Wednesday, July 27, 2011

isang hirit na lang ng babay

i've always said i'm a believer of the saying quality over quantity kaya very limited ang mga kaibigan ko.  and in the second chapter of my love affair with jubail, isang tao lang ang lagi kong kasama kung wala ako sa magulo at masayang company ng mga addikz.  it's jonas.  my long-time friend (back in the 90's pa).

as i've said in previous posts, i'm a fiery person by nature. having sun as my guiding star, hindi na kayo magtataka kung mainitin ang ulo ko.  kaya ang tendency ko is to gravitate towards people who are my opposite.  maybe jonas' element is water (hmmm... ma-research nga) dahil very cool and relaxing ang personality nya.  very easy to get along with.  kaya siguro maganda ang combination namin.

combination sa mga ED (early dinner) na bonding moments namin anytime na nakakauwi sya ng maaga from work.

to you my friend, thank you so much for all the time you've shared with me.  sa pakikinig sa aking mga kwento, hinaing, chismis, ka-kornihan, kabaliwan and sometimes kayabangan.  i just feel so comfortable sharing everything with you kaya kahit mga kwentong nakakahiya i-share sa iba, sa yo dire-diretso lang ako.

just remember yong mga sinabi ko sa iyo. specially the part where i told you na it's ok to get mad sometimes.  hahahaa...

so long my friend.  do take care of yourself.  and anytime you need me, i'm just a pm away.  i'll see you either in laguna, laoag, vigan or baguio! pag-uwi mo super tour tayo!

walang katapusang babay

In just 24 hours, maiiba ang paligid ko.  Maiiba na ang mundo ko.  At mawawala na sa paningin ko ang mga addikz (buti naman? hehehe).  Not a good prospect but that is one thing I have to bear dahil sa ginawa kong decision.  I’m sure mami-miss ko ang grupo.  No doubt about that.  Ang maganda, I’ll take home with me a thousand and one beautiful memories with you guys.  Not to mention the ten thousand pieces na yata ng pictures ng walang-sawa at walang-katapusang gimik at bonding moments natin.
.
Yesterday, I’ve distributed something where I’ve written a short message to each and every one of you.  Dito ko itotodo yong longer version. My farewell message to you, the one and only addikz group. Here goes…
Ren – I’m gonna miss your deep analysis of situations as well as your commentaries that are usually  politically correct.  Para na ring may lawyer ang mga adik pag ikaw ang nagsalita. Good thing mukhang namana ni bunso ang iyong philosophical thinking. Kaya pag sya ay naging lawyer, it’s just a continuation of the dream you’ve put on hold.  Si kuya naman, I just wish na hind matuluyang maging wrestler.  Masisira ang kapogian.  As for Shiela,  I just wish you’d continue to love and cherish her.  For she’s truly a wonderful lady.  Kaya you’re lucky to have her as your partner sa pagbuo ng isang perfect family. Sila ang precious blessings mo sa buhay so do take good care of them always.  At ikaw?  Sana hindi magbago ang pagiging good provider mo sa iyong family.  At pagiging isang mabuti at ulirang pangulo ng Citrus gang.  Wag lang uulitin na mag-drive ng 2am sa khobar at magpi-peace sign ha! But you can do that shower scene again.  Anytime! Hahaha!
Ega – I hope you never cease to be the exciting person that you are.  Na pinapakinabangan ng mga adiks lalo na pagdating sa mga impromptu na lakwatsa.  Yong mga hirit na ‘saan tayo mamaya’ tapos walang kaabog-abog eh gimik na ang kalalabasan.  It doesn’t only show your love of fun but it also shows your adventurous nature.  It is your free spirit, love of life and how to enjoy it that makes you one truly interesting person.  At syempre ang super intelligence that can solve a sudoko puzzle in record time!  Matalino.  Gimikero.  Mabait.  Sumpaero (ahahhaha... peace my fwend!).  At syempre maaasahan sa lahat ng oras coz you’ve got a big heart and an even bigger bank balance!  Ang wish ko sa yo, sana matagal mo pang ma-enjoy ang company ni Mamoo.  Coz that’s something na hindi na namin magawa ni Raoul.  Nakikita naman namin how you’re loving your Mom to the max right now.  So just enjoy those days.  Saka mo na isipin kung kelan mo bibigyan ng Ninang si Sofie!
Matt –sharing movies na dini-L mo lang naman sa mga free sites is just an example of how selfless a person you are.  Ikaw yong kahit personal comfort mo ay isa-sacrifice mo para lang sa kaibigan.  I’m lucky to have spent most of the lakwatsa time with you.  Kung tama ang nakita ko lately, I think naintidihan mo na ang personality ko. nakita mo kung anong klase akong kaibigan.  Kabarkada.  Kachikahan.  Katropa.  Kasangga.  Nasakyan mo na kung ano ako at kung ano ang hindi ako.  And I hope you’ve finally realized na magaling akong co-pilot dahil meron akong sense of direction para ka na ring may GPS.  And most importantly, hindi ka aantukin sa gitna ng madilim na highway dahil sa kadaldalan ko.  I’m gonna miss those long drives, mash-up music and kwentuhan about the family. I’m looking forward to meeting them soon!
Wing – I’ll forever remember you as one cool guy dahil, most of the time tahimik at pangiti-ngiti lang.  Sa pagiging mainitin ng ulo ko, kailangan ko ng mga kaibigang tulad mo! hahaha…  What’s exciting is that meron kaming inaabangan sa iyo kahit ganyan ka ka-cool.  Ang mga one-liner mong very witty and right on cue.  God bless din sa family mo – a lovely and lively wife na tamang-tamang pang-balanse ng coolness mo.  And of course to your two boys  na lumalaking cool din because of your guidance and discipline.  I’m gonna miss them lalo na si bunso – jaaaa!!!.  God Bless sa iyo at sa iyong pamilya.  Hope to see you all in the future.
Jun – hindi kumpleto ang adiks pag wala ka.  Dahil ang ingay mo ang isa sa mga defining characteristics ng grupo.  Ang mga joke mo na sinusundan mo ng hagalpak ng tawa.  Kaya pag wala ka, madali kang ma-miss.  We’re also lucky to have met your family – Linds, Berlin and Bitoy.  At saludo ako say o dahil nakita ko mismo kung anong relationship meron ka sa iyong pamilya.  Lalo na sa iyong mga anak.  As a husband, a father and a provider, sana marami pang daddy ang matulad sa yo.  Di ka lang sa chess magaling. Pati sa parenting din!
Maccoy  You’re one of the easiest going persons I’ve ever met.  Kaya sa lakwatsa, gathering, bonding moments, walang hirap kausap, go kung go.  Palibhasa you’re also one who knows how to enjoy life.  And that sunny outlook in life shows hindi lang sa yo kungdi pati kay Kumare.  The lovely Pops who’s one of the sweetest and fun-loving persons na na-meet ko.  What’s best, nagkataong pareho tayo ng hilig -  ang kumain! Kaya swak na swak tayo mula SK hanggang Fusion.  I hope si Kuya Alec ay maging isang mabait at proud na Kuya sa isang bubbly, healthy and super cute na bunso.  And I’m looking forward na makarga si bunso pag-uwi nyo ng Pinas.  Sa closeness na pinakita nyo sa akin, I’m damn proud to say na talagang myembro ako ng pamilyang ito.  Kahit invisible yong picture ko sa family iqama!
Ricky – Tandaan mo na sa akin mo unang narinig na ang panganay mo ay magiging isang beauty queen.  Hindi na pagdududahan dahil lumalaki syang maganda at very personable.  Manang-mana sa dunkin at ninong! Pero kanino ba naman kukuha ng genes kundi sa tatay na Tisoy at sa nanay na ma-PR.  Kung meron akong regret sa pag-alis ko, isa na don yong hindi ko makikita ang pagdating ng second baby na ka-birthday ko pa yata.  Nevertheless, I wish your whole family more blessings and happiness.  With that I pray for smoother, happier and better days ahead for you and your family.  May the Lord always guide you and Weng sa pagtahak (laliiiimmm!) ng mas malalim pang relasyon bilang mag-asawa!
John – isa ka sa mga newest addition to the ever-growing addikz.   Pero magaan ka kasing kasama kaya madali ka ring maka-gel sa grupo.  My wish for you is that may you have more success in your career.  At hindi mo man napapansin, you are luckier than most of us who has to contend with one workstation in one place all day, all the time.  At least ikaw mukhang maiikot mo ang buong KSA.  And that, my friend, is one bonus you should be enjoying.  Sarap kaya mag-travel sinu-swelduhan ka pa!
Tito B – hindi kita nabigyan nong award dahil wala akong maisip na sabihin (sa true lang po kinulang ang frame... nagkamali ako ng bilang....hehehe).  At kahit dito, simple lang at wala akong longer version.  Basta eto na lang: sana maraming tilaok pa ang marinig namin sa yo! Hehehee… seriously, sana maging maganda ang bago mong career.  At more tagay pa to come!
Marco – thanks for making DS a part of your thinking.  At salamat sa pag-value sa mga bagay-bagay na naririnig mo sa akin.  You’re one good example na kahit bata pa (may mago-object hehhee), basta gustong mag-seryoso sa buhay, kayang gawin.  And you should be proud of yourself dahil kaya mong gawin yan for the sake of your family.  And your jokes? Kahit corny most of the time, ituloy mo lang.  Coz that love for laughter can make a lot of difference lalo na sa buhay-Saudi.

 Yeng – your singing is something the adikz are proud of.  Ikaw yong tipong pag gumimik sa labas at nagka-hamunan ng kantahan, ikaw ang magiging frontliner ng grupo. At siguradong hindi mo kami ipapahiya.  Wala pa akong nakitang minasaker ang kantang Reasons ng ganon-ganon lang.  Ikaw pa lang.  Aside from that, maraming nakinabang sa iyong mga inspirational stories.  Most importantly, thank you for being our consultant for anything tungkol sa mga bahay-bahayan namin! I’ve got only one wish for you – makita sana kita sa PGT or Talentadong Pinoy na bumabanat ng Journey.  I’m sure sisigaw si Kris ng “I like you na!”.
Tserman – there may be times when your patience is stretched to the limit dahil sa kakulitan ng mga adiks.  Pero alam kong na-appreciate mo ang kakulitan ding yan ang nagpapasaya at nagiging bonding factor na daig pa ang super glue.  Hope you’ll continue to understand and support the adiks, stay as their moral mtrcb dahil pag wala ka, naku umaapaw ang kalokohan!.  On a personal note, thank you for all the support na binibigay mo sa lahat ng oras.  Even up to the point of risking your impartial reputation, you’re doing it for friends. The adiks are really lucky to have you on our side. As a person, sana the good Lord will bless you more with happiness, good health and lots more of gadgets na pag napag-sawaan mo na eh ibebenta mo ng palugi sa mga friends.  You’re really a blessing to us my dear friend!

Romy  - alalaun baga’y hindi pa nagtatagal ang ating pagtatalamitam.  Subalit ang kabunyian ng pagkakaibigan ay agad na pinanaday ng tunay na pagsasamahan.  Isang busilak na pasasalamat sa iyo ka Romy.  Nawa’y biyayaan ka ng Maykapal ng mga bagay na iyong hinihiling sa iyong mga marubdob na panalangin.
.
Thank you my dear addikz.  It’s time to say goodbye.  It really is a GOOD bye.  Dahil nadagdag kayo sa maikling listahan ko ng mga totoong FRIENDS.

(thanks po sa mga profile pic na hinagilap ko! and to the owners of the other pics)

Thursday, July 21, 2011

despedida - adikz style

last night the adikz gave me one delightful surprise.  a going-away party na hindi ko alam, plinano nila ng ilang linggo sa mga pm nila na evicted ako kasi nga gusto nila akong i-surprise.  kaya pala lately matumal ang balitaktakan sa tsatrum.  yon pala may pinagkaka-abalahan sila. 

in all honesty, i was wishing to myself na may gagawin sila anyday now dahil nga aalis na ako towards the end of this month (yon ang pagkaka-alam ko huh!).  syempre, as a friend, plastic ako kung sasabihin kong hindi ako nagi-expect ng kahit kaunting seremonyas to give me some chance to say goodbye to the group i consider as my very very good friends.  i'd be devastated kung basta na lang nila ako pinalayas at hindi nila ako binigyan ng ganitong gimik. demanding na kung demanding.  but it's already a practice.  it's part of the whole cauldron of friendship. at masakit kung aalis ka at nakatingin lang sila sa yo sabay sabing 'wala lang'. heheh... ouch yon to the max!

a couple of weeks back, may nakapag-bulong na sa akin na on the 20th daw may mangyayari.  aside from the date, wala nang ibang sinabi.  akala ko lang, may gimik kung saan. 

but after that, nalimutan ko na sa dami ng pre-departure activities.  shopping, pagbabagahe ng mga pinamili, the formalities in tasnee and sisco (na nakakaburyong), idagdag pa ang mga hirit sa trabaho na gusto yata akong pigain bago ako pakawalan plus - the biggest issue of em all - yon ngang visa ko.

a few days ago, nagsabi si matt na samahan ko raw syang bumili ng car accessories para sa bago nyang baby na si caRIO.  kahit tinatamad ako at pagod, i can't say no to him.  i owe him a lot dahil sa mga walang sawa nyang pagda-drive at paghahatid sa akin kahit saan ko i-request. kaya sige go kahit pagod and the hot/humid weather is killing me. 

before leaving jubail, naalala ko yong bulong sa akin na 20th.  pero hindi ko naman maitanong kay matteo kung may konek yong nagbulong sa akin dati dito sa lakad namin.  baka i-eject ako sa kalagitnaan ng highway.  besides, sabi ko i'd just play along and see kung anong mangyayari.  kung talagang bibili nga lang ng car accessories.  at susunduin si marco para mag-dinner kaming apat (with tito b na kasama namin sa car).  treat daw nya (matt) na hindi ko naman pinagdudahan (now i realized i've so much trust on you matteo huh!).

nong dumating kami sa khobar at nagsimulang mamili ng kung ano-anong aksesorya ang matt, nawala na yong doubt ko.  besides, early that day, most of the adikz said na busy sila sa kung ano-anong activities.  maccoy and pops wanted daw to go to manama.  ren daw will bring shiela to the dentist.  ricky is still in dubai and weng is going to the hospital for some regular checks.  at ang dalawang closest fwends ko - raoul and ega seem to be so absorbed with their new ipads. 

kaya pumapasok man sa isip ko na baka yon yong sinasabing 20th, i was also thinking na baka walang koneksyon.  or, kung may koneksyon man, they must have decided to move it to some other day.  dahil na rin nga sa hindi pa naman sigurado ang visa ko and knowing the situation, i could be spending another week, or month (knock on hardwood! heaven forbid!) before i can board a plane.  kaya mas naniwala akong hanggang 4th st lang kami and possibly end up in a resto somewhere in khobar.

bandang 8 pm, susunduin na raw namin si marco.  ok sige. harurot si caRIO sa daan. o, akala ko sa baher.  bakit ibang lugar.  ay hindi, ibang lugar yong pinuntahan nila.  ok sige ulit.  go.  hanap kete hanap nong villa.  then ayon na.  lumabas ang marco.  after a few minutes, heto at kasunod na ang mga adik!

at that point, i was genuinely, honestly surprised.  lalo na nong makita ko ang preparations.  tserman and ega was so busy in the kitchen cooking up a mouthwatering seafood festival.  ang dining area may set-up pa na pang-sosyal na catering.  may nagsi-setup ng wow, tv at computer na parang pagtuturuin pa ako nong training na ginawa ko for 2 days sa trabaho! all i was wishing for is a simple dinner, basta makasama lang sila.  and yet, here they are, tired and super busy with a grand preparation.  nahipo ako... este i'm soooo touched!

the place was nice.  food was superbly delicious, as always (syempre luto ng chef raoul).  konting kantahan.  ren in his tito sen element was so clever, binalikan ako with his 'poem' na isi-share ko sa inyo later coz it's so funny.  romy showed his being true blue bulakenyo with his longer poem na pwedeng pang-panitikan. then everyone was asked for their messages na pabaon nila sa akin.  kahit si alec na natutulog eh ginising pa at ang walang-malay na si vinz ay naka-3 short yet meaningful words na pinakawalan. 

despite the technical glitch doon sa video presentation na super pinag-hirapan ni ega, i finally watched the vtrs na buti na lang at naka-off ang light dahil hindi nakitang medyo nage-emo na ako. 

-  maccoy, alec and pops' message was simply sweet and honest and full of love.
 
-  ren and shiela did something hilarious at saludo ako sa effort - conceptualized and executed like an indie film! hahaha

-  marco had his moment na iintindihin ko maige ang mga sinasabi when i got a copy of the vid

-  princess sofie sang abc for me

-  wing's message was unique dahil may bogus ym chat na nakakatuwa and in the end showing keng, kviel and zstan.. galeng!

-  romy also spent time to contribute something kahit busy rin sa trabaho

-  junc, linds, berlin and bitoy sent a message from the comfort of their palatial house in pinas (kaya lang wala ako narinig from linds! hahahha)

-  and finally tserman appeared in a yellow barong with his i-pad na naka-upo pa sa rocking chair habang nagbibgay ng message.  at pagtapos tumayo pinakita ang tuhod kasi naka-shorts lang pala! absolutely funnyy!!!! hehehehe

it's almost 3am nong mabigay sa akin ang spotlight, pagod at inaantok na karamihan.  baka hindi na naintindihan o narinig ang message ko kaya ibo-blog ko na lang sya after this one.  meantime, let me just show off the gifts i got (sencia na sa low res ng pic, libreng samsung cam lang ng tasnee ang ginamit eh! hehehe).

again sa lahat ng mga adikz na nagpuyat, nagpagod, nag-effort, naki-tawa, naki-saya, naki-drama, naki-kanta - a BIG BIG THANK YOU!!! i've nver had such a wonderful despedida before.

MaccoyPopsAlec-RickyWengSofie-RenShielaVinzAvvy-Matt-Romy-Ariel-Bong-Marco-Junjun-Marvin-John-Ega-WingKarenKvielSztan-JuncLindsBerlinBitoy-Raoul

the three symbolic gifts from John

a diamond-studded gift from cariaga family - grabe baka ma-hodap ako neto! hahaha

the biblical reminder from Raoul which means a lot to me specially in this decision i made (though i still have to ask him kung saan ginagamit yon! hahahaaa)

and the signed photo of the whole adikz group...

from the bottom of my usually rock-hard but unusually overwhelmed heart,
THANK YOU!


Wednesday, July 13, 2011

takalelabong - walang kawawaang blog post

Tatlong araw nang dire-diretso ang humidity. Masakit sa balat ang init at konting lakad mo lang sa labas, timba-timba ang ipapawis mo.  Kaya hindi ako makapag-ikot sa jubail para sa mga iba ko pang kailangang i-prepare.  The heat is almost suffocating.  Pero wag ka, nakakatawang isipin na from this extreme heat, in less than 3 weeks, puro ulan naman ang mararanasan ko.  Pero don excited na ako.  Ang sarap kayang matulog na naririnig mo ang tikatik ng ulan.  Kaya lang, sana  walang bagyo pag-touch down ng eroplano sa NAIA.  Katakot kasi pag  ganon.  At sana walang tv crew na magi-iinterview kung nasampolan ba ako ng Saudization tulad nong mga naka-headline nitong last two days.  Naku eh baka sila ang masampolan ko ng blue flame. Kahiya yon, on national tv pa pag nagkataon.  Ito kasing mga news reporter sa atin, pinatulan ng pinatulan ang mga feed ng Migrante.  Basta may maibalita lang.  Hindi nagbe-verify.  Ayan ang dami tuloy mga kabayan na ayaw mag-bakasyon dahil natatakot na matatakan ng exit ang passport nila.  Eh pano ka aalis ng Saudi kung hindi ka mage-exit?  Ano yon kahit umalis ka entry pa rin ang ilalagay?  Ewan ko sa inyo.  Sabi nga ng kasabihan, ang mga naniniwala sa sabi-sabi, mahilig magbasa ng pinagbalutan ng tuyo.  Tuyo! Ang masarap na tuyo! Hmmm….  Isa yan sa mga uunahin kong lantakan pagdating sa bahay.  Pati ang laing.  At ginataang puso ng saging.  Syempre in between adobong baboy, pritong porkchop at sinigang na baboy na maraming taba! Yummm…  naka-taas pa ang paa habang kumakain at nanonood ng balita ni Mike at Mel.  Ayaw ko kay Kabayan. Pang-kapre at mga multo lang daw sya sabi ni Raoul.  Di na kasi maganda ang news buhat nong nawala si Maria Ressa (wala na pala sya sa 2? – Ren).  Sabagay ano nga bang magandang ibabalita mo sa mga Pinoy. Puro mga expose na naman ni Lacson na wala naman nangyayari.  At mga plunder cases daw ni Gloria.  Sus, kasuhan nyo ng kasuhan at ikulong kung ikukulong.  Ang hirap kasi puro katsang tapos after a while nakalimutan na.  Walang nangyari.  Nag-move on sa mas mainit na topic.  Masyadong mabilis mag-move on di tulad namin ng mga kaibigan kong sosyalayts.  Pag ako nainis sa inyo manghihingi din ako ng birthday gift kay Madam.  Gusto ko, Nissan Armada.  Birthday ko lang kasi.  Pero di naman ako Obispo o pari huh.  Kaya nga pro-RH bill ako noh.  Hindi tayo aasenso pag puro paurong ang mga takbo ng kukote natin.  Dapat isabay natin sa panahon ang mga batas natin.  Para hindi na dumami ang populasyon na wala naman kayong maipakain kungdi mga feeding program na ginagawa nyo lang pag may tv camera na nakatutok.  Buti na lang si Andi kahit bata pa may ipapakain sa magiging anak nya.  Eh pano kung wala.  Di dagdag na naman sa mga batang nanglilimahid sa kalsada, nanghihingi ng limos.  Parang palimos ng pag-ibig ni Obama sa mga Senator nya na super ang pambabarang ginagawa sa kanyang deficit reduction proposal.  Eh kasi naman itong si Uncle Sam, aid ng aid sa mga countries left and right eh yon pala ang budget deficit nila eh trilyon-trilyon na!  Nangelam ng nangelam sa mga kapitbahay, ang sarili pala nyang bahay wala nang bigas na maisaing!  Miyon-milyon mamigay ng pera yon pala ang pondo nila kapos na rin.  Trillions!  Hindi ko na yata alam kung gaano kadaming zero at comma ang magagamit ko pag sinulat ko yon huh.  Eh bakit ang Pinas, gaganyan-ganyan pero ang economic growth daw maganda during the first half of 2011! Tama bang narinig ko na 7% daw yong economic growth natin?  Galing huh.  Oh, wag nyo sabihing walang nagawa si PNoy no! Yayaman na tyao.  Lalo pa pag nabuklat ang bilyong bariles daw ng oil deposit na nandon sa pinag-aagawang Spratlys.  Yon eh kung hindi mang-eepal ang China at pilit aagawin yon.  Porke teritoryo daw nila pero tingnan mo sa mapa super layo na sa kanila.  Kung proximity ang pag-uusapan, bakit hindi muna nila angkinin ang Batanes bago nila angkinin ang Spratlys Islands.  Buti na lang kumita ang Temptation Island.  Kung hindi si Marian ang masisisi.  Eh maganda pa naman daw ang Amaya.  Panonoorin ko nga rin yan.  Para malaman ko kung ano yong babaylan.  Sabi kasi ni Ega may pagka-babaylan daw ako.  Kasi may napo-foresee ako sa mga adiks… nong kasing isang araw @%8blaifoj2-02urt09u;fjoao…. Ay na-virus yata flaptaf ko! %iojooa8dsh4  $#459kjszlo gldo ^4949 a! Bwahahahaaaa…. – D!