Watched Josh Hartnett’s I Come With The Rain and after almost two hours of trying to figure out the whole sense of the film, I finally understood why it went straight to DVD after being shown in one or two countries (Japan lang yata). Super flop pala ito. According to one film site, its budget was US$ 18 million pero wala pa yatang 4 million ang kinita. Kasi nga, wala palang kwenta yong pelikula.
It’s like you were having some hot Chinese soup dahil sa violent and gory scenes na kung mahina ang sikmura mo, you’d throw up whatever you’ve had for dinner. Then biglang-bigla, susubuan ka ng ginataang kuhol dahil sa faith healing angle doon sa bida. Na di bale sana kung mala-Himala ni Ishmael Bernal ang tinakbo ng istorya. But it was placed in the whole film in a bad juxtaposition of the unbelievable against raw realism of violence, tons and tons of blood, ruthless killing and so on. So imagine the hot soup and the gata mixed with bad acting, editing and directing, siguradong tatakbo ka sa CR to throw up.
Nakaka-irita ang editing dahil ang daming scenes na pinuputol tapos ibabalik din wala namang sense yong cutting through na ginagawa. For me it was a dire effort on the part of the director to make the film interesting pero sa totoo lang it was one heck of a boring stuff.
Josh played Kline, a cop who left the force, became a private investigator hired by a billionaire to trace his missing son. The son, Shitao, went to Mindanao (Philippines, of course) and after a while disappeared. Nagkaron ng ilang eksena sa Mindanao dahil pumunta doon si Kline para hanapin (na ang dali namang nakita) ang isa pang PI na nauna na sa kanyang naghanap sa missing son. Pumasok pa si Kline sa isang cheapy-cheapy bar na naka-all the way ang mga babaeng sumasayaw (Gintong Araw pa ang sinasayaw ng mga hubad na buvae? Anong panahon pa ito?). Walang kwenta, walang dating at walang sense ang pagpasok nya sa bar. Basta lang maisingit ng director para may nudity sa film. At buti na lang hindi ito naipalabas sa mga sinehan sa Pinas dahil siguradong sisigaw ng protesta ang Gabriela, ang mga moralista at lalo ang simbahan.
Wala na si Shitao sa Mindanao, nasa HongKong daw. Takbo si Kline sa HK. At doon na tumakbo ang halos kabuuan ng istorya. Si Shitao pala ay naging isang faith healer living in squalor just outside the skirts of HK’s urban jungle. May kapatid sya, si Lili na hawak ng isang local gangster na si Su Dongpo. Pinagselosan si Shitao ni Su Dongpo, binaril, sapol ng ilang bala sa dibdib, pinako pa sa isang plank (in the position of a cross) pero sa ending buhay pa rin (faith healer nga eh ano ba!). Si Lili naman, instead na ipaliwanag na kapatid nya si Shitao, nag-emote lang ng nag-emote instead of screaming on top of her lungs that ‘he’s my brother, he’s not a pig!’ ayyy Ate Guy pala yon. Kaya ako’y iritang-irita sa eksenang yon.
Pinakita din don sa part na yon kung anong nangyari kay Shitao sa Mindanao. Binaril din sya ng henchmen ng isang mayamang tao sa Mindanao. Sapol din ng apat na bala sa dibdib. Inuod na pero nabuhay. Himalaaaa! Hindi pinaliwanag kung paano sya napunta sa HK. Basta naging faith healer na sya after that. May eksena pang he’s mobbed by the poor and sickly na natawa ako sa inis dahil parang Thriller ni MJ ang dating! Aaarrgghh!
In some parts, nagpaka-Jonathan Demme (i-research nyo kung di nyo kilala hahaha) ang director na si Tran Anh Hung dahil may istorya si Kline that happened 2 years before. He followed Hasford, a serial killer who mutilates the bodies of his victims at ginagawang sculptures. Hasford’s psyche was so powerful at na-contaminate si Kline. After Kline killed Hasford, he practiced the ‘contamination’ dahil pinugutan nya rin ng ulo si Hasford. And so his mental anguish started to haunt him. Kaya lagi syang may nightmares kahit nasa Mindanao sya or nasa HK. Itong plot na ito ay parang kinuha sa mental and psychological warfare na ginawa ni agent Starling (Jodie Foster) with Hannibal Lecter (Anthony Hopkins). I think Josh accepted the role thinking that it was an acting vehicle that could make Oscars finally notice him.
Kaso nga it was a bad story line with amateurish directing. Para ka lang nanonood ng stylized action film tungkol sa triad. Neo-noir daw yong genre nong film but it was mostly sleek and crisp. What's bad is that masyadong staged ang mga eksena. Acting na acting ang mga gumanap from Josh to the Asian actors. Nakaka-distract pa ang mga corny na wardrobe ni Su Dongpo at ng kanyang cohorts. Kaya ayon, mega-flop sa takilya.
What’s interesting about the film? Hmmm… at least may ilang songs akong narinig na maganda. Hanapin ko na lang yong OST. Yong film? Diretso sa trash bin!
No comments:
Post a Comment