Friday, March 16, 2012

reducing our carbon footprint


Buhat pa nong March 1, naki-join ang Sta Rosa sa iba pang cities and municipalities na nag-ban na ng plastic bags at iba pang non-biodegradable materials.  Last thing I heard, a bigger part of Metro Manila has been doing this for some time now.  At target yata na buong Metro Manila at iba pang lugar ay totally i-ban ang plastics in the near future. Kaya yong unang weekly grocery ko for March sa aking suking Waltermart, sa brown paper bags na nilalagay nong bag boy ang mga pinamili ko.

Of course mahirap bitbitin ang supot na papel lalo na may binili akong fish and meat.  Lalo na yong coke litro na mamasa-masa dahil galing sa malamig na freezer.  So kung ilalagay mo sa paper bag yon, kailangan yakapin mo sya or else lulusot dahil siguradong mabubutas si supot! May eco-friendly bag naman daw sabi ng cashier.  Ok. Di bale nang magbayad ng 10 pesos per bag kesa naman mabutas ang supot at sumabog ang pinamili ko sa sahig!

I really have no problem doing away with plastic bags.  Kahit ibig sabihin non eh wala na akong libreng lagayan ng basura sa bahay.  No choice kungdi bumili na rin ng itim na waste bags na plastic pa rin at hindi pa naman totally pulled out of the stores.  Walang problema kahit bumili pa ako ng apat na eco-friendly bags na 10 pesos each kung nasa Waltermart grocery ka at 35 pesos kung nasa SM ka. If this is the way I can contribute to the betterment of our ecological situation, by all means, go!

But amidst this frenzy of being eco-friendly plastic-free society, nagtanong ba tayo kung bakit kailangang gawin?

I heard from one report na ang biggest reason daw why plastics have to be banned ay dahil ang plastics ang bumabara sa mga kanal kaya nagkakaroon ng malaking pagbaha sa Metro Manila at iba pang lugar. Hindi rin daw biodegradable kaya napupuno ang mga landfill.  Masama din daw kung susunugin dahil nagko-cause ng pollution.

Fine.  Don sa last two statements, isang word lang ang sasabihin ko: RECYCLE.  At don sa unang statement, dyan tayo hahaba ang usapan!  

Bakit babara sa kanal at magba-baha dahil sa plastic?  Hindi dahil sa plastic mga kabayan.  Dahil sa UGALI nating mga Pinoy.  Dahil sa KAWALAN ng DISIPLINA! Hindi dahil sa plastic.

Paano ba mapupunta sa kanal ang plastic kung hindi natin itinapon?  Hindi naman kusang lilipad yong plastic para humanap ng kanal or imburnal or manhole at sisiksik sya doon saka magtatatalon na ‘yehey naka-bara ako sa kanal’!

Bakit sa Singapore wala tayong nababalitaan na bumaha dahil nagbara ang mga kanal?  Dahil sa kanila bawal magtapon kahit balat ng kendi sa kalsada.  Eh sa Pinas, di ba parang isang malaking basurahan ang kalsada, kanal at mga ilog?  

Which leads me back to my early days na ang slogan ni former President Marcos eh Sa Ikauunlad ng Bayan, Disiplina ang Kailangan.  Totoo naman.  Bakit noon disiplinado tayo kaya ang Pinas ang tinawag na Tiger Economy of Asia.  Eh ngayon, oo nga at nasa demokrasya tayo, we enjoy such freedom a lot of oppressed nations are dying for, and yet we’ve been left behind.  Kulelat na yata tayo sa ASEAN region kung economy ang pag-uusapan.

Kahit ang kawawang Vietnam na nilugmok ng sangkatutak na giyera, naungusan na tayo.  Their economy is now far better than Pinas. In fact, marami na sa mga kababayan natin ang ginagawa itong destination for work.  Hindi ba nakakahiya na dati kulelat sila and yet here we are, sugod na sa kanilang bansa dahil mas maraming opportunity at magandang kumita ng pera?

I’m not saying we have to go back to the martial rule that President Marcos imposed.  Ang sinasabi ko lang, let’s enjoy our freedom and at the same time, be a responsible citizen.  Tulad na lang dito sa basura.  Wag magtapon kung saan-saan. Wag magkalat.  Because in the long run, it is our lives that suffer from the consequences.  

Sige, magtapon ka at magkalat.  Pagdating ng kaunting ulan, binaha ka.  Na-Ondoy ka (ouch, i hate to use it pero naging synonymous na ang pangalan ko sa delubyo!).  Ang bahay at kotseng pinundar mo, pinaghirapan mo, nalubog sa baha.  Oh, di aatungal ka.  Kayod ka na naman para magpundar ulit.

Hindi naman siguro nagkukulang ang gobyerno sa pagpapa-alala sa atin.  Matigas lang talaga ang ulo natin.  Natural tayong pasaway.  Kaya kahit ano pang sangkatutak na legislation ang gawin ng ating mga mambabatas, kung hindi tayo susunod, walang mangyayaring pag-unlad sa ating bansa. In fact, isa na yata tayo sa bansa sa buong mundo na napakaraming batas.  And yet walang nangyayari.  It only encourages corruption.  Dahil nga maraming pasaway. Kailangan pa ba na bumalik sa authoritarian rule para lang tayo sumunod?  

I laud the think tanks who initiated this plastic-free society.  Good thinking.  Pero sana lang, sinamahan din ng mas magandang intention.  At nilinaw na hindi ang plastic ang problema.  Kungdi tayo mismo. If the change comes from within ourselves, mas magiging natural at malinaw ang gagawin ng bawat isa para maka-contribute sa kalinisan at kaligtasan ng kapaligiran.

And you think brown paper bags are better?  Think again.  Kung 200 paper bags ang magamit ko sa aking paggo-grocery sa isang taon, isn’t it that it equates to one tree being cut down somewhere?  Hindi ba’t deforestation is another demon we’re trying to combat because of the flash floods and land slides?  So kung buong Pinas ay paper bag ang gagamitin, ilang libong puno ang kailangan nating itumba?  In the end, ilang bayan ang babahain at makakaranas ng land slides?

Yon ang reason ko kung bakit kahit gumastos ako ng 10 pesos for the eco-friendly bag daw, i’d rather do it.  Dahil alam kong hindi man bumara sa kanal ang paper bags, it still means devastation of our forests.  By not patronizing the brown paper bag, i know I'm going one step further.  I'm reducing my carbon footprint even greater.  So I’m a good citizen.  Yes  I am!