For a couch potato like me, it’s
frustrating to watch tv these days.
Minsan, wala ka talagang mapanood na matino. Sa dinami-dami ng channels
(i’m on Sky Cable), there are times i can’t find anything worth watching.
Buti na lang there’s GMA News Tv. Their documentaries are the best. Front Row, Investigative Documentaries,
Reporter’s Notebook, Brigada, I-Witness and so many others. Not to forget my favourite, Jay Taruc’s Motorcycle Diaries. Kara David. Sandra Aguinaldo. Malu Mangahas. Howie Severino. And of course, the queen of em all, Jessica
Soho. These are my superstars. Kaso
lang, there are times na rerun ang mga pinapalabas nila so I have to switch
channels.
I don’t know much about the
morning shows kasi tulog pa ako non. But
noontime of course is dedicated to Eat Bulaga. I just can’t miss Pinoy Henyo. Di ko rin pwedeng ma-miss yong PNV segment at
yong SBG simply because Jose is so funny. It’s
amazing how he (with Wally and Paulo) can sustain that kind of humor everyday
and in the process keeps it varied para hindi nakakasawa. I admire how they can make fun of their
segment na hindi nakaka-offend at hindi lumalagpas sa boundaries. Dati kasi pinapanood ko ang Showtime but I
got tired of Vice Ganda’s arrogance. Hindi mo pwedeng latiguhin ang isang tao, insultuhin mo to the max,
saka mo sasabihing biro lang. What's funny about that?
Sa hapon, i’m switching between
TV5’s Face to Face ni Amy Perez at GMA News Tv’s Personalan ni Ali Sotto. Only to snoop on the conflicts being
discussed. Pero hindi ko tinututukan
lalo na’t nagsasapakan na or ngalngalan portion na. Uzi lang ako pero pag batuhan na ng silya
nilalayasan ko na. Sana lang whatever
royalty they’re given is worth the shame they have to face in doing it.
Early evening it’s 24 Oras for
news. But after that, channel surfing na
ako. I don’t go for soap kaya babalik
lang ako sa 7 pag Survivor na. After
that, I’ll check on National Geographic or Discovery and see if there’s
anything interesting. Kung wala, punta
naman ako ng Star Movies, HBO and Cinema One.
Kaya lang, most of the time, puro reruns din ang palabas.
Click. Click.
My remote control is burning. Kung
pwede lang akong batukan nito baka nabukulan na ako. Eh kasi naman... Eli Soriano in one Channel. Paglipat mo, may
nagbabasa na naman ng bible. Another
click and there’s this American evangelist preaching. Lipat pa, may gospel singing naman. Another click and there’s this lady preacher
na hysterical na sa pagsesermon.
Hayysss... Sori po pero di ako masyadong religious.
After 10 seasons of American
Idol, sawang-sawa na ako sa mga singing competition. Kaya nagsimula at natapos ang X Factor na
wala akong pakialam. Eto at may Sing Off
pa. Di ko na rin pinapanood ang So You Think
You Can Dance na 6 seasons ko ring tinutukan when I was in Saudi. Eversince di ko rin pinanood ang Dancing With
The Stars. Pati yong America’s Best
Dance Crew. Or Britain’s Got to Dance.
Sukang-suka na rin ako sa mga
cooking shows. May Junior Master Chef
Australia, meron ding version si Judy Ann sa Ch2. GMA has Kusina Master, Sarap At home at
Quickfire. Meron ding Gellicious sa
TV5. Si Rachael Ray buhay pa rin pati si
Martha Stewart. May Bernard Legasse
pa. At Two Greedy Italians. Iron Chef, Chef Versus City, The Delicious Ms
Dahl, at kung ano-ano paaaa! Kahit saan ka pumunta puro pagluluto! Pati ba naman pag-gawa ng cupcake ginawa na
ring show? Deym!
Nagsawa na rin ako sa talk shows
kaya click lang pag nadaanan si Oprah (which we all know are old episodes dahil
retired na ang queen of talk), Ellen, Jay Leno, David Letterman, Conan at kung
sino-sino pa.
Pati nga Velvet channel
pinapatulan ko minsan. I got curious for
a while kung ano yong Jersey Shore.
Basura pala. What’s interesting
about douche bags and bimbos yelling and punching each other? Buti pa sa Lifestyle Network may mga home
design programs akong nae-enjoy like Deserving Design by Vern Yip and Carter
Can by Carter Oosterhouse.
Before I go to bed, it’s my
favorite The Simpsons sa Jack Tv. Early
morning na yon kasi 1am sya nage-ere.
Buti na lang the new season will be on an earlier time slot (8pm).
Pag weekends, pahinga most of the
day ang tv ko. I don’t fancy Sunday shows
– Party Pilipinas, ASAP at yong mga showbiz shows. Sayang lang kuryente ko. Back to tv lang ako pagdating ng 7:30pm dahil
kay Bossing Vic and his Who Wants to be a Millionaire.
I’m looking forward to TV5’s announcements. Favorite ko kasi yong Amazing Race saka
Extreme Make Over Home Edition. Sana maganda
lumabas. At least madagdagan ang choices
ko.
For now, ah.... i’ll just leave my tv on. Pandagdag ingay lang.