Kakatapos ko lang panoorin ang Locked Up Abroad ng National
Geographic Channel and this particular episode was entitled Saudi Whisky Run. Kwento
ito ng isang British expat named Gordon Malloch who worked in a military hospital in
Riyadh back in the late-90’s. Dahil sa
pera, sinuway nya ang isa sa mga pinaka-bawal sa Saudi – ang pagbebenta ng
alak. In the end, na napaka-obvious
naman sa title nong program, nahuli at nakulong sya.
He started out small-time.
Tulad nong very common na naririnig ko sa Saudi na parang may homework
lang sa high school chemistry. Nagmi-mix
ng juice, sugar and yeast na i-iimbak sa isang container for a few weeks tapos
presto, may alak na. Ang masakit, hindi lang for personal consumption ang
project nya. Ginawa nya itong
negosyo. He sells as much as 50 liters
of red or white wine sa isang delivery lang.
Dahil may military pass sya dahil nga sa trabaho nya, hindi naging
problema ang pagde-deliver kahit may mga check points. Though there were
several instances na muntik-muntikan na syang masilat sa check point, basta
nakita ang ID nya sa military hospital, nakakalusot sya. And these instances
made him believe that he’s invincible. And
that he’s unstoppable.
Kaya hindi sya nakontento sa small time. Ilang panahon lang,
he went big time. In one of his weekend
trips to Bahrain, may nakilala syang supplier na nakakapag-puslit ng whisky –
the real thing – at sya ang ginawang distributor in and around Riyadh area. Kwento nya, there was a time that he was
keeping at least 200 bottles of Black Label in his backyard warehouse in his
villa.
His troubles started nong may nakilala syang isang prince na
sya mismong um-order sa kanya ng 10 cases nong alak. For the first time, kinabahan na sya. But the greed for money at dahil nga akala
nya his luck wouldn’t run out, tinuloy pa rin nya ang deal. Immediately after that, ni-raid ang bahay
nya. Syempre nakuha ang kahon-kahong
ebidensya.
Mula sa pagbibilang ng limpak-limpak na riyales,
biglang-biglang mga suntok na ng mga pulis ang binibilang nya. He was thrown into Al-Malaz Prison, walang
trial-trial at na-sentensyahang makulong ng 3 taon, may bonus pang 800 lashes.
Kahit dramatization lang yong mga eksena buhat sa
pagka-aresto nya hanggang sa buhay nya sa loob ng kulungan, sobrang realistic
pa rin ang dating. It made me cringe.
(Though let me point out na ang mga ginamit na muttawa, to me, looks like
ordinary Saudis at hindi yong talagang heavily bearded white-clad religious
police na itsura pa lang ay nakakatakot na).
Medyo maswerte pa rin sya dahil hindi pa nya naranasan yong
lashes at kalahati lang nong 3 year sentence ang na-serve nya pero nabigyan sya
ng pardon. He didn’t mention anything
about his embassy working on his case but I suppose his government has had
something to do with the unexpected amnesty.
And now he can tell his story, teary-eyed at some point, from the comforts
of his home in Scotland.
Halos dalawang dekada din akong nabuhay at nagtrabaho sa Saudi. At dahil alam ko ang kalakaran ng buhay doon,
naintindihan ko ang istorya ni Gordon.
Though I wouldn’t justify his greed at talaga namang mali yong paraan ng
pagkita na ginawa nya, nauunawaan ko yong punto nya na kumita ng mas malaki kesa
sa sweldo nya. Afterall, he’s there for
the money (aren’t we all?).
At dahil nga matagal akong nagtrabaho sa bansang yon (and
heaven knows kung madadagdagan pa yong 18 years – i’m in a lull but not putting
a full stop to my ofw career as of yet), I can say with conviction na sa mga
expat workers, mas malaki ang porsyento ng mga pasaway kesa mga sumusunod sa
mga batas ng bansang yon. To state it a
little bolder, madalang – kung meron man – na makakapagsabing wala silang
nilabag na kahit anong batas ng bansang yon (sige kayo, ang kidlat baka hindi
mag-agree!).
Hindi lang dahil sa simpleng pasaway. Pero ang pinaka-ugat kasi non, ang
katotohanang napakraming bawal . Kaya kung ikaw ay galing sa isang malayang
bansa tulad ng UK at syempre Pinas, mahirap talagang sundin ang batas nila at
iwasan lahat yong mga sinasabi nilang bawal.
Alisin na natin yong addiction sa mga bawal na bisyo. Like alak, sabong at ibang form of
gambling. Wag na nating ibilang yong mga taong talagang may addiction sa mga
ganyang bagay. Lalo yong mga adik sa
recreational drugs. Kasi in the first place, hindi na lang sana Saudi ang
pinuntahan nila kung ganon.
Ang focus na lang natin, yong karamihan ng mga kababayan
nating manggagawa na walang ibang nasa utak nong mag-abrod kungdi ang kumita ng
mas malaki para sa ikagaganda ng buhay ng kanilang pamilya. Yong mga medyo mabait, medyo matino at medyo
takot na taong tulad ko (and that’s not open for argument! Hahaha).
Gusto kong isipin na naging isang matino at maayos
akong Pinoy OFW sa bansang yon. Pero kung hahatiin sa dalawang grupo ang mga
expats doon – itim para sa mga may ginawang paglabag at puti para sa mga
mababait at malilinis na walang kahit anong bahid, sumunod 100% sa batas,
siguradong hindi sa puti ako mapupunta.
Hindi dahil sa pasaway ako.
Hindi dahil sa may bisyo ako. Pero mahirap lang talagang gawin na huwag lumagpas sa guhit kung napakaliit ng demarcation line na pinapayagan kang galawan mo. Isang simpleng pagkikilala ng isang babae at lalaki - something na normal at non-issue sa Pinas - ay isang paglabag sa batas kung nasa Saudi ka.
Sa akin, dalawang halimbawa na lang ang gagamitin ko para hindi ito masyadong humaba (as in maraming justification? hahaha).
Hindi ako manginginom pero may ilang beses din akong
napaharap sa inuman. Just for the company
of friends na mas masarap kasama lalo kung nagkakantahan pa sa videoke. Pampalipas oras. Pang-alis homesick. Pero di ba, it’s one big irony kung nagkataon
dahil kahit hindi ako umiinom (or in rare occasions na napipilit ako ng sinasabi
nilang social drinking), nandon pa rin ako at sabit pa rin ako sa hulihan kung minalas-malas.
During my early years, nag-attend na rin ako ng bible study
sa imbitasyon ng isang kaibigan. Ito
hindi na bisyo. Bible na ang usapan dito. Religious. With higher purpose. Pero bawal pa rin. At paglabag pa rin yon sa isa sa pinag-babawal ng bansang yon.
Counting the many same people like me na takot sa pulis at
siguro’y mamamatay sa takot kung maisasakay sa police car kaya hindi
intentionally gumagawa ng pag-labag sa batas.
And yet lumalabag pa rin sa batas in one way or another, sa maliit at
kahit walang kakwenta-kwentang paraan. Yon
yong sinasabi kong malaking percentage na may violation pa rin ng law. Kaya sa itim pa rin ang bagsak kahit
relatively ay mababait na expat sa bansang yon.
Ang kagandahan nito, madalang sa mga taong ito ang napapahamak dahil marunong silang gumamit ng katakot-takot na pag-iingat. Dahil sa totoo lang, may kaunting tolerance din naman ang mga tao doon. Oo at gumagawa ka ng paglabag. Pero gawin mo na lang sa loob ng kwarto o bahay mo. Kung hindi nila nakikita, walang issue. Kung hindi nila alam, wala silang pakialam.
Pero kung talagang pasaway ka, lumalabag dahil akala mo ay hindi ka tatamaan ng malas, sa mga tulad ni Gordon na pasaway
na ay matigas pa ang kukote, ang problema ay nandyan lang sa
tabi-tabi. And the reality of getting
caught is almost as sure as the sandstorm that brings the change of seasons. And
needless to say, this is the last place on earth you’d want to have a run-in
with the law. It is the place you wouldn't want to be locked up.