I’ve been dodging it for some time. Dapat talaga August pa lang medical exams ko na pero kakaiwas umabot ng December. And this time, hindi na pwedeng mag-inarte, mag-dahilan or mag-drama. Otherwise, mare-report na ako na parang tax evader at masasama sa statistics na ipi-present sa mga amo na ang title eh ‘mga pasaway’!
Ewan ko ba pero ever since ito talaga ang pinaka-mahirap na parte pag mag-aapply ako ng trabaho o kung dito nga sa Saudi, part ng requirement sa iyong pinagta-trabahuhan. I hate a lot of things about medical exams. Samantalang ito lang yong paraan para makita natin kung kailangan na ba ng maintenance ng ating mga ‘tumatanda’ at ‘kinakalawang’ na katawang lupa!
First, perennial problem ko na dati pa ang high blood pressure. I always have to convince the nurse na hindi mataas ang bp ko. Normal sa akin yon. 150/90? Sa iba oo. E sa akin ganon talaga yon eh. 23 years old pa lang ako, first medical exam ko para pumunta ng Saudi, 130/90 na ang bp ko. So what’s the big deal? Eh sa masipag mag-pump ang puso ko ng dugo eh!
Tapos kung pre-employment yong medical, andyan na yong hubaran portion! Susmiyo! Kaya nga hindi ako nag-artista! Why in the world do I have to disrobe for someone na hindi ko naman ka-intimate. Sa kwarto lang at sa banyo ako comfortable na naka-birthday suit! Tapos pagbo-boldin mo ako sa harap mo eh ni hindi kita kilala!
One time nga noon, ka-chipan yata yong clinic na ka-tie-up nong recruitment agent, akalain mong parang hazing sa frat ang nangyari. We were lined up against the wall, sampu yata kami. Tapos sabi ng doctor (an old man) sige, hubad. Hubad naman kami. Sabay-sabay yong sampu huh! Sa isip ko lang ano to, audition para sa isang bold film? Titingnan kung sino ang may malaking ‘qualification?’
Meron namang isa, and old lady doctor. Old na talaga as in ang bagal na nyang magsalita at kumilos. At least this time, one on one naman ang labanan. So walang masyadong hiya factor. Pero comedy si doktora. She’s seated behind a desk almost 3 meters away from me. Pakikinggan mo mabuti ang instructions nya kasi mahina na rin ang boses. Sasabihin nya, Hubad. Tuwad. All the while, iilawan nya ang gusto nyang makita using her flashlight! Bwahahaha!
Lately dahil sa edad ko na qualified na sa ECG (o bakit, I’ve always been proud of my age ah!), kasama na rin yon sa mga requirement. Nakakairita din na kakabitan ka nong ilang suction ends na yon na pag natanggal eh daig mo pa ang sinipsip ng pitong bampira! Ang tagal mawala ng chikinini!
But the hardest parts is, and will always be, the ‘sample’ gathering. Yong specimen ng solid at liquid waste mo. Dito talaga sumusuko ako. Bumabaligtad ang sikmura ko, tumutulo ang luha at uhog ko sa parteng ito. Kaya nga sabi ko ni hindi ko inisip na mag-take ng any course related to medicine eh. I simply don’t have the guts to deal with my own, pano na kung sa iba pa!!!
Ay teka, bago mapunta sa kaduwal-duwal na bagay ang usapan, at least ginawa ko na whatever is required of me, for now. At kung dati-dati eh problema ko ang mga triglycerides at bad cholesterol ko, this year halos nasa normal level sya. And I hope I can maintain it. Yong iba, wala na talagang magagawa. At my age and lifestyle na hindi ko na kailangang i-esplika ang pagiging couch potato ko at ang exercise lang na inaabot ko eh ang pag-click ng mouse at pag-pindot ng keyboard, maswerte na ako dahil nasa tolerable level pa rin yong mga yon. Kaya next medical exam na lang ulit ako mamo-mroblema! Meantime, I miss a huge piece of SK’s yummy T-bone! Hahaha!
No comments:
Post a Comment