Buhat pa nong March 1, naki-join
ang Sta Rosa sa iba pang cities and municipalities na nag-ban na ng plastic
bags at iba pang non-biodegradable materials.
Last thing I heard, a bigger part of Metro Manila has been doing this
for some time now. At target yata na
buong Metro Manila at iba pang lugar ay totally i-ban ang plastics in the near
future. Kaya yong unang weekly grocery ko for March sa aking suking Waltermart,
sa brown paper bags na nilalagay nong bag boy ang mga pinamili ko.
Of course mahirap bitbitin ang
supot na papel lalo na may binili akong fish and meat. Lalo na yong coke litro na mamasa-masa dahil
galing sa malamig na freezer. So kung
ilalagay mo sa paper bag yon, kailangan yakapin mo sya or else lulusot dahil
siguradong mabubutas si supot! May eco-friendly bag naman daw sabi ng
cashier. Ok. Di bale nang magbayad ng 10
pesos per bag kesa naman mabutas ang supot at sumabog ang pinamili ko sa sahig!
I really have no problem doing
away with plastic bags. Kahit ibig
sabihin non eh wala na akong libreng lagayan ng basura sa bahay. No choice kungdi bumili na rin ng itim na
waste bags na plastic pa rin at hindi pa naman totally pulled out of the
stores. Walang problema kahit bumili pa
ako ng apat na eco-friendly bags na 10 pesos each kung nasa Waltermart grocery
ka at 35 pesos kung nasa SM ka. If this is the way I can contribute to the
betterment of our ecological situation, by all means, go!
But amidst this frenzy of being
eco-friendly plastic-free society, nagtanong ba tayo kung bakit kailangang
gawin?
I heard from one report na ang
biggest reason daw why plastics have to be banned ay dahil ang plastics ang
bumabara sa mga kanal kaya nagkakaroon ng malaking pagbaha sa Metro Manila at
iba pang lugar. Hindi rin daw biodegradable kaya napupuno ang mga
landfill. Masama din daw kung susunugin
dahil nagko-cause ng pollution.
Fine. Don sa last two statements, isang word lang
ang sasabihin ko: RECYCLE. At don sa
unang statement, dyan tayo hahaba ang usapan!
Bakit babara sa kanal at
magba-baha dahil sa plastic? Hindi dahil
sa plastic mga kabayan. Dahil sa UGALI
nating mga Pinoy. Dahil sa KAWALAN ng
DISIPLINA! Hindi dahil sa plastic.
Paano ba mapupunta sa kanal ang
plastic kung hindi natin itinapon? Hindi
naman kusang lilipad yong plastic para humanap ng kanal or imburnal or manhole
at sisiksik sya doon saka magtatatalon na ‘yehey naka-bara ako sa kanal’!
Bakit sa Singapore wala tayong
nababalitaan na bumaha dahil nagbara ang mga kanal? Dahil sa kanila bawal magtapon kahit balat ng
kendi sa kalsada. Eh sa Pinas, di ba
parang isang malaking basurahan ang kalsada, kanal at mga ilog?
Which leads me back to my early
days na ang slogan ni former President Marcos eh Sa Ikauunlad ng Bayan,
Disiplina ang Kailangan. Totoo
naman. Bakit noon disiplinado tayo kaya
ang Pinas ang tinawag na Tiger Economy of Asia.
Eh ngayon, oo nga at nasa demokrasya tayo, we enjoy such freedom a lot
of oppressed nations are dying for, and yet we’ve been left behind. Kulelat na yata tayo sa ASEAN region kung
economy ang pag-uusapan.
Kahit ang kawawang Vietnam na
nilugmok ng sangkatutak na giyera, naungusan na tayo. Their economy is now far better than Pinas. In
fact, marami na sa mga kababayan natin ang ginagawa itong destination for
work. Hindi ba nakakahiya na dati
kulelat sila and yet here we are, sugod na sa kanilang bansa dahil mas maraming
opportunity at magandang kumita ng pera?
I’m not saying we have to go back
to the martial rule that President Marcos imposed. Ang sinasabi ko lang, let’s enjoy our freedom
and at the same time, be a responsible citizen.
Tulad na lang dito sa basura. Wag
magtapon kung saan-saan. Wag magkalat. Because in the long run, it is our lives that
suffer from the consequences.
Sige, magtapon ka at
magkalat. Pagdating ng kaunting ulan,
binaha ka. Na-Ondoy ka (ouch, i hate to
use it pero naging synonymous na ang pangalan ko sa delubyo!). Ang bahay at kotseng pinundar mo,
pinaghirapan mo, nalubog sa baha. Oh, di
aatungal ka. Kayod ka na naman para
magpundar ulit.
Hindi naman siguro nagkukulang
ang gobyerno sa pagpapa-alala sa atin.
Matigas lang talaga ang ulo natin.
Natural tayong pasaway. Kaya
kahit ano pang sangkatutak na legislation ang gawin ng ating mga mambabatas,
kung hindi tayo susunod, walang mangyayaring pag-unlad sa ating bansa. In fact,
isa na yata tayo sa bansa sa buong mundo na napakaraming batas. And yet walang nangyayari. It only encourages corruption. Dahil nga maraming pasaway. Kailangan pa ba
na bumalik sa authoritarian rule para lang tayo sumunod?
I laud the think tanks who
initiated this plastic-free society.
Good thinking. Pero sana lang,
sinamahan din ng mas magandang intention.
At nilinaw na hindi ang plastic ang problema. Kungdi tayo mismo. If the change comes from
within ourselves, mas magiging natural at malinaw ang gagawin ng bawat isa para
maka-contribute sa kalinisan at kaligtasan ng kapaligiran.
And you think brown paper bags
are better? Think again. Kung 200 paper bags ang magamit ko sa aking
paggo-grocery sa isang taon, isn’t it that it equates to one tree being cut
down somewhere? Hindi ba’t deforestation
is another demon we’re trying to combat because of the flash floods and land
slides? So kung buong Pinas ay paper bag
ang gagamitin, ilang libong puno ang kailangan nating itumba? In the end, ilang bayan ang babahain at
makakaranas ng land slides?
Yon ang reason ko kung bakit
kahit gumastos ako ng 10 pesos for the eco-friendly bag daw, i’d rather do
it. Dahil alam kong hindi man bumara sa
kanal ang paper bags, it still means devastation of our forests. By not patronizing the brown paper bag, i know I'm going one step further. I'm reducing my carbon footprint even greater. So I’m a good citizen. Yes I
am!