Friday, June 13, 2008

liar liar

no, i'm not writing about jim carrey's super over eklat na movie some centuries ago. what i'm fuming about are two news articles na nabasa ko ngayon lang sa local (philippine) tabloids. at alam nyo naman ako, pag nakanti, growls and lives up to my sign. kaya heto, makisawsaw ako sa dalawang kareak-reak na balita.
.
.
the devil rides a benz

Lately nasa news na naman si Princess Revilla dahil sa isang 17-year old housemaid na diumano, binubugbog nya. According to the maid, pinapalo sya sa katawan kaya sya black and blue at pinasakan daw sya ng tsinelas sa bibig. Tumakas lang daw yong maid kaya nakapag-sumbong sa authorities.

Hindi ko sila kilala personally. Not Princess nor the maid. But just like anybody else, ang sympathy ko ay nasa katulong agad. To see her black and blue, hindi naman siguro self-inflicted yon para lang gumawa ng istorya against her boss.

Ang isa pang reason kung bakit mas naniniwala ako don sa katulong, nasabit na rin si Princess dati sa ganito ring kaso. Dalawang maids nya ang nag-reklamo ng physical abuse some ten years back. Nag-demanda pa nga yong dalawa pero hindi nag-prosper ang kaso. Bigla daw nawala yong dalawang complainants. Di natin alam kung saan napunta. Pero kung ikaw ay isang mahirap sa Pinas, court cases are not exactly something you can afford. O baka may iba pang nangyari. Hindi naman siguro natin kailangan pang i-explain kung gaano ka-impluwensya ang binangga nila.

Ngayon, eto na naman ang isang nilalang na sa hirap ng buhay ay nagpa-alila, in the most literal sense of the word. Dahil hindi ko mai-magine kung anong klase ng pag-trato ang ginagawa ng Princess na ito sa katulong. Nakakangitngit. Kaganda pa namang babae pero apparently, walang pagpapahalaga sa karapatan ng kapwa. At dahil sa buong buhay nya ay hindi nakaranas maghirap, basahan ang trato sa mga nagsisilbi sa kanya.

To top it all, heto at magdedemanda pa raw ang Princess na ito sa katulong. Scripted lang daw ang mga reklamo nong katulong. Ang kapal. Nakakapag-ngitngit talaga. Kahit pa si Fortun ang lawyer nya, at kahit pa magpa-press conference sya araw-araw sa Anabelle’s, hindi ako maniniwala sa kanya. Lalo lang humahaba ang sungay na nakikita ko sa babaeng ito!

Nagsalita na si Bong who, ironically, was the author of a bill (I’m not sure kung passed into law na ito) that protects the rights of household helps. Sabi nya, hindi raw sya makikialam, hands off daw sya sa investigation or things to that effect. Sana nga. Dahil it’s about time na putulin na ang kalupitan ng babaeng ito.

Dapat ipa-alala sa Princess na ito na tao ang mga katulong. And in general, tao pa rin kaming mga mahihirap kahit nagugutom, sira-sira ang damit at nagpapa-alila sa mga mayayaman na tulad ninyo. Kaya tratuhin ninyo kaming tao. Dahil kung hindi, kayo ang hindi tao. Mga... nakuuu.......ewan pero umuusok talaga ang tuktok ko dito.


Isa pang makapal

Isa pa itong si Baron Geisler. At sya pa ang may ganang idemanda ang anak ni Yayo at William. Binabaliktad ang sitwasyon at ang bata daw ang gumawa ng kalaswaan sa kanya. Parang pinapalabas na kaya nag-react ng ganon yong bata is because hindi nya pinag-bigyan ang sexual advances.

Kapal!!!! Eh di bale sana kung wala rin itong record ng mga kalokohan. Eh lagi nga syang laman ng showbiz columns dahil sa mga pinag-gagawa nya kapag lasing sya. And now he’s crying foul himself? Kung hindi ba naman…. Naku!

Kung pwede lang mga judges sa Pinas, send these liars straight to jail, lock them up with thousand padlocks and throw the keys into the murky waters of Pasig River. Para mabawasan naman ang mga walang respeto sa human rights sa Pilipinas!

2 comments:

Anonymous said...

Naku ewan ko ba dyan ke princess revilla pati ba naman maid kailangan pang bugbugin di na nadala sa demanda ng unang katulong kacheapan noh! Doctor pa naman ang asawa nya halatang guilty sya kasi walang mukhang iharap ang husband nya.

Naku si byron pasaway ah kabata pa eh alcoholic na pumasok pa sa big brother house eh wala naman napatunayan bumalik din sa dating bisyo dapat yan pakulong na bad influence sa mga kabataan.

Palabas na ba ang caregiver dyan ni sharon di ko pa napanood baka napanood muna eh magkacomment ka muna bago panoorin kasi 3 weeks na dito still showing pa. Thanks

Dante said...

ahehehe.... i wonder kung sino si anonymous kasi wala pong sinehan dito...