let me devote this edition to the aftermath of typhoon ketsana... (ayaw talaga ng local name! hahaha)
Hotnot. Global warming – a serious threat. Kasabay halos ng pananalasa ni tukayo sa Pilipinas, isang conference ang ginaganap sa Bangkok kung saan pinag-uusapan ang tungkol sa Global Warming. Related reports about this conference shows that sometime towards the end of the century, kung hindi matitigil ang global warming, cities like Mumbai and Miami could be wiped out due to massive flooding. Wala naman sigurong hindi maniniwala dito. Nakita na natin kung anong nangyari sa Pilipinas, particularly in Metro Manila. Now, more than ever, is the time to accept the fact that global warming is a real threat and not just a baseless prediction.
Hothot. Richard Gutierrez to the rescue of Christine Reyes. Parang pelikula. Or at least parang early promo ng pelikula nila. But seriously, is box-office returns worth it? I Don’t think so. Siguro talagang hindi kaya ni Richard dedmahin ang SOS ng isang kaibigan. Kahit siguro ako, if a friend in grave danger asks for my help, hindi ako makakatulog knowing that one soul I know is crying for my help. At don sa mga nagrereklamong bakit si Christine lang ang tinulungan ni Richard, natural lang siguro na uunahin natin ang mga kaibigan at kamag-anak. Wag nating kalimutan na tao lang sya, hindi totoong sya si Captain Barbel. Magkalinawan lang, hindi ako fan ng batang ito. Never watched any of his soap or his film. I’m just giving credit where credit is due.
Hotnot: NDCC’s response to the calamity. Inaatake ngayon ang National Disaster Coordinating Council na under pa mandin ni Gilberto Teodoro, ang manok ni Gloria para sa 2010 Presidential Elections. Tumakbo pa kaya sya after this, ngayon na kita nyang nega ang dating nya sa mga Pinoy? But politics aside, personally hindi ko masisi ang NDCC. Third world country tayo where government agencies like this gets the tiniest of budget allocation. Wag na muna nating isama ang matinding graft and corruption. Pero kahit saan ka tumingin, walang bansa, even highly developed countries, ang makakapag-sabing well prepared sila sa mga ganitong calamities. Look at China nong malakas na lindol sa Sechuan province. And even US when Katrina hit Florida. Nobody can be ready for nature’s wrath.
Hotnot: Our irresponsibility. Ngayon dapat natin ma-realize kung ano ang epekto ng pagtatapon ng basura kung saan-saan lang. Our drainages within Metro Manila are mostly clogged with basura. Pati mga kanal, imburnal at ilog, ginagawang malaking basurahan. Kung may kakulangan ang gobyerno sa pag-respond sa mga biktima, malaki rin ang kakulangan nating mga Pinoy. Malaki sanang tulong kung walang bara ang mga daanan ng tubig. At dapat siguro suportahan natin ang tree planting project ni Loren. Schools should make it mandatory for one student to plant at least one tree. I did that nong High School pa ako. Ewan ko lang kung nabuhay yong tinanim ko.
Hotnot. Jacque Bermejo, the most hated girl on the net today. Thanks to her senseless posting in Facebook regarding the typhoon that hit the PI, she got what she wanted : worldwide attention na hindi nya makukuha by simply being a real estate officer in Dubai. Her case is one good example of the powers of social networking sites. Sure it can make you popular. But it can also turn your charmed life to a living hell kung ang ilalagay mo lang ay walang kawawaan, kababawan at kagagahan. No doubt, tinalbugan nya si Marilou Fernandez.
Hothot: GMA and ABS-CBN spearheading fund-raising drives for the typhoon’s victims. Eto lang ang maganda sa dalawang tv networks na ito. They give back to the people who sustains their existence in the first place. Minsan nga mas effective pang trumabaho itong mga ito, nakakatulong talaga kesa sa mga pulitiko. Most politicians, mamimigay lang ng isang latang sardinas at isang kilong bigas with todo press coverage pa. Besides, parang mas may integrity ang tv networks na ito. Bakit kamo? Mas magbibigay ako ng donasyon, lalo na kung pera, sa kanila coz I know talagang mapupunta sa nangangailangan. Sa mga pulitiko? Sorry but I can’t say the same thing.