Any fool can be a Father, but it takes a real man to be a Daddy!!
You are the god and the weight of their world.
Don't make a baby if you can't be a father
Syempre father’s day paano natin i-describe si Daddy Jorge as a father syempre bago muna naging father eh good husband muna sya dahil nung pregnant ako ke bhuleg eh nung time na nagspotting me and advise ng doctor na bedrest ako, so super senyorita and spoiled ako sa kanya nandun yung magpatimpla ako ng coffe ng 1:00 am kahit antok na sya eh tinimpla pa rin nya ako at saka matutulog na lang kami eh nagpapatimpla pa me ng juice eh go naman. Sayang nga nung nabuntis ako ke bhitoy namiss ko yung pag-alaga nya sa akin. Pero nung time na buntis me ke bhitoy naglihi ako sa pistachio aba kahit tapos na paglilihi ko pinadala pa rin nya rin ke Ninong Ega yun kahit mabigat at naglalangis pa yung dates nakarating pa rin sa akin thanks ha!
As a father of bhuleg and bhitoy naman syempre champion yan noh! Eto po ang kwento nung naglabor me ke bhuleg nasa office sya so sumunod na lang sya sa hospital syempre ilang hours akong naglabor eh wala naman syang choice kundi umuwi at tumawag kung ano ang status ko nung nadeliver ko na si bhuleg at tinatawagan na sya ng ob-gyne ko eh tinulugan po ako nanood ng boxing at nakatulog ginising lang po sya ng tatay ko dahil nga me tawag sa phone syempre po dumating sya nasa room na ako at si bhuleg nasa nursery na pero ok lang po yun kasi nga masarap naman ang breakfast ko courtesy of daddy Jorge, saka bumawi naman sya sa pagbantay sa amin ni bhuleg sa hospital naalala ko pa nga nung minsan na natutulog na sya sa bakanteng kama eh kurtina ang ginawa nyang kumot sa sobrang ginaw sa kwarto eh nakashort lang sya eh at that time eh groggy pa me na parang tiningnan ko lang sya at natulog na ulit me. Syempre nung paglabas ni bhuleg eh super alaga sya lalo na sa puyatan minsan nauuna pa yan bumangon sa akin pag umiiyak na si bhuleg aba nung minsan sinilip ko silang mag-ama aba nakadungaw sila ni bhuleg sa bintana 2 months pa lang si bhuleg nun tuwing umaga pumapasyal silang mag-ama at one time na me sipon si bhuleg na sya mismo ang sumipsip para lang mabawasan ng sipon ni bhuleg kasi si bhuleg nung maliit iyakin at madalas kabagan kaya nga ang lahat ng atensyon nasa kanya kaswerte.
Pagdating ke bhitoy syempre me wala ang presence ng kanyang daddy Jorge pero mas naging close pa sila ni bhitoy kahit hindi naalagaan nung baby. Hay si Daddy Jorge super galing nyan magbabysit ke bhuleg aba tuwing maggugupit ng kuko ni bhuleg laging me sugat tapos nung minsan sa sobrang kaantukan naibuhos ke bhuleg yung bote ng dede na walang takip nung tanungin ko kung bakit eh wala daw nitong nagdeny pa eh di rin sya nakatiis kwento rin sya natawa na nga lang kami. Well syempre bilib ka ke Jorge galing yan ng office kahit pagod yan maghuhugas pa rin ng bote ni bhuleg at super linis ha biro magsasalin lang ng gatas eh mag-aalcohol pa maselan noh!
Si Bhitoy naman eh hindi nya nga naalagaan eh bumawi naman si bhitoy kasi nung baby pa si bhitoy ay masasakitin eh siguro kung hindi nagsasaudi ang kanyang daddy naku baka sa kangkungan na kami pulutin at salamat naman sa Diyos ngayon sya ay very healthy na. At nung minsan na nagpunta kami ng hospital at nadaan naming yung plaza moriones tinuro ni bhitoy dun daw sila pinapasyal ng daddy nya kasi silang mag-aama pagdating ng hapon eh tumatakas sila para pumunta dun paano kasi me purpose din ang daddy nya kaya dinadala nya sa plaza moriones sa Tondo sina bhuleg & bhitoy para makapanoood na rin sya ng naglalaro ng chess.
Hay naku pagdating naman ng oras ng tulugan ay story teller po sya ng aming dalawang makulit na chikiting ewan ko nga lang kung saan nya pinupulot yung mga name ng character nya sa kwento meron si aburikit yun lang ang natatandaan ko buti na lang at di si abu sayaf. Para ke Daddy Jorge happy father’s day !
Message from us:
Dear Daddy Jorge.
Love you a lot. Thank you for every thing you did for me.
Love,
Bhuleg
Dear Daddy Jorge.
Love my dad with all my heart and that’s all I have to say
Love,
Bhitoy
Dear Daddy Jorge,
Thank you for everything. I cannot survive in this world without your support and love. We appreciate everything you did for us. Thank You! I love and miss you moah!
Love,
Lhinds
eto naman ang message ko to jorge, linds, buleg and bitoy: wish ko lang po that you continue to be one happy family. masaya po ako na nakakarinig ng mga ganitong kwento ng isang pamilyang buong-buo ang pagmamahalan! congrats linds and jorge. and by the way linds, katuwa ang mga kwento mo! natawa ako talaga... thanks again for sending this post.
2 comments:
Thanks a lot for posting this, hiya pa nga me coz i am not used in this kind of situation, may pagka-senti si misis kase kapag home sick din hehe, anyway, maraming salamat po sa aking butihing asawa and sa aking mga anak miss ko tuloy kayo pero di pa ako uwi at wala pa tau pambayad dun sa bahay hehe, Happy father's day po sa lahat - anonymous junc
so sweet and inspiring po sa amin ang blog na ito...
SWEET - kasi the love among urselves was felt in every word written...
INSPIRING - kasi sa pagkakakilala namin kay george, happy go lucky, magaspang, maharot, magulo etc etc...pero may other side which we dont know and sets a good example to us in being responsible and loving sa mga mahal sa buhay.
well, sabi nga ni ka dante, may the love continue and grow more...the only treasure you can pass on to your children that even time cannot take away from them....GBU :-)
Post a Comment