Friday, May 30, 2008

no. 7: pangit!!!

i have several physical imperfections. things that normally bother vain people. things that hardcore metrosexuals would find reason enough to scamper to the nearest derm clinic or beauty spa. sa akin, wala lang. keber ko. konti lang ang banidad sa katawan ko. and for that, pasalamat ako.
.
maitim ako by standards ng mga pinoy ngayon na naloloko sa mga skin-whitening pills. o di ba at ilang high-profile lawsuits sa pinas ang nag-umpisa sa whitening pills, the latest one involving korina. marami kasi sa atin ang gustong-gustong maging puti kahit fake lang. hello magic creme victims - wag mag-deny! sa akin, i don't mind. magpapahid ako ng lotion or moisturizers or even fair and lovely para lang hindi nakakahiya ang mukha kong may pagka-burog din (i can hear raoul laughing! hehehehe). pero i don't think i'd go to the lengths of taking glutathione. parang takot ako sa epekto non sa katawan ko.
.
may ilang diyes at bente-singko ang payat kong binti. pero wala akong keber. siguro pag yumaman ako, kakaririn ko ang magpa-tanggal ng mga peklat. pero as of now, wala akong paki. nako-conscious ako minsan pag nagso-shorts. pero never did it affect me deeply, much less my self esteem.

i have one more pangit in my body. pero ito, hindi talaga ako na-bother kahit kailan. in fact, nag-enjoy pa ako in several instances. nakakatawa kasi ang reaction ng mga tao and pseudo-palm readers sa pangit kong palad. sa pangit nya, marami na akong pinasakit na ulo ng mga manghuhula!

ang sabi ng karamihan na 'bumasa' sa palad ko, magulo ang buhay ko dahil daw sa dami ng nga guhit na nagsala-salabat sa palad ko. eh doon pa lang, bagsak na sila. bakit? eh ang pagkaka-alam ko, matino ang buhay ko. tahimik akong nagta-trabaho at namumuhay as one responsible, productive member of the society. never did i commit any crime nor was involved in any illegal activities. kaya don pa lang, hindi na ako naniniwala sa mga palm readers. my life is my choice. kaya walang epekto sa akin magulo man ang palad ko.

second thing na madalas kong marinig sa mga palm readers, marami raw akong magiging asawa. bilangin ba naman yong mga guhit sa gilid ng palm ko. yon daw ang number ng mga magiging ka-relasyon ko. eh di bagsak na naman! eh ni hindi pa nga ako nakaka-isa. pero kung bibilangin ang mga illicit love affairs, pwede. marami na nga. hahahaha!!! jowk lang po!!!

another thing na naririnig ko sa mga manghuhula eh hindi raw ako yayaman. dahil yon daw little finger ko ay hindi umabot sa upper line nong ring finger ko. eto talagang totoo. pero siguro kahit hindi na ito ihula sa akin, alam ko na at tanggap ko na hindi ako yayaman kahit kailan. kasi, yayaman lang ako kung magpapaka-selfish ako. and turn a blind eye on things goin on in my family. pero hindi ko yata yon kaya. kaya hindi talaga ako yayaman.

kaya pag may nakakapansin sa palad kong magulo at mag-aattempt na basahin, sorry na lang kayo. sasakit lang ang ulo nyo. tingnan nyo na lang ang pix.... o, dare???

2 comments:

Anonymous said...

Dito hindi naman sumakit ang ulo ko naaliw me nung nabasa ko ito ayon sa aking palm reading eh parang mas hugis kandila pa yung daliri mo sa akin compare mo sa amin ni jorge na matataba ang kamay kakainggit naman yang hands mo parang wala kang ginagawa bakit naman puro negative ang hula syo kaya nga ayoko magpahula baka negative din aba baka mahulaan na maagang mabiyudo ang asawa ko naku mukhang hindi matatahimik ang kaluluwa pag nag-asawa pa ulit si daddy jorge! joke lang po!

Dante said...

aba talagang kinakarir ni linds ang magpatawa!!!! para naman akong baliw nagbabasa ng comments pero tawa ng tawa mag-isa!

hindi lang po nakuha sa picture ang makapal na palad, kamay mahirap yan linds, maganda lang tingnan pero parang talampakan ang kapal! hehehehe..

hindi talaga ako mahilig magpahula, marami lang naiintriga pag nakikita ang mga guhit ng palad ko kaya gustong umeksena, eh kaso nga puro nahihilo sa dami ng guhit!