Thursday, January 21, 2010

bilog na itlog?

GMA (the Tv station, not the President, duh!), as always, led the way pagdating sa educating the masses para sa darating na election. Tinalo pa nila ang Comelec na hanggang ngayon hindi pa rin alam kung matutuloy ang computerized voting. Aligaga pa rin sa kaliwa't kanang beaurucracy, technicalities at kung ano-ano pa kaya hindi maasikaso ang page-educate sa mga botante.
.
Using the popularity and talent of Sex Bomb, they (GMA-7) came up with a very effective song and dance instructional video na talagang tatanim sa utak ng makakakita. Pag hindi pa naman nila na-gets kung paano ang tamang pag-boto, naku ewan na lang.
.
At kahit sa true lang ay oblong ang itlog at hindi bilog, generally accepted na rin naman yon kaya heto at maki-kanta/maki-sayaw tayo sa SB. It's DS' way of doing it's part for patriotic purposes.
.

Wednesday, January 20, 2010

hotnothot 25

Hotnot: Kris Aquino’s effect on Noynoy’s bid for the presidency. Noon pa lang nag-declare ng candidacy si Noynoy, marami na ang nagsabi na si Kris ang waterloo ng Noynoy’s campaign. Very ironic dahil high profile celebrity si Kris and her stature could have been an ace for Noynoy. Kaso, kabaliktaran ang epekto dahil Kris’ stature was a result of her being tactless, maarte, at very controversial na private life. And the recent scandal of her making sugod the kapitbahay in Valle Verde is so kaka (hehehe). The timing couldn’t be worse lalo pa ngayon that Villar’s popularity is closing in on Noynoy according to surveys. I’m sure gigil na gigil hindi man si Noynoy pero ang mga nasa campaign team nya. But to be fair to Kris, buhay nya yon. She chose to live her life so transparently even long before Noynoy dreamt of Malacanang. Kaya hindi na natin mai-expect na mag-bago sya even if at the expense of her brother’s aspiration. Ang tanong, how damaging is Kris to Noynoy’s campaign? We’ll see that in May.

Hothot: SLEX traffic a breeze. I was so delighted na ang travel time ko from my place in Sta Rosa to Alabang has now been reduced to less than 30 minutes. Kung dati na inaabot kami ng syam-syam dahil sa traffic, lalo na nong ginagawa pa yong expressway, this time hindi ka na pwedeng maka-idlip sa sasakyan. Pero nakakatuwa lang coz I’m just a commuter. Kung ako siguro ang may sasakyan, hindi masyado. Dahil sa taas ng toll fee.

Hothot: Australian Open’s women singles. I’ts a treat for tennis lovers like me dahil bumalik na ang Belgian superstars na sina Justine Henin at Kim Clijsters sa tennis circuit. After a few years na halos sabay silang nag-retire, halos sabay din silang bumalik. A very welcome decision from the two dahil tennis wasn’t the same noong wala sila sa tour. Now that they’re back, we can expect more hard hitting action na hindi kayang ibigay ng ibang stars tulad ng inconsistent at over-hyped na si Maria Sharapova. Kim and Justine, plus the ever-colorful Williams sisters. Magandang labanan to.

Hotnot: Mylene Aguilar and Jason Ivler – perfect picture of Pieta. Mother’s sorrow talaga ang dinadaanan ni Mylene who is now reaping the ire of authorities for harboring her criminal son. Maari pa raw syang kasuhan ng obstruction of justice. Ito ngayon ang pinagtatalunan ng mga law experts dahil may nagsasabi naman na according to law, hindi pwedeng kasuhan ng ganon ang immediate family members, parents included, kung tulungan man nila – to the extent na itago – ang kanilang anak na wanted ng batas. At sa mga nanay, may mga nakiki-simpatya kay Mylene. Gagawin din daw nila ang ginawa ni Mylene coz they have to protect their children no matter what. My take on this? Po-protektahan ko ang anak ko kung alam kung isang pagkakamali ang masangkot sya sa isang kaso. But in Jason’s case na dalawang beses nang nakapatay – una dahil sa aksidente daw, second dahil sa road rage – hindi na tama. Hindi ako papayag na mawalan ng law order ang lipunan natin dahil sa mga kunsintidor na magulang.

Hothot: Meryl Streep’s win in Golden Globe. Kung hindi pa naman sya nanalo magpo-protesta na ako. Double nomination pa nga sya dahil nominated din sya sa romance comedy na It’s Complicated. But it’s her portrayal of an eccentric chef in Julia and Julie that gave her fifth (if I’m not mistaken) Golden Globe. Actually natuwa ako sa Golden Globe ngayon. Avatar, which I just reviewed lately at personal favorite ko, won for Best Film. Winner din si Sandra Bullock ng kanyang first acting award for her touching performance in Blind Sind. They do deserve their wins.

Monday, January 18, 2010

eb vs megalomania

Let me start by saying that there’s no question about the supremacy of Eat Bulaga pagdating sa noontime shows. In its 30 years of airing, marami nang tumapat sa programang ito na wala din naming kinapuntahan kungdi amg mag-babu sa ere. May tumatagal minsan, some even have the boldness to claim number one pagdating sa ratings, pero sa totoo lang hindi man lang makahabol at maya-maya ay naglaho na rin to oblivion.

Part of EB’s success ay ang mga hosts. Wala ni isa sa kanilang nakaka-irita at mabigat ang dating. Vic has always been the charming and credible host kahit pa may reputasyon sya as a ladies’ man. Joey can be very frank sometimes pero you’ll still admire his wit and humor. Tito, who’s on and off sa program, maybe boring at times pero he lends credibility to the program dahil sa kanyang estado. At lahat ng mga co-hosts nila, wala kang maririnig na sumisigaw at nagbibihis na parang perya ang nilalabasang show. Walang OA para lang maka-generate ng pekeng excitement. Walang namimigay ng pera para lang masabihan ng ‘ang guwapo-guwapo moooo’. Somebody's megalomania isn't entertainment for me.

Malaking factor din ang paggawa nila ng mga program segment na klik sa viewers. Some of their contests even produced big names sa local entertainment scene (Aiza Seguerra just one example right on top of my head). At sa game shows, the production team really exerts effort to come up with authentic and novel ideas kaya hit sa masa. Hindi yong ginaya na nga lang sa Spin-a-Win pero may 2 at 0 pang numbers in just one slot! Talk about utter carelessness, irresponsibility and arrogance!

Biggest hit ng EB as of now ay ang Pinoy Henyo, a game show na talagang inaabangan ng manonood. Kahit sa mga office parties lalo na sa katatapos na Christmas season, ginagaya daw ito according to showbiz writers. Pero nauna na kami ng mga adiks kasi since last year ginagawa na namin ito anytime na meron kaming gathering.

Kung tutuusin, hindi bago yong idea na ginamit. It could easily be a spin-off of the charade game. Ang maganda lang, binago nila at nilagyan ng twist na talagang original. Ang resulta, an exciting game na talagang mage-enjoy ka at hindi pwedeng hindi ka makisali. I’m sure nakikisigaw ka rin tulad ko (minsan napapamura pa? hehehe) pag hindi makuha nong contestant yong sagot.

Again hoping to invent a new game na maghi-hit sa manonood, they introduced BaBaBoom. A very simple guessing game kung saan hahanapin mo, at iiwasan, ang mga kamay ng mga EB Babes na may coin. Sad to say, hindi ako natutuwa dito. Kulang sa excitement. Kulang sa thrill factor. Maybe because walang challenge sa kaalaman ng viewers. Unlike Pinoy Henyo na lalabas how sharp (or dull) ang isang contestant.


Ang alam ko rin, long before Ryan Agoncillo’s Talentadong Pinoy, naunang nag-introduce ang EB ng isang free-format talent search segment. Ito yong current na KSP (Kahit Sino Pwede) na iba ang title nong i-introduce nila. ABC5 adapted the idea (pwede rin from American and British version ng Got Talent), made it into one full program na nag-hit naman sa Pinoys. Na ginaya na rin ng ABS-CBN sa Showtime nila na nag-hit din at ngayon ay highest rater sa Channel 2, even surpassing Wowowalang kwenta na nalulunod sa sigaw ng kanilang studio audience at hindi sa popularity ng program nila.

Ang problema sa TP at Showtime, pag nagsawa na ang Pinoy viewers sa ganitong contest, wala na silang option kungdi patayin ang program. Same thing with johnny-come-lately na Pilipinas Got Talent na ilalabas daw ng Ch 2 soon kung kalian pa nag-peak ang ganitong klase ng palabas. Eh di by the time na sawa na ang viewers, tigok agad ang show. Whereas sa EB, it’s just one portion na pwedeng palitan agad ng ibang segment.

Ang problema lang sa EB, mukhang nahihirapang mag-isip ang creative team ng program lately.

They recycled a portion na ilang beses nang ginawa (at ginaya ng ibang program). Yong akting-aktingan na Gaya-Gaya Puto Maya. Although it gives the audience the chance na mag-participate, makita sa Tv na hindi lang dinaanan ng camera at manalo ng pamasahe pauwi or 10,000 pesos. For me, it’s one weak segment ng EB sa ngayon. They should come up with better and fresher idea instead of this one.

Ang isa pang hindi ako nage-enjoy ay yong Super Sereyna na pinasok nila sa KSP portion. Oo nga’t super hit noon ang contest nilang ito, it’s still a recycled material. Nilagyan lang nila ng twist dahil dati, limited to real gays, trannys and cross-dressers yong contest. Pero ngayon pwede na raw kahit anong gender. Sino namang babae ang magkukunwaring babae para sumali dito? Eh di syempre puro bading din ang magdo-dominate nong contest. At dahil open daw to all genders, pwede ang mga lalake. Is it a sign na sa panahong ito, kahit true-blue full-blooded man, ay magdadamit babae para lang kumita ng pera? Sabagay, mahirap talaga ang buhay.

I’m sure EB is just going through a phase. Maya-maya siguradong may ilalabas na naman silang segment na kawiwilihan ng mga viewers na walang magawa sa tanghali tulad ko. At siguradong may pauusuhin na naman silang bago na magiging part ng buhay at kultura ng masang Pinoy. Afterall, no other program has influenced the lives and culture of the masses for the past 30 years. Eat Bulaga lang. The rest? Trying hard losers! Yon lang!


Sunday, January 17, 2010

a long lost friend

after an on and off exchange of emails for the last 12 years or so, nagkita rin kami finally ng isang matagal nang kaibigan at kasamahan from hadeed days - si vernie. last time na nagkita kami was when i left hadeed back in 98. and now, more than a decade and a few kilos gained later (hehehe), heto nga at nagkita kami ulit.
.
we had a grand time tripping down memory lane, talking about the 10 years na magkasama kami from tamimi to hadeed. the people we knew, spending much time on trying to recall names and faces dahil marami na rin kaming nalimutan! kailangan na yatang mag-sustagen gold! hahaha.
.
let me share a few pics from our lunch reunion today, kasama ang another best of friend kong si mauie plus my pamangkin myles who happens to be vernie's inaanak sa kumpil.
.

Friday, January 15, 2010

comedy of errors... not

Nong dumating ako ng NAIA last Thursday, I saw some mediamen waiting for somebody at the arrival area. Mismong doon sa may baggage claim area nakasalubong ko ang grupo. Akala ko nai-tip sa mga showbiz programs na uuwi ako hehehe. But when I realized that some of the men ay mukhang mga pulis kahit naka-plain clothes, sabi ko ‘ay for sure, hindi ako ang hinahanap nitong mga ito’. Siguradong may isang taong involved in something na nakasabay ko sa flight.

True enough dahil two days later, nakita ko sa news na kasabay ko palang dumating ang isang OFW from Doha na ang pangalan ay Jason Aguilar. Sabi sa report, he was mistaken for Jason Ivler, yong bumaril sa anak ng isang Malacanang official last November in a road rage. Jason Aguilar Ivler pala ang kumpletong pangalan ng suspect na sabi ay naka-takas na raw ng Pinas. At itong si Jason Aguilar na taga-Calumpit, Bulacan, ang napagkamalan kaya dinampot at nakulong pa ng 7 days sa Doha.

I particularly remembered the guy dahil nasa parehong section kami nong aircraft. Napansin ko yong bonnet nyang may fire blaze design and I said to myself “ano ba itong si kabayan, hindi naman kalamigan eh nagpapaka-japorms”. Nakita ko pa rin sya sa baggage claim area. Never did I know na kawawa pala ang sinapit ni kabayan.

I just finished watching his interview sa ANC. Doon nya kinuwento ang nangyari sa kanya. The soft spoken, mild manner guy said that all he wanted is to know kung ano ang nangyari at sya ang nadampot at nakulong. Gusto rin daw nyang mag-apologize ang mga may kasalanan. Hindi naman daw nya gustong may maparusahan. A simple apology is what the guy is asking for.

Ang problema, hanggang ngayon, wala naman daw umaamin kung sino ang may kasalanan sa wow mali na nangyari. Nobody among the government agencies are owning up to the horrible mistake. May mga nag-ooffer naman daw ng tulong tulad ng OWWA at POEA. Pinapangakuan sya ng trabaho and other stuff. Obviously to appease him. Pero walang sumisigaw ng mea culpa.

Sino nga ba ang dapat managot sa ganitong klase ng kawalang ingat? Whose carelessness and stupidity took away Jason’s dignity? Sino ang may pakana na ilagay sya sa isang sitwasyon na wala syang kaalam-alam?

Sa tingin ko hindi isang government agency lang ang may kasalanan dito. It could be a series of irresponsible actions ng iba’t-ibang opisina na basta na lang sumige ng sumige at hindi man lang nag-check kahit ng picture nong tao. The wanted criminal would obviously be tisoy dahil anak ng isang foreign diplomat. Eh si Jason na taga-Bulacan ay talagang Pinoy na Pinoy ang mukha. Pero ayon at basta pina-dampot sa Qatari police, pinakulong at pina-deport ng Pinas. Traumatized yong tao at sabi hindi na raw muna sya maga-abroad.

Ang masakit nga nito, nawalan ng chance ang kabayan nating tahimik na naghahanapbuhay sa Doha. His plans destructed, his dreams shattered. Pero wala man lang umamin sa mga culprit. Dahil alam nilang definitely, heads will roll dahil sa kamaliang ito.

Walang kumikibo. Walang umiimik. Parang stop dance ang labanan. Ang unang pumiyok syang nangitlog. O talagang dedma lang ang mga hinayupak, lalo ang mga nasa Malacanang dahil nobody nobody but you lang naman si Jason?

Wag naman sana. Dahil kung talagang tinuturing nilang Bagong Bayani ang mga OFW, then they just did one of their heroes some great injustice.

Monday, January 11, 2010

not the avatar you know

To those who can’t see Avatar in 3D movie houses, you missed a lot! Coz much of the wow factor of the movie is from its cutting edge 3D technology. And if you’ll see it in a normal screen, or in your PC (if ever there is one pirated copy available on the net) I bet it would be blurry unless it’s on the normal movie format. Kaya read on na lang at dito nyo na lang i-enjoy ang film! Hahaha!

Before watching it, I thought masyadong bugbog sa hype ang pelikula. Porke ang budget daw nito has reached US$400mn - more than what one blockbuster movie could earn from the tills. Eh paano pa kako sila kikita if that is the case. But we all know by now that James Cameron will be raking in hundreds of millions in profit coz it already breached the US$1bn ticket sales on its 3rd week of run.

The film is set in the year 2154 in Pandora, an earth-like planet somewhere in a far galactic system. Inhabitants of this planet are called Na’vi, mga 10-ft creatures na parang tao din except for their blue skin and feline features sa kanilang mukha at buntot. A mining corporation called RDA wants to kick the Navis out of their homeland dahil may rich deposit of minerals sa kanilang lupa.

But RDA can’t just kick the Na’vis out so they developed Avatars na kamukha ng mga Na’vi to develop a relationship with them and ultimately makumbinsi silang umalis sa kanilang lupa. The Avatar program is headed by Dr. Grace Augustine (Sigourney Weaver). Avatars are controlled by shifting/transporting the minds of the scientists/researchers to the genetically developed Na’vi hybrids.

Ang bidang si Jake Sully (played by Sam Worthington) was a last minute replacement sa twin brother nyang scientist who was specially trained for the avatar program pero na-murder bago pa makarating sa Pandora. Jake, who was an ex-marine, is now a paraplegic confined to a wheelchair. He was given a bodyguard role dahil hindi naman sya scientist. But it turned out na sya pala ang makaka-penetrate ng community ng mga Na’vi and achieve far more understanding of the tribe than what Dr. Grace Agustine has achieved.

Nakilala kasi niya si Neytiri (Zoe Saldana), ang anak ng head ng tribung Omaticaya. Nagka-developan si Neytiri at si Jake (who’s in his Na’vi body of course) and they fell totally in love. But more than that, naunawaan ni Jake ang pagmamahal at respeto ng mga Na’vi sa nature. Until dumating yong puntong hindi na nya maiwan ang Omaticaya and had to betray his original mission.

Dito na nagdecide si Colonel Miles Quatrich (Stephen Lang), leader of RDA’s security forces na lusubin ang Na’vi at was akin ang kanilang Hometree. A grand battle ensues where high-tech military weaponries are pitted against the bow and arrows and Toruks of the Na’vis.

The Na’vis won and the cruel human exploiters of nature are driven out of Pandora. And Jake? I won’t tell you what happened to him – whether he left with the men or he stayed in Omaticaya. That’s for you to find out.

People may see it as a sci-fi film. It can also be a love story. Pwede ring action. But however you might want to view it, meron itong isang napakahalaga and very timely message – that men and his greed is what destroys the balance of nature.

Bumilib ako ng husto kay James Cameron who wrote the story and directed the film. He was able to create a fantasy world and made me believe in it. With it’s hanging mountains and multi-colored, sometimes luminescent flora and fauna. Bumilib ako dahil nagawa nya akong maki-sympathize sa mga creatures na kulay blue which, otherwise, will be more of characters from a horror movie. And more than that, bumilib ako coz he displayed one technical genius in a sci-fi film na matagal ko nang hindi nakikita since I fell in love with the Star Wars series. Now George Lucas has competition. And a fierce one at that.

Technically, wala sigurong makaka-surpass kaagad-agad sa pelikulang ito. And if anybody can do that, it will still be James Cameron when he does the sequel. And he’d better come up with another coherent story para maging kasing commercially and critically successful nito.

As for the actors, Sam Worthington was believable as the free-spirited ex-marine. And Stephen Lang was one mean villain. Ang hindi ko lang nagustuhan, of all the many actresses around, bakit si Sigourney pa ang pinaganap na Dr. Augustine. Her Aliens series is somehow alienating me dahil parang yong character pa rin nya doon ang nakikita ko dito. Sana gumamit na lang ng ibang actress, kahit yong hindi masyadong kilala, to give credence to the character.

It will be interesting come Oscars. I’d bet my bottom riyal na maghahakot ito ng awards. Ang tanong lang, can it equal, much more surpass, Titanic? Para sa akin, it definitely should.


Saturday, January 9, 2010

vid on demand - le petit nicolas

After a cultural and historical immersion with The Soong Sisters, I thought I had to find another equally absorbing story so I chose Le Petit Nicolas. Akala ko it’s something heavy and serious din like The Soong Sisters. But to my delight, isa pala syang comedy film na talagang hilarious. There were scenes that I had to hold back my LOL dahil nakakahiya sa mga katabi ko sa eroplano. It would have been a loud, hearty laugh kung nasa bahay ako.

The film was an adaptation of a classic French children’s book of the same title and was shown at the 2009 Rome Film Festival. Sabi sa Wikipedia, it was a surprise hit in Europe earning 1.2 million euros at the box office in just a few days.
.
It’s the story of Nicolas, a young boy who’s an only child na nakarinig ng kwento from one of his classmates na nagkaroon ng baby brother. Naagaw daw ng baby ang attention ng parents nya at baka dalhin pa sya at iligaw sa forest para solo ng baby ang parents nya. One day may narinig si Nicolas na pinag-uusuapan ng parents nya na akala nya ay buntis ang mother nya. And he went through all sorts of trouble para lang ma-prevent yong sinabi ng classmate nya tungkol sa pagkakaroon ng kapatid.
.
The film was one very hilarious take on a child’s perspective of life. Magaling ang gumanap na Nicolas (Maxime Godart) and was ably supported by a bunch of funny kids na gumanap na mga classmates nya. Pati ang mga gumanap na tatay at nanay nya who are both Cesars winners – Kad Merad and Valerie Lemercier, respectively.
.
The film shows French brand of humor pero sakay na sakay ko dahil ito yong pelikulang walang race, creed or color na kinikilala. It could happen to any family anywhere in the world. Pati yong mga eksena sa school, kahit yong sa dinner na guest nila ang boss ng tatay ni Nicolas. Everything is so real. An excellent job from the director (Laurent Tirard).
.
Buti na lang natapos na yong film dahil kung hindi, tatawa pa rin ako ng tatawa while the other passengers are already trying to get some sleep.
.

(up next… Avatar)

Friday, January 8, 2010

vid on demand - the soong sisters

The movie buff in me is having a blast! It’s because I’ve seen 4 quite remarkable movies in just two days! Three from Qatar Airways’ in-flight video on demand and one in the comfort of a freezing SM Dolby cinema.

I’ve seen 1997 Chinese film (produced in HK) called The Soong Sisters, the French film Le Petit Nicolas (The Young Nicholas) and Juno where Ellen Page had a breakthrough performance. All 3 in a 9-hour flight from Doha to Manila kaya wala halos akong tulog sa flight. I didn’t mind. Dahil naenjoy ko ng husto ang mga pelikula na hindi normally nabibili sa mga pirated DVD shops (well, at least the first two).

First day ko naman sa Pinas, hinabol ko talaga ang Avatar dahil baka mawala na sa cinemas. Na mukhang hindi naman agad mangyayari dahil up until now ay pinipilahan pa rin. Ang ganda kasi. But I’ll tell you more about it later.

Let me tell you about The Soong Sisters first.

It’s like I took a crash course on Chinese history dahil sa film na ito. Dahil dito ko lang nalaman na behind the legendary names of Sun Yat-Sen and Chiang Kai-Shek pala are women who came from just one family - the Soong family.
.

The story started in the early 1900s nong bata pa ang Soong Sisters Ai-Ling (Michelle Yeoh), Ching-Ling (Maggie Cheung) and May-Ling (Vivian Wu). Dahil mayaman ang pamilya nila, they were sent to study at the Wesleyan University in Georgia. Their father (Charlie Soong) is in the printing business pero supporter ng revolution against the Qing government. He is a very close friend of Sun-Yat Sen who is the leader of the revolution.

Bumalik ang magkakapatid sa China na mga dalaga na sila. The eldest, Ai-Ling married for money. She married H.H. Kung na isa sa pinakamayaman sa China noong mga panahon na yon. But the second, Ching-Ling fell in love with the already aged Sun Yat-Sen much to the consternation of her father hanggang i-disown pa nga sya.

The youngest, May-Ling married Chiang Kai-Shek who was then a young general of Sun Yat-Sen. Although Kai-Shek is against Communism na sya namang ideology ni Yat-Sen. When Yat-Sen died, Kai-Shek took over power. This is where the clashes between the two sisters occurred dahil Ching-Ling was still a firm believer of her late husband’s ideologies.

But the war against Japan brought them closer again. With May-Ling’s influence, Kai-Shek learned to accept compromise to fight the Japanese with the help of Ching-Ling’s Koumintang Nationalist party. Malaki rin ang naitulong ng wealth and power ni Ai-Ling. Kaya malaki ang contribution ng tatlong magkakapatid sa history of what is now known as the People’s Republic of China. Sabi nga sa start nong film, one love money (Ai-Ling), one love power (May-Ling) but one loved the country (Ching-Ling).

I don’t know how historically accurate the story is but for sure, Alex Law wrote one powerful story which was superbly directed by Mabel Cheung. The film is nothing short of an epic. Maganda ang execution ng mga eksena mula sa mga dramatic at confrontation scenes ng magkakapatid up to the war scenes. Pati cinematography and production design, talagang nagawa nilang ipakita ang early China sa screen.
.
Sayang lang dahil hindi yata ito na-release sa US kaya siguro hindi napasama sa mga na-nominate sa Foreign Language films that year. But it sure won a lot of awards in HK. And it sure won me over. After the film, I forgot the fact na kaya ko lang syang piniling panoorin is because of Michelle Yeoh who has became one of my favorites after Crouching Tiger Hidden Dragon. Michelle’s role was not that spectacular. Pero walang kaso. Coz the film itself was.

(Le Petit Nicolas’ review coming right up….)

Sunday, January 3, 2010

winter's here again

The much-delayed winter season is finally here. Just last Friday, the temperature suddenly started dipping. Siguro ilang araw na lang single-digit na naman sa umaga. This after a rather warm December. Dati kasi October to November pa lang nag-uumpisa na ang lamig kaya pagdating ng December talagang todo na. But the earth’s balance should now really be in disarray dahil heto nga at January na saka lang kumakagat ang lamig.

I really enjoy cold weather wag lang sasamahan ng ulan. Yong tipong malamig lang talaga minus the wind chill factor. It’s sooo comfy snuggling in bed at parang ayaw mo nang umalis doon. Sarap din ng tulog kasi walang maingay na A/c.

Though kung nae-enjoy ko ang lamig, some people don’t. Let’s see if you’re really born to stay in the tropics o pwede ka nang mag-migrate sa north pole!

1. Hindi ka nagdya-jacket kahit malamig kasi:
a. Normal sa akin ang 7deg. OA lang yong ibang nangangatog na sa ginaw
b. Actually may suot akong tatlong sets ng long john kaya akala nila bigla lang akong tumaba
c. Nag-aalmusal kaya ako ng isang kilong red jalapenos
d. Wala talaga akong pambili ng jacket

2. On winter mornings, eto ang ritwal mo:
a. Naliligo ako kahit malamig noh! May hot water naman
b. Naghihilamos lang ako kasi hindi ko kaya kahit may hot water (eewww)
c. Wisik-wisik lang kasi di ko pa rin kaya ang lamig ng hilamos (mas eeww!)
d. Change nationality ako pag winter. Itik ako.

3. You enjoy wearing any of these:
a. Bonnet. Actually kahit nga summer sinusuot ko yan (asim non sa ulo!)
b. Scarf. Feeling New Yorker kasi ako pag naka-scarf
c. Trench coat/leather jacket. Idol ko kaya si Neo
d. Ear mufflers with leopard skin print (change nationality nga ako eh!)

4. Your favorite food/drinks pag malamig ang panahon:
a. Hot chocolate or cappuccino
b. Cup noodles with mainit na sabaw
c. Champorado at pritong tuyo
d. Wala. Yosi lang.

5. For you to keep warm in bed, you:
a. Wear layers and layers of clothes
b. Use 3 comforters
c. Use portable room heater
d. Find a bedmate!

6. Pag winter, pinakamahirap ang:
a. Paliligo. Nanginginig pati bilbil ko.
b. Exercise particularly jogging, hindi kasi ako papawisan
c. Pagkain. Natatapon ang pagkain kasi nanginginig ang kamay ko pati ang baba
d. Makipag-chat. Malamig pag masu-show!

7. In general, you enjoy winter kasi:
a. This is the closest thing to being in Europe!
b. Nakaka-get up ako kaya todo porma
c. Hindi ako pinapawisan lalo ang singit ko
d. Ayoko! Pahirap tong rayuma ko!

Please post your answers. Hehehe… wala lang. I just wanted to start the new year on a light note. Bilis ng araw, 3 days agad ang nalagas sa 2010!

Friday, January 1, 2010

a blessed new year to all


another year ended and a new one began. let me just wish everyone a happy new year. may the Lord continually bless us with His unconditional love and eternal understanding.
amidst all the celebrations, material gifts, noise and partying, let's not forget that it is only He who has granted us the right to open our eyes this morning.
for that, we should all be thankful and appreciate the fact that we are blessed simply to be a part of this new page in time.
.
HAPPY NEW YEAR EVERYONE!