ayan na nag-umpisa na ang giyera. with the arrest warrant served, ito na yong start ng labanan na matagal na nating inaantay. and if the airport fiasco last tuesday is any indication, the filipino people is in for a ride more dizzying than the roller coaster in my neighboring enchanted kingdom. forget geneva's histrionics in survivor. this is prime time drama at its best.
cool na cool daw at pa-smile-smile lang si GMA when she was served the warrant yesterday. siguro talagang expected na nya. or, sa kundisyon nga naman nya na bedridden, may contraption na nakakabit sa katawan and most of all, nanghihina from a health problem na hindi pwedeng remedyuhan itapal man ang milyones nya sa kanyang katawan, ano pa nga ba naman ang magagawa ni tita glo. just smile and let her hordes of brilliant lawyers handle the situation.
.
kaso hindi pwedeng si attorney topacio ang magpa-finger print. hindi rin pwede si elena baustista-horn ang magpa-mug shot kahit angelic beauty pa si former ltfrb boss. at lalong hindi pwedeng ilagay ang pangalan ni mr mike in place of her name sa docket ng pasay court. it really is her battle now.
and all the people around her can do is bark like hound dogs to protect their master. and do some maneuvers na kung mahina-hina si sec de lima, tibag agad ang gobyerno ni PNoy sa pangako nitong panagutin si former president GMA sa mga 'atraso' nito kay juan dela cruz. with 6 counts of plunder (na ewan naman at hanggang ngayon eh hindi pa rin maisampa sa korte) plus the monster of 'em all, electoral sabotage, talagang mababali ang gulugod ng kahit sinong haharap dito.
umpisa pa lang ng laban pero ang saya-saya na ng labo-labong nangyayari. ang daming damay, nakikiramay at damay-damay sa gulong ito. even the brightest script writers of tv networks will find it hard to concoct such a huge plot like this. look nyo na lang.
plot 1: itlog o hotdog? sabi ni atty topacio nong hinarang sila sa airport, ipapaputol nya raw ang isang betlog nya pag hindi bumalik sa bansa ang former first family. buti na lang hindi naka-alis si ate glo. or else, mababawasan ang pagkalalki ni attorney. ang tanong lang, may bading naman kayang mag-abang sa tapat ng hospital window where attorney will get castrated? hmmm... eh papatalo ba naman ang administrasyon? si majority floor leader neptali gonzales II, ipapaputol daw naman ang ulo nya pag na-impeach si PNoy. walang masyadong nag-reak sa statement nya. pero kung naging mas naging specific sya kung anong ulo ang ipapaputol, baka may pumatol pa sa sinabi nya.
plot 2: isumbong mo kay tulfo! nong nag-issue si sec de lima ng wlo against the arroyos, tumakbo sila sa supreme court. porke uncostituional daw. ang sc naman, without even asking doj why oh why delilah, este de lima pala, issued the tro. oh di nakuha ng mga arroyo ang gusto nila. sabay belat kay sec de lima. sabi naman ni sec de lima, aba bakit, kayo lang ba ang marunong nyan? ako naman ang magsusumbong kay judge jesus mupas. and presto, after just a few hours, hindi lang hdo ang in-issue ni judge. arrest warrant pa! mas malakas ang belat ni sec de lima! but wait! eto at susumbong daw ulit ang kampo ni gma sa supreme court. at ipapa-bura ang kasong sinampa ng joint comelec-doj. syet, kala ko di na uso ang rigodon!
plot 3 : lucky me supreme. this is more on the supreme court. kahit naman sa mga beauty contest or amateur singing contest, pag kabig mo ang majority ng judges, aba syempre panalo ka. and we know for a fact that 8 out of 15 in that body ay appointees ni gma. 7 justices at pang-8 ang chief justice na inihabol ni gma in the nick of time bago umupo si PNoy. kaya talagang mahihirapan silang ipaliwanag sa madlang pipol ang ginawa nilang pag-kampi kay gma (or would they even care? dont think so). also, they cannot claim integrity and moral high ground. lalo yong credibility. dahil may ilang mga palpak na rin silang ginawa before. mga bigay-bawing decision. most recent of which is the palea case. anyo yon, nag-decide sila last year with finality tapos biglang binawi at mali daw yong decision na ginawa last year? so how can you expect juan dela cruz to give you the utmost trust and respect? ang masakit nito, despite everything i've said, they still have the supreme authority on anything. kaya ayan at kahit anong kaso ang isampa kay gma, isang takbo lang nila sa supreme court, isang sigaw ng 'unconstitutional', wag na tayong magtaka kung ano man ang kanilang maging desisyon. do i hear gma camp singing i've got the supreme court on my side... lukcy me!?
plot 4: the biggest bullhorn. i'm sure napansin nyo rin to. kung si gma may elena bautista-horn na sweet na sweet magsalita pero sour na sour ang mga sinasabi, meron ding cool but biting edwin lacierda ang malacanang. nandyan din si attorney topacio na very passionate sa mga sinasabi (thus the betlog putulan statement) pero mas passionate si sec de lima pag nagsalita with matching twang and diction minus the putulan betlog statement. at akala nyo ba yang dalawang panig lang na yan ang palakasan ng microphone, pabonggahan ng press releases at paramihan ng press con? na-ah! dont leave sc's atty midas marquez out of the picture. i'm sure we'll see more of him in the future. it's a battle of the loudest speaker. and biggest, most irritating bullhorn.
plot 5: the left, the right and the middle. ano pa nga ba eh di kampi-kampihan na. mga pulitiko, experts, kongresista, mga senador, at kahit sinong mahagip ng tv camera, kanya-kanyang manok na. kanya-kanyang statement. kanya-kanyang expert opinion kuno. dyan hindi nagkukulang ang pilipinas. sa dami ng mga marurunong. ng mga geniuses. ng mga expert. ng mga 'authorities'. each one claiming to have the final say pagdating sa isang issue. pero wag ka, halata namang puro biased ang mga pinagsasabi. epal na epal sila compared sa mga hirit ni sen miriam. hagalpak na naman ako ng tawa sa kanyang 'i wanna commit suicide'! bwahahaa... pero yon nga, kampihan na sa kaliwa at kanan. pero ang nasa gitna? ang kawawang si juan dela cruz. coz afterall the grandstanding, the chaos and when the dust had settled, naiwan si juan dela cruz na nakatanga sa langit, wondering what in the world had happened, at wala namang kinapuntahan ang pinag-awayan. in short, talo pa rin si juan dela cruz. at babalik na lang sya sa kanyang barong-barong, kakain ng kaning lamig na walang ulam. at aasang bukas ay maging mas maganda ang takbo ng pilipinas.
lima pa lang yan pero ang dami-daming notable plots sa nangyayaring gulong ito. pero sabi ko nga sa fb wall ko, whatever happens, kahit anong maniobra ang gawin ng magkabilang panig, ang importante at gusto kong makita after all is said and done, ay hustisya para kay juan dela cruz. parusahan ang may kasalanan. kung ninakawan tayo ng bilyon-bilyong piso, ibalik ang perang yan. maawa naman kayo sa mga kababayan nating namamatay araw-araw ng dilat ang mata. manood kayo ng mga documentaries ng gma-7 para makita nyo kung gaano kalunos-lunos ang hirap ng buhay ng karamihan ng ating mga kababayan.
.
at tulad nga ng sinabi ni sec de lima, tama na ang mga compa-compassion. this is the time that we have to bring the culprit to justice. sobrang kawawa na ang inaabot ng mga pilipino. tama na ang pang-aabuso ng ilang mga ganid sa bayan. if they really have done the country injustice, let them face the consequences. let them be reminded that usurpers of power can never scape the claws of justice. at ang mga swapang at diktador na tulad ni ghadafi, their stories end in gruesome fashion. hindi papayag ang mga pinoy na lagi na lang dinadaya at tinatapakan. only marquez do that to pacman.