I’m sure nabasa na ninyo yong sinulat ng isang kabayan na nasa US who discussed the misconception na pag nasa States ka, you’re living the American dream. Tipong
buti ka pa nasa States, maraming pera, maganda ang kotse at malaki ang bahay. But, sabi nga ni kabayan, all these amounts to utang na pagta-trabahuhan mo buong buhay mo, plus so many other realities that showed us na hindi porke nasa Tate sila, maswerte na sila.
In one of the emails forwarded to me, nakita ko ang blogsite ni kabayan. I wanted to post my reaction don sa article pero for some reason, the site simply refused to move kahit anong i-click ko. So I thought I’d write na lang here my reaction to her very real piece. Here goes…
Sa totoo lang kabayan, hindi lang ang mga nasa Pinas ang naiinggit sa iyo. Pati kami ring mga OFW sa Saudi. Kasi buti ka pa, nasa States. Kami nasa state of deprivation.
Kung ang bahay mo dyan, binabayaran mo, at least in the end you retain ownership. Dito nagbabayad nga kami ng bahay, renta lang naman. Imagine ang bahay ko, 160,000 pesos a year ang bayad tapos hindi naman magiging akin.
At kung dyan, necessity ang kotse, dito minsan, di bale nang wala. Kayo kasi pag nagkaron ng aksidente dyan, sigurado kayong may due process of law. Dito pag kami ang na-aksidente ng katutubong akala’y camel lagi ang sinasakyan, kami pa ang makukulong. Ang katwiran nila, hindi sila maa-aksidente kung hindi ka nagpunta sa bayan nila.
Pero kung dyan necessity ang credit card, dito hindi masyado. Mas marami nga dito walang credit card. They prefer to buy things in cash. Sayang pa nga naman yong ibabayad na interes sa Visa or Mastercard.
Medyo tiis nga lang sa buhay dito. Kung dyan, malaya kayo to roam freely, see things and places, ma-experience ang maraming bagay na hindi natin nakikita sa Pinas, kami dito hindi ganon ka-swerte.
Most of the time, confined kami sa aming work area. At kahit gusto naming gumala, wala namang mapupuntahan. Kung dyan (lalo sa Pinas) eh mall ang sentro ng sibilisasyon, dito mas matindi. Dahil yon na nga lang ang sentro ng sibilisasyon pero restricted pa pag weekend, for family only.
Kung dyan madali sa inyo ang gumawa ng paraan para mawala ang homesick, dito mahirap. Mag-party man kami, parang hindi party kung makikita mo. Syempre, bawal ang alak. Bawal ang pork. And most of the time, hindi pwedeng mixed-gender ang gathering. Not unless na family affair yon. Eh yon pa naman ang masarap pag may party di ba. San Mig lite saka adobong baboy kasama ang dancing with the ladies!
So nagsasawa lang kami sa baboy at gin bulag pag nasa Pinas kami. Pero pagdating naman ng Pinas, medyo masaklap pa rin ang realidad namin kumpara sa inyong mga taga-Tate.
Kasi, di ba, pag tinanong ka kung saan ka galing at sinabi mong sa Amerika, parang biglang... wow! bathala ang tingin sa iyo. Pero pag kami ang tinanong sabay sabi naming ‘sa Saudi’ parang biglang… ayy! alien ang tingin sa amin. Yong ibang mga sosyalera nga, tataasan pa kami ng kilay. Ang sinasabi ‘
ohhh, Saudi huh’ pero kung magaling kang mag-interpret, ang totoong sinasabi eh
‘ yuck, ofw... so kawawa!!’
Kasi kung sa States ka nagpunta, yan ang land of opportunities. Kahit belong ka sa OFW category, hindi masyadong obvious. Eh pag sa Saudi ka nagpunta, ang tingin nila, parang due to lack of opportunities na. Automatic na OFW ka. Ganon.
Tsaka di ba sa immigration sa airport, para kaming mga third-class citizen na naka-pila sa linyang may pagkalaki-laking OFW. Samantalang kayo naka-pila kasama karamihan ng mga puti, under H2 visa. Kaya nga minsan madalas nyo kaming isnabin.
Ay, mga OFW!Pero okey lang yon, hindi naman kami nagagalit sa inyo. Kasi one day dyan din ang bagsak ng karamihan sa amin. Mas madali kasing mag-apply dito ng visa papunta dyan. Mas maluwag ang consulate dito lalo na kung maganda ang kumpanyang sponsor namin. They think na hindi namin ipagpapalit ang aming trabaho dito where we earn so much of dollars – tax free – kesa sa Tate. Don sila nagkakamali.
The States hasn’t lost it’s magic pagdating sa mga Pinoy.
Sampol na lang yong isang friend ko. Maganda kasi ang position dito at maganda yong company. Kaya ng mag-apply ng visa sa US, multiple entry pa ang binigay ng consul. Ayun, ang friend ko, after two or three trips to LA para mag-bakasyon, hindi na bumalik dito. Kaya kasama mo na siya dyan ngayon working his butt off para lang mabayaran ang mortgage ng bahay nya, pati yong kotse nya. At alipin na rin ng credit card tulad mo.
Minsan nga tumatawag pa sya sa akin para lang mag-reklamo. Kasi kung dito raw sa Saudi, sanay sya na buong 100$ bill ang kinukuha sa ATM, dyan daw, 10$ bills lang. Major na pag 50. At kung dito sa Saudi hindi sya nagpakahirap mag-kwenta ng tax, dyan daw, wala na siyang ginawa kungdi kwentahin kung magkano ang matitira sa bawat dolyar na kinikita nya. Sabi mo nga di ba.
Yon nga lang ang maganda dito sa amin. Wala kaming iniisip na tax. Kaya kahit bumili ka buwan-buwan ng latest celphone unit, i-pod or psp like my friends Matt, Irwin and Ricky. O kaya mamakyaw ka ng digital camera like Edgar. Or plasma Tv tulad ni Raoul. Even authentic Breitling watch like Orlee.
Yon naman ang advantage namin kesa sa inyo. Pag-uwi ng Pinas, ang balikbayan box namin karamihan puro bagong electronics at luxury items ang laman. Pero sa inyo, napapansin ko, karamihan, mga lumang damit lang ang laman. Parang magtatayo yata kayo ng ukay-ukay!
So sino ngayon ang dapat mainggit kanino? Hindi yata kita dapat kainggitan. At hindi mo rin siguro ako kaiinggit
an. Kaya sige, quits na lang tayo. But you know what? Ang kinaiinggitan ko – yong mga kabayan nating hindi na kailangang umalis ng Pinas. Those who don’t have to be away from their families for so long para lang kumita at maghanap-buhay. And yet nabubuhay sila sa Pinas.
Sila ang nakaka-inggit di ba. Kasi, kinaya nila ang buhay sa Pinas. Hindi tulad natin na nag-punta pa ng ibang bansa para lang suportahan ang pamilya natin. Di ba. Kasi in the end, kahit saan naman tayo pumunta, babalik at babalik pa rin tayo ng Pinas. Sabi nga ng Hotdogs “
hinahanap-hanap kita Manila, ang ingay mong kay-sarap sa tenga.”
Haaayy… kelan kaya matatapos ang sentensya ko dito sa Saudi at pwede na akong kumanta ng “
simply no place like Manila…. I’m coming home to steeeyy yow!!!