellow - the color of gold dahil gustong-gusto nya ang mga kagintuan na pinapasalubong ko sa kanya noong nasa saudi pa ako.
and for jepoy who left this world pure barely a month before his 13th birthday, i chose white.
at around 8 pm kagabi, sabay-sabay ko silang sinindihan while telling them how much i miss them. tapos iniwan ko na sila at nag-shower ako, nanood ng tv, nag-internet at kung ano-ano pa. every now and then sinisilip ko lang kahit alam ko namang safe dahil walang masusunog na bagay sa terrace na kinalalagyan nila.
same material, same size, iba-iba lang ang kulay. pero ang bilis naubos ng blue. unang-una syang namatay. a couple of hours more saka lang namatay yong white. and maybe an hour more saka naubos yong yellow.
what's the fuss about it?
tatay died 17 years ago. jepoy 5 years ago and nanay 2 years ago. bakit pati ang pagkaubos ng kandila, ganon din ang order pati ang spacing?
nagkataon? umo-OA lang ako?
di ko alam. ang alam ko lang, they must be looking down on me from the heavens. naramdaman ko na hindi nila ako nakalimutan. and they are always with me, their love always protecting me and guiding me.
i love you po and miss you so much tay and nay.
and jepoy, 5 years can never ever take away the pain of losing you.
have peace wherever you are.

No comments:
Post a Comment