Sunday, June 15, 2008

happy father's day Tay!



ang tatay ko yong nasa top left ng picture. si reynaldo morales ondoy. bunso sa kanilang magkakapatid. ang kasama nya dito sa picture, ang tita ko (katabi nya), si tiya pilang na nanay nong tatlong bagets. ang mga nakaupo eh mga tiya yata nila (dunno the other two standing with them).
.
sabi nga ng mga tiyo/tiya ko, spitting image daw ako ng tatay ko. i got his features like the eyes, the nose, the ears and even the body structure. nakuha ko rin yata ang pagiging mayamutin nya. high blood kasi kaming pareho kahit mga payatin. even his dry sense of humor, namana ko rin.
.
halos lahat yata tungkol sa tatay ko nai-kwenbto ko na in a few other posts i did before. pinaka-marami akong naikwento don sa remembering tatay (posted sometime back in october last year) na noong sinusulat ko was like a bulldozer that banged a levee, letting go of tons of emotions na biglang bumalik sa akin. i sobbed with no shame.
.
coz i love my father dearly. and i'm missing him a lot. kahit hanggang ngayon na 13 years na syang wala. i can't forget his goodness and the love he has given me noong buhay pa sya.
.
he spoiled me kahit mahirap lang kami. once lang nya ako napalo dahil na rin sa katigasan ng ulo ko. but all throughout my life, he's been very supportive of what i did and wanted to do. he knew my dreams and he was backing me up all the time para ma-achieve ko yong dream na yon. sayang nga lang at nang nag-uumpisa na ang realization nong dream na yon, saka naman sya nawala.
.
how i wish na kasama ko pa rin sya ngayon. how i wish na pag umuuwi ako for vacation, nakikita ko pa rin ang saya nya when i give him my pasalubong. kahit ano ang iabot ko sa kanya, talagang pinapakita nyang fully appreciated yong binigay ko.
.
but that's how it goes. it's one cycle that all of us have to go through. live, love and die. nauna lang si tatay. then my turn will come anytime. magkita na lang siguro kami somewhere - in paradise if there is one.
.
i've said this a thousand times before and i'll say it over and over again - kahit matagal na syang wala, hindi sya nawawala sa puso at isip ko. ito yong sinasabi ng marami na kahit daw mamatay ang isang taong mahal natin, they will live on forever. sa mga hindi pa nakakaranas, hindi maiintindihan yon. kahit ako noon, di ko maintindihan. sabi ko corny. but when i experienced it myself, totoo pala. in a higher level, in a different dimension, he lives on in my life. and he will never ever be gone. and he'll stay here in my heart. forever.
.

No comments: