May e-mail na namang umikot today relating a couple of incidents tungkol sa safety ng mga expats dito. Apparently, marami nang crimes sa paligid committed by locals sa mga tulad nating dayuhan.
Then na-alala ko, meron nga pala akong inumpisahang article. Eto tinapos ko para ma-share ko sa inyo. Small things that I do para mag-ingat. Mainly on serious risks na pwede nating makuha sa labas. Para makaiwas tayo mga bugbog o hodap, much more ang tuluyan kang mapahamak.
If you’ve got anything to add, by all means, please do. Malay mo makatulong.
1. Ito ang pinaka-importante: iwasan maglaboy mag-isa. Hindi naman ako empleyado ng Census o kaya AGB Nielsen para kumalat-kalat ng walang kawawaan sa kalye. Kaya hindi ako lumalabas ng bahay kung hindi kailangan. Lalo na kung gabi. Kung meron akong pupuntahan, as much as possible, kailangan may kasama ako. Kung wala naman akong kasama, pinapa-alam ko sa kasama ko sa bahay kung saan ako pupunta, at kung pwede, kung anong oras ang expected kong balik. Basta’t kung hindi rin lang importante ang lakad, asahan mong naka-kulong lang ako sa bahay. Mas enjoy akong manood ng tv, mag-babad online, kumain at, ang bes op da bes – matulog. Kung sawa na ako, andyan naman ang paglilinis, laba, plantsa o magsulat ng articles para sa blog ko (obvious ba sa dami ng posting ko!).
2. Hindi rin ako model ng Levis kaya hindi ako naglalagay ng wallet sa aking back pocket. Bukod sa nasisira ang iqama at mga credit cards, nakarinig na ako from a friend na na-hablot ang wallet nya. Habulang umaatikabo dahil ang tumira, mga kabataan na member siguro ng relay team kasi si wallet, pinagpasa-pasahan habang tumatakbo. Pero kung talagang feeling mo eh wala kang pwet pag hindi don nakalagay ang wallet mo, at least ingatan mo na lang. Huwag mong hayaang naka-dungaw at nag-he-hello sa malilikot na kamay.
3. So saan nakalagay ang aking wallet, cp at kung ano pa? Sa isang bag na nakasukbit sa left shoulder ko crossing towards my right side. Yong sukbit na parang grade 1 para hindi madaling agawin. Tapos SOP pa na hawak ko ang strap kung wala din lang akong bitbit. In fact, mabuti at ganito ang naging ugali ko. Dahil minsang naglalakad ako, nagulat ako kasi may humatak ng strap galing sa likod ko. Yong tipong hablot na kung hindi ko hawak ang strap, dala ang bag ko. Bata din na naka-bike. Buti hindi nagtagumpay ang buhong. Kung hindi, magpapa-ikot din ako ng e-mail with matching appeal for my iqama!
4. Para naman akong model ng Orbit dahil meron akong satellites na umiikot sa likuran ko anytime na naglalakad ako sa labas. Kaya malawak ang peripheral vision ko. In short, lagi akong alerto. Matalas ang pakiramdam. Lalo kung may nasa likod ako o sumasabay na maglakad. Pati mga sasakyan, pinakikiramdaman ko lalo na kung bumabagal ng takbo. Ganon ako ka-praning. At pag may kasalubong naman akong naglalakad, malayo pa lang, tinatantiya ko agad ang kilos. Kung mukhang balasubas, iiwas ako para hindi ko siya makasalubong. Umiiwas din ako sa mga tambay na kabataan. Malayo pa lang, umiiba na ako ng daan. Yan kasi ang mga loko. Hindi ka man holdapin, bigla ka namang hahampasin o babatuhin ng kung ano.
5. Kung tatawid ako, hindi ako gumigilid ng husto sa edge ng rampa. White Lady lang ang hindi takot na mahagip ng sasakyan no. At kung nasa island ako, don ako sa bandang gitna nag-aantay hanggang makatawid ako. Medyo malayo para hindi ako mahagip na kung sino mang baliw. May mga narinig na kasi akong hinampas ng tubo o kaya sinabuyan ng tubig ng dumadaang kotse. Yong mga tipong sabog na nag-trip lang. Marami na rin dito non.
6. First floor lang ang tinitirhan ko kaya kung may susunod na baliw, madali akong masundan. Kaya bago ako humugot ng susi para buksan ang main door, lumilingon ako para masigurong walang halimaw sa likod ko. Marami na rin akong narinig na napasok ang bahay kasi nasundan, tinulak habang nagbubukas ng pinto. Kaya nalimas ang gamit ng walang kalaban-laban.
7. Hindi ako walking advertisement ng Nokia kaya hindi ko pinaparada ang cp ko sa kalsada kahit lumang model naman to. Kung nasa kalye ako at nag-ring sya, hahanap ako ng isang sulok o kaya papasok ako ng isang shop bago ko yon sagutin. Uso na dito ang snatching, mga bata lang na naka-bike, di mo na aaubtin ang cp mo. Kaya natatawa na lang ako sa ating mga kababayan na nakikipag-usap sa cp nila habang naglalakad sa kalye. Feeling VIP ba pag naka-cp silang naglalakad. Di ba!?
8. Marami na ngayon yong makakasalubong ka tapos aalukin ka ng relos o ng cp. O kaya may itatanong kuno o nagpapatulong. Hinding-hindi ako pumapatol dyan. Kung gusto kong bumili ng gamit, pupunta ako ng shops o mall pero hindi sa mga ganyan. Either maloko ka dahil akala mo nakamura ka eh peke naman pala yong nabili mo. At yong mga magpapatulong kuno, careful ka dyan kasi bigla kang itutulak sa kotse at dadalhin kung saan para ma-holdap. O ma-rape! May kakilala akong nakaranas na nito. (Katawa pa nga dahil lalaki sya pero pinag-hihipuan daw sya sa loob nong kotse!!! Bading ang mga goons??? Hahahaha!!)
9. Para din akong Martian na laging nakataas ang radar pag nag-e-ATM ako. Pag gumagawa na ako ng transaction at may pumasok, tinitingnan ko talaga ang mukha. Yong tinging may ibig sabihin. Double purpose yon. Una para mahitsurahan ko kung may gawin man sa aking masama. And secondly, kung walang intensyong masama, pinapa-alala ko lang sa kanya na hindi sya dapat pumapasok don habang may tao sa machine. Pwera na lang kung pila-balde at swelduhan. Yon talaga, blockbuster ang ATM pag ganong panahon kaya wag ka nang mag-reak.
10. Karugtong na rin ito nong number 1 ko. It’s about being alone. Hinding-hindi ako nagta-taxi mag-isa lalo na kung colorum. Di ba ang dami na dyang nasa mga kanto na illegal taxis. Sasakay lang ako sa ganyan kung meron akong kasama. Pero kung ako lang, tatawag na lang ako ng legal na taxi service. Mahal man ang bayad, sigurado naman (kahit paano) na hindi ako maho-holdap o kaya ay mari-rape at ibabaon sa disyerto.
In general, dapat lang na lagi tayong aware sa paligid natin lalo na kung nasa labas tayo. Kasi, kung matalas ang pakiramdam mo, madali kang makakapag-react. Kung panay ang emote mo, dyan ka madadale.
O, contribute na mga kabayan para naman makapag-ingat tayo.

1 comment:
Post a Comment