Thursday, January 5, 2012

a public service para sa mga inuutong OFW


Dec 22, a few days before Christmas, bumisita sa aking lungga ang dalawang good friends  from Jubail - Jonas and Jay.  Jonas who’s on an extended bakasyon will soon be flying back on the 28th kaya sinamahan ko sya para mag-process ng kanyang OEC. Instead of wasting precious hours and blowing his top sa POEA Ortigas (kung OFW kayo alam nyo ang ibig kong sabihin), sabi ko sasamahan ko na lang sya sa Calamba where I’ve been getting my OEC since I’ve become a Rosenan.  

Considering na peak season, siguradong by the thousands ang nagpa-process ng OEC sa Ortigas.  Eh dito sa Calamba, never ko pang naranasan, ke peak season o hindi, na pumila ng matagal.  At the most, wala pa yatang 40 persons yong inaabot kong pila.  Ang hindi lang maganda dito, POEA at OWWA lang ang magkatabi ang offices.  Philhealth and Pag-Ibig are in separate buildings at kung hindi mo alam ang flow ng proseso, magpaparo’t parito ka.  

Nevertheless, dumating kami ng Calamba around 11:45am and by 2pm, Jonas got his OEC.  Minus the 45- minute lunch we had, less than two hours lang yong buong proseso.  It could have been shorter kung  hindi kami nagpabalik-balik dahil hindi namin alam na aside from Philhealth, pati pala Pag-Ibig ay mandatory na rin.   Since July pa raw sabi nong taga POEA.

Napa-HUH??? talaga ako.  Bakit ginawa nang mandatory ito?  It’s a contribution that should only be done if – and only if – a person chooses to do so.  It should have stayed optional as it was before.  Personal choice dapat ito.  Hindi utos ng kung sinong herodes na dapat mong sundin.

Hindi kasi ako naniniwala dyan.  Kakaltasan ka ng kita mo, ilalagay daw kuno sa pondo na pwede mong kunin later on pero pag minalas ka, kukurakutin ng kung sino.  At pag nag-loan ka, pahihirapan ka ng husto bago mo makuha – kung ano-anong dokumento ang hihingin sa yo, kung sino-sinong herodes ang pupuntahan, lalapitan at susuhulan mo – para ano?  Para makakuha ka ng kapiranggot na loan?  

Sa mga tulad kong hindi mahilig sa loan – and most importantly – hindi bilib sa Pag-Ibig na yan, bakit kailangang idamay kami?  If I choose to manage my finances on my own, why impose something like this?  

Sa Philhealth hindi ako masyadong nag-react noong gawing mandatory.    That time kasi, nagagamit ni Nanay yong benefits in her frequent trips to the hospital.  Ang kaso, itataas na raw ng Philhealth ang contribution.  From 900 pesos, gagawin nang 1,200 starting this month.  And this is only in preparation for the full implementation of the new rate in July na gagawin na raw 2,400 pesos.  Aysowss!!!  

Kailangan daw protektahan ang universal health care ng lahat ng Pilipino.  Eh mga impakto pala kayo. Paano maa-afford ng masang Pinoy yan kung ganyang itataas pa ninyo ang membership?  Kami ngang kumikita ng dolyares pahirap na yan.  Besides, kapiranggot na discount din lang naman ang binibigay ninyo.  Nakakainit kayo ng uloooo!

Idagdag ko pa yang OWWA na yan.  Nago-offer naman daw ng assistance sa re-integration ng returning OFWs.  Balak ko nga sanang pumunta para naman mapakinabangan  and halos 2 decades kong contribution sa kanila.  But as soon as I found out kung magkano yong financial assistance na sinasabi, I killed the idea with a shotgun.  Ano’ng mangyayari sa 10,000 pesos?  

At huwag mag-magaling yang OWWA na yan huh.  Jay (oh kala mo extra ka lang dito?  Bida ka rin! Hehehe) after his Jubail stint, went on to Libya.  At isa sya sa mga na-apektuhan noong magkaron ng revolution doon.  At sa kwento nya, walang ginawa ang OWWA.  They were repatriated through the sole effort of their company.  Ang OWWA officials?  Dinaanan lang sila while they were at the border papasok ng Tunisia.  Yan ba ang makukuha mo sa mga binabayaran mo sa OWWA na yan?

Kaya wag nyo na kaming utuin.  Bagong Bayani?  Baka bagong gatasan.  

Eniweyssss... bago pa uminit ng husto ang ulo ko, let me just do some public service through this post.  Kung kayo po ay isang OFW na nasa CALABARZON area, I suggest na dito na lang kayo sa Calamba satellite office mag-process ng OEC ninyo.  Kung hindi nyo rin lang priority na mag-liwaliw sa Robinsons o kaya gumala at bumili ng mga imitation sa Greenhills, Calamba is the better option.

To save time, unahin na ninyong pumunta ng Philhealth, isunod ang Pag-Ibig saka tumuloy sa OWWA at POEA.  Pag dumiretso kayo ng POEA, hindi kayo ipa-process kung wala pa kayong receipts ng mga sinabi kong unahin.

You’ll have to go to Barangay Halang.  Eto po ang mga numbers gathered from their websites, in case you need to call them for any queries.
POEA – (049) 545-7361; (049) 545-7358; (049) 545-0294
OWWA - (049) 545-3746 / 502-2866

Nag-attach ako ng map.  Take note lang po mga kabayan na ang Philhealth ay lilipat daw ng location ngayong January.  Hindi ko nakuha ang exact location pero malapit daw sa Calamba Doctors Hospital.  Ang naka-indicate sa map ay ang lumang location nila.  

Sana po makatulong ito.  At maka-bawas sa inis na dadanasin ninyo.  Happy New Year mga ka-OFW! 


No comments: