Hotnot: Mule… muli… mali. Biggest news of the day nong paalis ako last Wednesday ang pagkakabitay sa 3 kabayan natin sa China. Hindi bumigay ang gobyerno ng mga intsik sa mga pakiusap ng ating gobyerno. Mahirap naman talagang maisalba ang mga ganong kaso. We should understand the Chinese government that they have to enforce their law. At kung bibigyan nila ng pardon ang mga kabayan natin, it will be sending a very wrong message to real, hardline drug syndicates. Wag na rin nating sisihin ang gobyerno natin. At least they tried to save them kahit na alam nilang hopeless yong kaso. Tanggapin na lang natin na biktima ng sitwasyon ang mga kabayan natin. They chose to risk their lives para kumita ng pera. And all we can do is pray for their souls. And hope na sana, wala nang sumunod pa sa kanila. (Though may mahigit 60 cases pa raw ng mga kabayan ang nasa death row din sa China, I don’t know how true). At sana, wala nang magpaloko, magpa-gamit o magpa-silaw sa mga sindikatong ito. Humanap na lang tayo ng ibang paraan para kumita. Dahil kahit saang parte ng mundo ka pumunta, money from drugs always means trouble. And in most cases, a gruesome and violent death.
Hotnot: Sensationalism vs journalism. Knowing that the event is an opportunity to see who’s ahead among the tv channels, I watched and compared the news coverage ng Channel 2 at Channel 7 sa pagbitay ng tatlo nating kabayan sa China. And all I can say is that Kapuso lives up to their tagline. May puso sila sa mga ganitong balita. Wala or kakaunti ang nakita kong sensationalism sa paghahatid nila ng balita sa puntong yon (I’m talking about the reports during the mid-day broadcast, I don’t know what happened sa prime time news reports dahil nakaalis na ako ng Pinas that time). Sad to say, Channel 2 seemed to be so desperate. Parang nakatatak sa noo ni Noli de Castro, even the field reporters, ang salitang Ratings. I think Noli even crossed the line nong nag-offer sya ng unsolicited advise kay VP Binay about what needs to be done para mahuli yong mga nasa likod ng drug syndicate. Hindi porke naging VP sya, he can do that. He must remember na balik-reporter sya ng oras na yon. Another thing is that napapangiwi ako nong halos mahimatay na sa pag-iyak ang ina ng isa sa 3 binitay, tinutok pa ang camera sa mukha ng kawawang nanay. Umiiwas na si Nanay, habol pa rin si camera. Kung kamag-anak ako ng umiiyak na Nanay, baka nasapak ko ang cameraman at lahat ng nasa team nila. Journalism is respectable. Sensationalism isn’t.
Hotnot: Hindi ka na nakaka-Willie! Para awayin mo, patutsadahan at tarayan ang isang Leah Salonga na nagbigay ng napakalaking karangalan sa Pinas, you must really be a mental case. Lalo na kung ang pinag-umpisahan ay ang sarili mong kagaguhan. Okey, the tirade against Leah (though her name wasn’t singled out but was done in a more general manner addressed sa lahat ng celebrities na nag-comment sa youtube) wasn’t my main point here. Ang talagang punto ko is that kalian pa mailalagay sa tamang lugar itong si Revillame. Ang dami-dami na nyang offenses sa viewing public dahil sa mga pinag-gagagawa nya sa kanyang show. And yet nobody seem to have to power, the guts or even the balls to contain his madness. Gagawa na lang ba sya lagi ng katarantaduhan sa show nya then magso-sorry the next episode? Talaga bang he can do and say as he pleases na walang magawa ang kahit sino? Sino ba sya talaga? Aba’y ilabas nyo na ang totoo kung isa syang santong padala ng Roma na hindi pwedeng kandiin kahit nino. Para tapos na ang usapan. We’ll just leave him alone. Pero hangga’t isa syang mortal na kumukuha ng fake na lakas sa kanyang bilyones, he should still conform to the norms of the society. Though finally I heard na may mga kongresista na nagpa-file na ng motion to quell Revillame’s insanity. Sana may mangyari. Otherwise, patuloy na malalason ang utak ng masang Pilipino na sa halip na maghanap-buhay ay pinag-aaralan na lang mag-kwento, mag-drama at umiyak sa harap ng tv cameras para maabutan ng barya nitong si Revillame. And he thought he was doing these poor people some favor!
Hotnot: Ligot lagot. A couple of weeks ago I was cursing in front of the tv habang nanonood noong hearing sa Senate where Mrs Ligot played around with the Senators na nagtatanong. Dumating din sa puntong naiinis na ako sa pag-aaksaya ng mga Senator sa kanilang oras dahil wala naman silang mapiga kay Mrs Ligot. She was obviously running in circles at nagmukhang Tom and Jerry lang ang palabas. Even the smart and hard-hitting Jinggoy is no match sa drama ni misis. Kaya walang nagawa ang mga senador kungdi i-contempt ang drama queen. After a week yata, heto at pinalabas na sya sa kulungan kasama ng mister nya. Ang tanong: yon na yon? A few days in jail tapos sige laya ka na? Ok, para lang sa contempt yon. Pero kailan isasampa ang kaso sa sinasabing bilyones ng AFP na kinurakot nila? At anong mangyayari. May mangyayari ba o another Merceditas Gutierrez will face impeachment later. In the end, sino ang kawawa? Ang mga sundalong nagpapakamatay sa kakarampot na sweldo nila. Nagtitiis sa mga misyon sa bundok, walang pagkain, walang gamot at warak-warak ang combat boots. May baril pero iilan ang bala. Dahil wala daw pondo ang military. Yon pala binubulsa lang ng kung sino. Pag hindi ninyo binigyan ng linaw ang kaso ni Ligot, wag kayong magulat kung ang mga sundalo mismo kayo ang lagutin!
No comments:
Post a Comment