Tuesday, June 24, 2008

no. 8: ghost busting

One of the topics na madalas mapag-usapan ng mga adik lately ay ang tungkol sa multo and other things na katatakutan. Like Matt na kinakatok daw sa kwarto nya samantalang wala naman syang kasama sa flat kasi naka-bakasyon lahat. Or JunC who swears na nakakita na raw sya ng duwende. And even Tito Bong na meron daw third eye, nararamdaman talaga ang presence ng kung ano sa building nila ngayon.

Ang madalas na tuwang-tuwang pag-usapan ito eh si Raoul na sya rin ang magpapahinto ng kwentuhan kasi madaling matakot lalo na’t wala si Ricky na kasama nya sa bahay. Ako naman, enjoy lang makinig kahit wala akong mai-share na hair-raising experience tulad nila. Ako na lang yong taga- ‘ow talaga?’ o kaya ‘naayy kupooo’. In my entire life kasi, I can never recall one incident na nakakita ako or even nakaramdam man lang ng presence ng mga ganito.

I’ve lived alone almost all my life. Sa iba-ibang bahay pa and in different locations. Kahit sa Pinas o dito sa abroad. Pero wala talaga akong naranasan na ganito. Even dito sa current house ko where my previous housemate says na may nararamdaman sya (meron daw syang naririnig at night na heavy breathing sa kwarto nya). Wala akong narinig or naramdaman kahit matagal akong nag-isa sa bahay na to.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko pag nakakita ako or nakaramdam ng ganito. For sure matatakot din ako. Pero yon nga, wala pa talaga akong experience sa mga ganito.

Not that I do not believe in their existence. Naniniwala ako na merong ganyan. Kahit sabihin pang mas practical ako and objective than the next person. I do not deny the fact that I do believe in their existence.

Bakit kamo?

Simple lang. I believe in God. And if there is God who created all the things in the universe, then dapat maniwala din ako kay Satan who is also God’s creation. So if we believe in God and his angels, then we should believe (not in the better sense of the word) in the existence of the prince of darkness and the many forms and faces he assumes. At sya lang naman normally ang nagpapakita sa mga tao not only para manakot but to remind us that they he exists. KSP kasi yan.

Kasi, di ba if you happen to come face to face with the devil, parang tini-test ng dark forces yong faith mo sa Diyos. Ke white lady pa yan or multo, even the face of death itself, normal mo sigurong magiging reaksyon is matakot. But if you believe that God resides deep in your heart and soul, then you’d know na ililigtas ka nya from that situation.

So siguro, yon ang purpose kung bakit may mga ganyan. Siguro to remind us of the ever-continuing struggle between the good and evil. And you’d only know kung nasaan ka when put to extreme tests like these. What will you do, what word will come out of your mouth when confronted by a headless corpse floating in the air? Di ba?

Kaya nandyan ang existence ng mga unknown and unseen forces na hindi pwedeng i-explain ng logic and even the most intelligent minds of the academe. Dahil kung wala yan, wala nang mystery na natitira sa buhay natin. Everything will be written down and charted on books na parang buhay lang ng sequioa tree ang buhay natin. And we all know our life is far more interesting than that of a tree. Or anything else in this world.

Simply put, life is full of the unknown. And the supernatural exists to let us know what is natural. Either we believe it or not, it is there. Somewhere. Depende na sa atin how we will let these forces affect us.

2 comments:

Anonymous said...

hay buti naman nagbalik ka na ano ba yan ghost busting ako rin di pa ako nakaexperience ng nakakita ng multo di ba sabi nila mas matakot ka sa buhay kesa sa patay. Hay naku si jorge sadyang matatakutin talaga yan eh ipis nga pag nakakita mas malakas pang tumili sa akin he he he....

Dante said...

naku sundot lang po ito mrs linds kasi di pa rin gawa ang computer ko...

nakakatuwa talaga ang mga comments mo like this one. kala ko kunwari lang sya ganon, yon pala pati dyan sa inyo! hehehe... cute naman yong mga pakwela nya kaya masaya!